Chapter 1: Celeste Academy

62 31 5
                                    

Chapter 1: Celeste Academy

Nakasimangot akong nakatingin kay Tristan na abala sa pagsusuklay ng buhok niya habang nakaharap sa salamin. Wala naman sanang problema, kaso sino namang hindi maiinis sa kanya kung mag-iisang oras na akong naghihintay sa kaniya dito. Tinalo pa niya babae sa sobrang tagal mag-ayos e.

"Hindi ka pa ba tapos diyan, Tristan?" naiinis kong tanong dito. Paulit-ulit lang nitong sinusuklay ang buhok nitong akala mo naman kasing mahal ng isang gold bar.

"Hays..." aniya ng may halong pagkainis ng ayaw talagang tumayo ng buhok niyang pilit niyang pinapatayo- style nga daw aniya niya.

"'Wag mo na kasing pilitin Kuya ayaw naman talaga," natatawang sabi ni Trina na may dalang isang baso na may lamang juice. "Ate Sue, uminom ka muna ng juice habang hindi pa natatapos si Kuya Tristan sa buhok niya." natatawang saad nito sabay bigay sa akin ng baso na agad ko namang inabot na nakangisi.

Nakababatang kapatid ni Tristan si Trina. Wala na ang tatay nila, namatay daw ito dahil sa kaguluhang nangyari sa bahay nang mga Lennon 7 years ago. Dating nagsisilbi ang pamilya ni Tristan sa pamilyang Lennon na isa sa mayamang pamilya dito sa Zumia.

"Tristan, baka hindi niyo na maabutan ni Sue ang pagtatanghal na magaganap doon sa bayan." saad ng kapapasok lang na si Tita Vina- ang ina ni Tristan at Trina.

Nakasimangot na lumapit sa gawi ko si Tristan na siya namang nginisihan ko. Alam ko kasing hindi na siya makakapalag kapag nanay na niya ang nagsalita. Ang sarap asarin.

Inilapag nito ang suklay na bitbit sa lamesa. Napagpasyahan ko na ring tumayo. Pasado alas 2PM na ng hapon. Mamayang 3PM magaganap ang pagtatanghal. Hindi naman talaga yung pagtatanghal ang inaabangan ko tuwing fiesta dito sa Sheriye, ang madalas ko kasing sinasalihan ay yung palaro na may premyong isang-daan na pilak. It's an archery competition where the players should hit every red dot on the board. At sa bawat taon na iyon, wala pa akong palya. Sayang din kaya ang isang-daan na pilak no.

"Alis na kami Ma!" sigaw ni Tristan habang sinusuot ang brown nitong sapatos.

"Mag-iingat kayo!" sigaw naman pabalik ni Tita na nandoon sa loob ng kusina nila Tristan.

Nauuna ako sa kanyang maglakad. Ang Sheriye Village ay isa sa mga lugar na sakop ng Zumia City. Ang lugar namin ay may limang territory. The first one is Equinox, and Equinox is located on the north part of Zumia. The second one is Cloudridge, which is located on the South, and Cloverdale on the West, while Eastwood is on the East. And lastly, Zumia, the centre City of those 4 territories.

Maraming kawal ang pakalat-kalat sa paligid, normal na ito dahil sa kasiyahang nagaganap ngayon. Napadako naman ang paningin ko sa isang binatang lalaki na nasa isang tabi, may kasama itong dalawa ring lalaki at kapwa sila nagtatawanan.

Napatingin ang isa sa kanila sa gawi namin ni Tristan. Kusa nalang tumaas ang kilay ko sa mga tingin na ibinibigay niya sa aming dalawa ni Tristan.

"Hayaan mo na. Hindi lang siguro sila sanay na makakita ng ka-edad nila na maagang nagtatrabaho. At siguro na rin, dahil sa mga damit natin." natatawang sambit niya na ikinairap ko nalang.

Napagawi ang tingin ko sa suot-suot nitong uniporme. Celeste Academy. I gritted my teeth. So, estudyante pala sila ng C.A.

"Ang ganda ng uniporme nila 'no," may paghangang sambit ni Tristan na mabilis ko namang inungusan. Anong maganda diyan?

Halos ka edad ko lang sila. Nakasuot sila ng mga mamahaling coat na gawa sa blue na leather na may golden logo ng Celeste Academy. Sa panloob naman may t-shirt silang suot at necktie na may lining na blue at white. Habang ang pantalon naman ay itim lang. Para silang kumikintab dahil sa linis at ayos.

Celeste Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now