Chapter 225: Look back

313 2 0
                                        

Lhezandra Haru Pov:

5:00 am.

I really woke up early to prepare for the big event I will be attending later.

'Ano kaya ang susuutin ko sa mga ito?'

Problemadong tanong ko sa sarili ko while pinagmamasdan ang iba't ibang mga outfit na nagsikalat sa couch.

"Ayst!"

I will be one of the judges kasi for an International cooking competition that will be held this afternoon at 1nfinix Convention Center (1CC).

Huhu nakakakaba nga eh!

"Hey sweetheart, you woke up so early.."

I turned to my husband who had just woken up.Inayos nya ang kumot ng mga anak namin na kasalukuyan pang natutulog sa kanyang tabi.

"Good Morning Asawa ko!"Masiglang bati ko dito pero agad din akong napasimangot.

"Good Morning too Asawa ko!"

Bumangon na ito at nag inat-inat ng buong katawan.

"What's with that long face?"Natatawang tanong nito tsaka lumapit na saakin para halikan ako sa pisngi at yakapin.

"Ang aga mong naligo ah..may lakad ka ba?"

Napanguso ako.

"Nakalimutan mo ba kung anong meron sa araw naito?"

Nagsalubong ang mga kilay nito at inilagay pa sa chin ang mga daliri na nagkunwang nag-iisip.

"Hmm..Ahh alam ko na!"

Napangiti na ako dahil mukhang naalala na nito.

"Pero di ako nainform na may celebration ulit na magaganap si bunso ngayon.."

Napasimangot ako.

"Diba kasi kahapon pa yung dinaluhan ni bunso na International business award & nag celebrate narin tayo right after the event?"

'Oo nga pala for 'all water businesses around the world kasi, ang Amor De Aqua, kung saan si besh na ang nagmamay-ari ang isa sa nakakuha ng maraming awards at tinanghal bilang top aqua business in the world.'

I'm so proud of her!

Pero....

Di naman yun ang pinapaalala ko sa kanya eh!

"Wait. May nakalimutan pa ba akong Iba asawah ko?"

Mas lalo akong napasimangot.

"Baka nga, patingin ka na sa doctor!" Asik ko dito tsaka kumawala na ako sa pagkakayakap nito.

"Ahahaha! I'm Just kidding.. makakalimutan ko ba kung anong meron sa araw naito? Of course not, never!"

Sinamaan ko ito ng tingin pero mas tumulis na ang mga labi ko.

"But, What's the problem sweetheart? Kinakabahan ka ba?"

Muli itong lumapit saakin tsaka ako muling niyakap.

"Medyo.." Pag-amin ko.

Sakin kasi nakasalalay kung sino ang mananalo eh! Tsaka first time kong magjudge for international though dito sa Pilipinas gaganapin, kadalasan kasi more on inside the country lang eh huhu!

"Don't be nervous. Professional chef kaya ang asawa ko.."Nakangiting usal nito.

"P-pero paano kung magkamali akong mag husga?"

"Just trust your heart Asawah ko.."

Napangiti ako pero muling napanguso.

"Oh may problema ba ulit?"Salubong ang mga kilay na tanong nito.

Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite Where stories live. Discover now