[46] Stupid Bravery

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkalabas ni Jasmine ay mabilis akong lumapit kay Storm at nagulat na lang ako nang makitang matutumba siya

"Storm!" sigaw ko at dali-dali siyang sinalo. "Oh my God. Ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalalang tanong ko at dahan-dahan siyang inalalayan paupo sa sahig.

Pagkaupo namin ay nanatili lang siyang nakayuko at nakatulala. Nagulat na lang ako nang may luhang nag-uunahang tumulo sa kanyang magkabilang pisngi.

"S-Storm..." nanghihinang tawag ko sa kanya.

"He's right." Saad niya at saka ngumiti ng pilit habang may mga luhang patuloy na bumubuhos sa kanyang pisngi. "It hurts so bad none of us can handle it," dagdag niya.

Wala akong ibang nagawa kundi ang panuorin lang siyang tahimik na lumuluha sa tabi ko. Nais ko siyang icomfort pero wala akong mahanap na tamang salita na siyang magpapatahan sa kanya. Hindi ko maimagine ang pighati na pinagdaraanan niya ngayon. He literally gave up everything for that girl yet in the end, he ended up being alone and betrayed.

Mas lalo nang namumutla ang mukha niya ngayon kumpara kanina. Nagpatong-patong na lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Pero alam kong kumpara sa sakit sa natamong niyang saksak ay di hamak na mas masakit ang sakit sa puso na pinagdaraanan niya ngayon. And funny how all I could do is to watch him go through it all.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula nang makulong kaming dalawa ni Storm. Mabuti na lamang at nakatulog siya. Hinayaan ko siyang matulog muna sa may hita ko, at kahit na namamanhid na ako kanina pa ay tiniis ko na lang para matakasan niya muna ang bangungot na dala ng reyalidad sa kanya.

Napatingin ako sa may pintuan nang dahan-dahan itong bumukas. May isang lalaki ang pumasok habang may dala-dala siyang tray na naglalaman ng pagkain. Mukhang kahit na mamamatay na kami dito ay gusto pa rin nilang busog kami.

Dahan-dahan kong iniayos ang ulo ni Storm at ipinatong muna sa may sahig. Mabuti na lang at hindi siya nagising.

Inobserbahan ko lang ang lalaking may dala-dalang tray. Mukhang nautusan lang talaga siyang maghatid ng pagkain sa amin. Hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko pero ito lang ang tanging nakikita kong paraan para makaalis kami.

Ibinalik ko ang tingin kay Storm na mahimbing na natutulog. Huwag kang mag-alala, Storm. I-aalis kita rito.

Ibinalik ko ang tingin sa lalaking bagong pasok. Sinuri ko muna kung may nakakamatay bang armas na nakalagay sa bulsa niya at nakahinga ako ng maluwag dahil wala. Tumingin ako sa paligid na maari kong gamitin laban sa kanya at wala akong ibang nakitang pwedeng gamitin kundi ang tray na dala-dala niya.

Sinasabi ng isip ko na this is not a good idea, definitely it isn't pero kung hindi ako kikilos ngayon, hindi ko alam kung anong susunod na mangyayare.

Nakarating na nang tuluyan sa harapan namin ang lalaki. Tiningala ko ang mukha niya at wala akong ibang mabasa sa expression niya. Mukhang talagang ang mission lang niya ay ang ihatid ang pagkain namin.

Saglit siyang yumuko upang ipatong sa harapan namin ang tray. "Your dinner," saad niya. Pasimple akong sumilip sa likuran niya at nakita kong naiwan niyang bukas ang pintuan.

Aalis na sana siya pero kaagad ko siyang pinigilan. "Sandali," pigil ko. Iritable niya akong tiningnan.

Dahan-dahan akong tumayo. "I need to pee. Where's the comfort room?" tanong ko.

Sarkastik siyang natawa at napakamot sa kilay niya. Bigla na lang nagtaasan ang balahibo ko. Masyado ata akong nagpalinlang sa mukha niya. Nakakatakot pala siya.

"Tingin mo ba talaga magagamit mo sa akin ang taktikang iyan? Masyado ka nang makaluma, mag-isip ka naman ng bago." Saad niya.

"Ah, ganun ba." Mabilis kong sagot at bigla-bigla ay sinipa ko siya sa may pagitan ng kanyang legs. Yeah, 'to where it hurts the most' ika nga ng karamihan.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon