14

2K 211 78
                                    


Yan po mukha ni Orange sa video or kung di nyo ma open, nasa Facebook ko po. Search nyo lang "Ash Simon" nasa reels ko si Orange. Para di na kayo mag imagine ng ibang mukha at para hindi ko na i-describe kasi nakakapagod mag-isip hahahaha.




Unedited...



Kaitlyn's POV...


Nagising akong masakit ang puson kaya nanatili muna akong nakahiga sa kama pero agad ding napabangon nang maramdamang may lumabas na likido sa pagkababae ko.

"Hey!" tawag ni Orange.

"Uuwi na ako!" sabi ko nang maalala ang mga kaibigan ko.

"Mamaya na," anito saka hinawakan ang kanang kamay ko.

"Baka hinahanap na nila ako," sabi ko. "Bumangon ka na nga. Isara mo yung wall!"

"Mamaya."

"Orange, isa!" pagbilang ko sabay kuha ng unan at hinampas siya.

"Fine," tinatamad na bumangon siya at sinamahan ako sa sala. Walang tao kaya pinabuksan ko na.

"Bye," paalam nito. "Hey, Kaitlyn!" anito na itinuro ang sa bandang pang-upo ko.

"Whatever!" mataray na sabi ko sabay rolled eyes. Ramdam ko ring natagusan ko. "Sara mo na!" sabi ko nang makatawid at ni hindi na nilingon pa siya. For sure tuwang-tuwa ang mokong dahil nagka-period na ako.

Dumiretso ako sa banyo at naligo. Laking pasalamat ko nang makitang natutulog pa ang dalawa.

"Oh, morning," bati ni Geen nang magising. "Ang aga mo namang nagising."

"Ah, hindi kasi ako makatulog na."

"Ang ingay ninyo!" reklamo ni Rose Ann sabay takip sa tainga at muling natulog.

"Magluluto na ako ng breakfast natin," paalam ni Geen at bumangon na kaya sinamahan ko siya sa kusina. Hotdog at itlog ang niluto nito.

Binuksan ko ang TV para makapanood pa ng morning news.

"Morning," bati ni Rose Ann nang lumabas.

"Uy, kain na tayo," yaya ni Geen. "May caldereta pa kaya ininit ko na. Sino ang nagluto?"

"Don't tell me na ikaw dahil hindi ka nga marunong magprito ng tuyo e," ani Rose Ann.

"Dala ko galing sa bahay," pagdadahilan ko.

"Ah, kaya pala masarap," ani Geen. "Kain na."

Magkaharap na naupo kami sa mesa.

"Uy, saan ka ba nagpunta kagabi, ha?" tanong ni Rose Ann kaya kinabahan ako. Nakita ba niya ako?

"Ha?"

"Wala ka sa tabi namin e," sabi ni Rose Ann. "Umihi ako ng alas dos pero wala ka."

"S-Sa sala ako natulog," palusot ko.

"Bakit sa sala ka natulog?" tanong ni Rose Ann. Okay, sa tono ng tanong niya ay mukhang hindi siya lumabas ng kwarto.

"Paano ang likot ninyong matulog, muntik na akong mahulog," kunwari ay reklamo ko.

"Sinabi mo pa! Sobrang likot talaga ni Rose Ann. Naninipa pa," segunda ni Geen kaya ayun, nag-asaran na. Buti naman. Nang matapos kaming mag-breakfast, pumili na sila ng damit sa closet ko. Marami pa naman akong hindi nasusuot kaya ibinigay ko na sa kanila. Ganoon kaming magkaibigan. Kung hindi nagbibigayan ay naghihiraman.

In A Secret Relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon