40

2.4K 226 40
                                    










Unedited...










********Rose Ann POV*********









"Uy, grabe! Di ba ito talaga yung background ni Orange?" tanong ni Geen na hindi makapaniwalang tinitingnan ang screenshot ng videocall nina Orange at Winter. "Ito talaga yung sa sala ni Kaitlyn eh! Same talaga ng sofa tapos sa kwarto pa niya. Same talaga ang comforter nila."

"Di ba? I told yah!" sabi ko. "Si Kaitlyn talaga ang asawa niya."

"Oo nga. Hala, hindi ako makapaniwala. For sure marami ang magulat kapag malaman nila na si Kaitlyn pala. Like, knowing Kaitlyn, hindi mo talaga maisip yun."

"I know," sabi ko. Noong una, ayaw ko rin namang maniwala kaso nandiyan na ang ebidensya e.

"Uy, papasa ng pics natin sa bahay niya," sabi niya.

"Hindi ko pa ba na-send?"

"Hindi pa ah. Send mo na, dali."

"Sige, wag ka ngang atat!" sabi ko saka hinanap ang photos namin at sinend sa kanya. "Andiyan na."

"Uy, thank you. Ang ganda ko rito," sabi niya.

"Ikaw na. Palibhasa may Winter ka na," sabi ko.

"Mag-boyfriend ka na kasi."

"For what? Sakit lang sa ulo ang lalaki. Yung bigyan mo ako ng responsibilidad na may i-text araw-araw at tatanungin kung kumain na ba siya or gising? No, thanks!" tanggi ko.

"Sus. Masanay ka rin."

"Tigilan mo 'ko, Geen. Okay na ako," sabi ko at kinalikot ang Instagram ko. "Oh? Nag-post ka na sa Insta? Bilis mo ah." Ang caption niya kasi "with my plantita bestfriends tapos naka-tag kami ni Kaitlyn."

"Syempre," sabi niya.

"Tapos nakapikit pa ako. Baliw ka ba?" tanong ko.

"Eh maganda ako eh," sabi niya. "Ang ganda kasi ng mga halaman niya sa unit."

"Oh my ghad!" bulalas ko nang makita ang post ni Orange. "Gagi! Delete mo ang post mo, dali!"

"At bakit? Kahit nakapikit ka, maganda—"

"Same kayo ng post ni Orange! Delete mo, dali!"

"Ha?"

"Basta delete mo! Isa!"

Inagaw ko ang cellphone niya at agad na dinelete ang photo niya.

"Ano ba ang post ni Orange?"

"Shit ka! Same kayo ng background. Hala! Sana walang nakakita at screenshot!" kinakabahang sabi ko. "Naka-public ka ba?"

"Private naman," sagot niya pero alam ko marami rin tong followers e.

"Sure ka? Ilan ba ang nakakita?"

"Ewan. Hindi naman naka-story e. Lima pa lang naman ang nag-like."

"Baliw ka! Sino?"

"Hindi ko alam. Si Winter ang isa."

"Tingnan mo sa notif mo!"

"Wait. Si Winter tapos family ko. Tapos si—oh my gosh! Si Kaitlyn," bulalas nya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Hala ka! Sure ka?"

"Oo," sagot niya. "Sorry na, friend. Malay ko ba na i-post siya ni Orange. Di ba hindi naman nagpo-post si Orange?"

"Patay ka talaga. Bahala ka riyan," sabi ko. "Kapag may nag-screenshot, ikaw magpaliwanag."

"Oh, gosh! Si Kaitlyn!" bulong niya nang makitang papalapit sa amin si Kaitlyn sabay kurot sa braso ko.

In A Secret Relationship?Where stories live. Discover now