Thirty Seven

34 2 0
                                    

Thirty Seven

Lunch nang nakatanggap ako ng text galing kay Mommy. Halos magkumahog ako palabas sa opisina nang makitang nakalapag na ang sinasakyan nila sa airport. Damn it, I forgot!

Kinuha ko kay Lennox ang susi ng kotse. Nasa tabi ko siya habang hinahayaan niya akong ipaharurot ang sasakyan patungong airport.

"You forgot your parents' arrival?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin habang kapit na kapit sa hood ng sasakyan.

"Ou! Ikaw kasi!" sisi ko sa kanya. Natawa siya sa sinabi ko.

"Anong ako? Wala akong alam diyan..." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pasaring niya at mas tinapakan ang acceleration ng sasakyan. Halos trenta-minutos kong minaneho ang office hanggang airport.

Ang bilis ng hakbang ko papasok sa airport, mabuti nalang at naka white sneakers na ako kaya hindi ako hirap sa paglalakad. I'm still sore but it's manageable now.

Saktong pagkarating ko sa arrival area ay ang paglabas ng mga tao galing sa loob. Luminga-linga ako sa paligid. I glance at my boyfriend beside me, nagmasid muna siya sa paligid bago ako binalingan ng tingin.

"Wala pa sila?" Tanong niya sa akin.

"Wala." He nodded and radioed someone on his earpiece.

Hindi nagtagal unti-unting lumalapad ang ngiti ko nang makita sila Mommy and Daddy na palabas. Agad akong kumaway upang makita nila ako.

"Baby!" Bati ni Mommy sa akin kahit nasa malayo pa lang. si Daddy ay may kinakausap sa tabi niya wari'y bodyguard? I don't know.

"Akala ko mali-late ka. Mateo told us that you're still in your office, signing some documents." Aniya nang makalapit sa akin.

"Hindi naman Ma, makakalimutan ba naman kita? Of course not!" Mommy leaned on me to kiss my cheeks as I slowly hugged my father in front of me.

"How are you here? Stress ka ba?" Tanong ni Dad sa akin. I almost chuckled, para naman akong bata sa tanong nila.

"It's fine Dad" sagot ko. My Dad eyes slowly drop on Lennox whos' respectfully looking at them.

"Good Afternoon Sir!" He greets them with a salute. Napangiti ako habang lumapit naman sa akin si Mommy ng bahagya.

"You're Javier? Sergeant Javier?" Si Daddy.

"Yes Sir."

"Your bodyguard?" Tanong ni Mam habang kita-kita ko ang panunuri sa kaniyang mga mata. "Nobody told me that you're bodyguard is extremely handsome." puri niya. Natawa ako sa sinabi ni Mom. Then Dad tap Lennox shoulder, may pinag-usapan silang dalawa na hindi ko na marinig, I let them.

Iginaya ko na 'rin si Mommy palabas ng arrival area. Four bodyguard are present behind us, they are all wearing a black suit, para kaming mga artistang pinagtitinginan ng mga tao dahil sa higpit ng security.

May pumaradang Ford sa harapan namin, I know that it's my parents car.

"See you when I got home Mom. May tatapusin pa ako sa office." Paalam ko at pinagbuksan siya ng pinto.

"Hindi ka sasama sa amin?" Tanong niya.

"Hindi pa po Mommy. I still have a meeting later. Magkikita naman po tayo mamayang dinner." Saad ko. Malungkot akong tiningnan ni Mommy at walang nagawa. Sunod kong binalingan sila Dad and Lennox na halatang may seryosong pinaguusapan.

"Daddy!" Tawag ko sa isa sa kanila. Nilingunan ako ni Dad at ngumiti, he again tap Lennox shoulder to dismissed him.

"You should go, I still need to go back to the office. May need pa akong tapusin."

Hidden HeiressKde žijí příběhy. Začni objevovat