Eighteen

51 4 0
                                    

Eighteen

Dumiretso ako sa loob ng mansion. Nagtawag ako ng isang kasambahay para madaluhan si Lennox sa kwarto niya.

"He's my bodyguard, I know that Dad informed you about him. Pakituro nalang po sa kanya ang magiging kwarto niya." Nagsitanguan ang mga kasambahay sa utos ko. Then I look at Lennox whos  closely watching me.

"I'm just in my room, matutulog! You're off duty now since nandito lang naman ako sa bahay." He slowly nodded, nagaalangan pero walang magawa. Dire-diretso ang akyat ko sa hagdan patungong kwarto, I also removed my coat and ponytail while walking on our stairs. Pagkapasok ko sa kwarto, dire-diretso ang pasok ko sa banyo para makapaglinis at makapag-palit ng pantulog.

Sa sobrang antok ko, mamaya ko nalang iisipin ang nangyari sa buong araw. I feel like my mind was so full that I can't even processed a bit of it.

After almost 1 hour of cleaning myself on the bathroom. Nagpalit ako ng collared neck pajama set at dahan-dahang nahiga sa kama. I put the airconditioned in maximum temperature before closing my eyes and sleep.

Napabalikwas ako ng tulog nang makaramdam ng gutom. Damn it! I realize I didn't had a dinner last night. I look at my alarm clock and its still 4am. Bumangon na ako para masimulan ang araw.

Nagpalit ako ng pang-work-out clothes, isang high rise lined short and a racer-back crop top ang suot ko. I make sure to ponytail my hair up-high. I also complete my look by nike running shoes. Lumabas ako ng kwarto at bumaba para dumiretso kaagad sa kitchen. Natigil ako sa pagbaba nang makita ang naka-abang na si Lennox sa akin. I saw how he surveyed me from my shoes to my outfit and my face.

"I-Its still early! Kanina ka pa gising?" tanong ko sa kanya nang makababa na ng hagdan at dumiretso sa kitchen. Sumunod din naman kaagad siya.

Gising na 'rin ang ibang kasambahay at naghahanda na para sa umagahan. Sumingit ang isa sa pagitan namin ni Lennox.

"Mam tumawag po si Mam kagabi, hindi niyo daw po sinasagot ang tawag, nag-aalala daw po sila." aniya.

"Ah sorry po Manang, nakalimutan kong makapag-text kay Mom kahapon sa sobrang pagod." sagot ko.

"Hindi niyo 'rin po naigalaw ang pagkain kagabi." nagaalalang utas nila. Napakamot ako sa aking batok at kumuha ng isang mineral water.

"Tulog na tulog na po kasi ako, hindi ko na din po namalayan ang oras. Hayaan niyo po, kakain po ako bago umalis ngayon." Naghanap ako ng baso sa sink at kumuha ng gatas para magkalaman naman ang tiyan. "Mag-wo-work-out lang po ako! Ang aga ko 'din po kasi nagising..." saad ko at sinalinan na ang baso ng gatas. Nagkatinginan kami ni Lennox habang umiinom ako ng milk! Oh I forgot, I didnt offered him anything.

"Do you prefer milk or coffee?" tanong ko sa kanya.

"I'm done." sabi niya sa mariing boses.  Ngumiwi nalang ako at inubos na ang laman ng baso.

I proceed to our work-out room. Dad renovated it at naglagay siya ng ring to practice my training in Muay Thai of course. But for this day, I just want to jog on our treadmill and do some lifting para mapagpawisan, sa weekend nalang ako magti-train.

I open all the lights of it, nakasunod lang sa akin si Lennox. He's wearing a white v-neck-shirt and a black short. He looks so casual behind me. His muscles are well defined now that he's in his usual clothes. Ano nga ba ang aasahan mo sa isang Military Man, of course—hinubog ng trainings ang katawan niyan. In-on ko ang threadmill at sinabit sa handler nito ang towel na dala, tinabi ko 'din sa harap ang mineral water na dala.

I set it while Lennox are looking at me intensely. Nagsisimula na akong tumakbo sa harap niya, and it feels so awkward that someone are looking at you like  this! Damn it! Sinipat ko siya habang tumatakbo, para siyang uhaw na uhaw na nakatitig sa akin. Nagsisimula na akong pagpawisan at ramdam ko na ang tagaktak ng pawis sa aking noo at leeg pero itong bodyguard ko--imbes na magmanman at maglibot-libot ng kahina-hinala sa paligid, nasa akin nakatitig!

Hidden HeiressWhere stories live. Discover now