CHAPTER 40 Movie Marathon

249 8 7
                                    

MATCHA POV


Nang matapos kaming maligo ni Forest (hindi po kami sabay naligo.) lumabas na kami ng kwarto para mag-almusal sa dining hall ng inn. Nang marating namin ang dining hall, pinagsilbihan agad kami ng mga stuff.

"May iba ka pa bang naaalala bukod sa nunal sa dibdib ng mama mo?" Tanong ko kay Crisanto.

"Hmmm, kagabi habang pabalik kami sa kwarto ni tito, napadaan kami sa kusina nitong inn. Narinig ko ang tunog ng kutsilyo at paghihiwala ng mga gulay, doon sumagi sa isipan ko na bukod sa nunal, madalas ko din marinig ang tunog na 'yun bago ako makatulog." Crisanto said.

"Hindi kaya cook ang mama mo dito?" Calix asked.

Napaisip akong mabuti, kagabi nang makita ko Crisanto na karga-karga ni Calix kagabi sa likod nito, may isang bagay akong napagtanto. Finally, matatapos na din ang kaso na 'to.

"I already know who's your mother." I said.

Napatingin naman silang tatlo sakin at nag-aabang sa susunod kong sasabihin.

"First of all, hindi ka karga-karga ng ina mo noon, instead, you were being carried on the back of your mother. Hindi makakapagluto ang ina mo kung karga-karga ka niya kaya palagi kang nasa likod ng nanay mo habang nagluluto ito. Second, hindi sa dibdib ang nunal ng mama mo, kundi nasa batok. Nabanggit mo sakin na madalas kang makatulog habang pinagmamasdan ang nunal ng nanay mo, at dahil nga pasan ka sa likod lagi ng mama mo, sure akong sa batok ito at hindi sa dibdib." Paliwanag ko sa kanila.

Their mouth are agape while listening to me. Walang nagsasalita sa kanila at pawang pinoproseso pa ang lahat ng sinabi ko sa kanila. Si Calix ang unang nakabawi at nagkapagsalita sa kanilang tatlo.

"Oh? I know a stuff here who has a mole on her nape." Calix said.

"Go. Talk to your mother." Nakangiti kong sabi kay Crisanto.

Nagmadali naman ang magtiyuhin na umalis para hanapin si Paulina Sta. Ana, ang biological mother ni Crisanto. That's right, it was Paulina who we're after. Nang sabihin niya kagabi na sa batok ang nunal nito, nagkaroon na agad ako ng idea. Somewhat, blessing in disguise pa din pala ang murder case namin kagabi. Nang makaalis ang dalawa, humarap ako kay Forest na busy sa pagkain nito

"So, anong gagawin natin ngayong araw mahal?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"How about we visit their shrine?" He suggested.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Forest. " Shrine? You mean yung katulad sa anime na dinadasalan at tinitirikan ng insenso?"

"Yup. So, let's go?" He asked.

I nodded and we both headed at the garden of this inn. Forest said that their shrine is a famous tourist attraction for their guest. Medyo may katirikan nga lang ang daan pero semento naman ang hagdan. Nang marating namin ang maliit na shrine sa tuktok, napahanga ako sa ganda ng lugar. Tanaw dito sa taas ang bayan ng compostela. Napapangiti ako sa bawat makita ko dito.

"Wow, the place looks amazing." Natutuwa kong sabi sa kanya. Sinuklian din naman nito ang ngiti ko at hinila ako sa gilid kung saan nandoon ang isang kahoy na may lamang tubig.

"First, take the ladles, fill it with water and cleanse both your hands. Unahin mong basain ang kaliwa mong kamay bago ang kanan." Forest instructed me.

Ginawa ko naman ang sinabi nito at naghugas ng kamay. Nang matapos kaming maghugas, nagtungo na kami sa altar nitong lugar.

"We need to throw a coin quietly at the offering box." He said.

Dumukot naman ako ng barya sa bulsa ng kimono ko at naglagay ng offering sa kahon. Sumunod naman si Forest na naglagay.

"Ring the bell to greet the deity." He instructed me.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon