Chapter 201: Heartbreaks 1

190 3 0
                                        

Maurine Lucy Pov:

"W-wifey?"

Napalingon ako sa asawa ko.

"Oh bakit?"

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil pansin kong parang may dinadala itong mabigat na bagay na hindi ko maintindihan.

"May problema ba?"

Napabuntong hininga ito ng napakalalim tsaka tumabi saakin at yumakap ng napakahigpit.

"May ginawa ka na naman ano?" Nakataas kilay na tanong ko.

Sumandal ito sa balikat ko.

"Paano kung meron nga... mapapatawad mo pa ba ako Wifey?"

Mas lalong tumaas isang kilay ko pero ang kaba ko ay nagsisimula nang lumago.

"Hindi." Matigas na usap ko bagaman pabiro lamang iyon.

"Wifey naman.." May pagsusumamo sa boses nito tsaka nagawa pang hawakan ang isang palad ko.

"Iwan ko sayo..ano na naman bang drama yan?Mabuti pa gisingin mo na ang mga anak mo ng makapamasyal na tayo.."

"Hayaan mo muna sila Wifey..Gusto pa kitang ma solo.."

Nangunot ang noo ko.

'Para namang hindi nya ako sinolo kagabi..'

"Hoy tigilan mo nga ako!"Baling ko dito.

"Wifey..malaki na ang bunso natin.."

Napalaki ang mga mata ko.

"Ano na namang i-ibig mong sabihin?"

Kinakabahan na tanong ko.

"Ibig sabihin..pwede na tayong magkaroon ng church wedding..diba Civil lang yung kasal natin?"

Nakahinga ako ng maluwag.

'Kala ko kung ano na..'

"Ah yun..paunahin muna natin sina Lhezandra and Dave.. tsaka di pa maayos lagay ni Clarissa.."

'Speaking of..Magiging maayos pa kaya sya? Kailan kaya sya magiging maayos?'

"Don't worry, sure akong gagaling na si Cleress kaya hindi matatapos ang taon na ito na hindi pa tayo kasal.."

I nodded.

"Teka pala Wifey, Ano bang nasa isip mo kanina?"

My eyes widened.

"What are you talking about?"

"I know, Iba ang nasa isip mo.."Nakangising usap nito.

"Tigil-tigilan mo nga ako diyan.."

"Bakit ayaw mo pa ba talagang sundan ang bunso natin?"

Napairap ako.

"Pwede naman basta ba ikaw ang mag bvntis walang problema.." Pananaray ko dito.

Hindi na ito kumibo.

"Bakit hindi pa ba sapat sayo ang mga anak natin?"

Ngumiti ito.

"Sapat na sapat na sila nuh! Pero the more the merrier..katulad nina Cleress— Aw!" Sinapak ko kasi ang pagmumukha nito.

"Yan ka na naman eh! Dinadamay mo pa sila.."

"I'm just kidding wifey, kung hindi ka pa handa hindi naman kita pipilitin.."

Napangiti ako.

"Kasi sobrang sapat na saakin ang tat— ang mga anak natin.."

Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite Where stories live. Discover now