Chapter 211: Quarrel

307 3 0
                                        

Cleress Xiashin Lee Pov:

MAAGANG umalis sina mommy and daddy dahil may appointment pa sila at susunduin din nila si Grumpy Lo. Sina mama naman at ang mga kapatid ko ay umuwi muna sa kanila, babalik nalang daw dito.

"Tita Shin² alis na po kami.."Paalam ni Yateh at humalik sa pisngi ko.

"Mag-iingat kayo" Usal ko.

Mamamasyal daw muna kasi sila.

"Opo, Ate Clae!" Si Aya

"We will Ate Claer!" Ace

Sabay na yumakap saakin at humalik sa magkabilang pisngi ko ang kambal.

"Huwag magpapagabi ah.."Paalala ko.

"Opo"

Kumunot ang noo ko ng mapansin si Azhi na salubong na ang mga kilay habang pinapanood kami.

"Alis na po kami Tito!"

Inayos ni Azhi ang damit ni Yateh tsaka ginulo ang buhok nito.

"Bye-bye Kuya Kei!"

Yumakap din si Aya dito at hinalikan din ito sa pisngi.

"Hm always update me.."

"Yes po"

Hahalik din sana si Ace pero tinulak ni Azhi ng palad ang noo nito.

"You're so kadiri" Baling ni Azhi, pft! Parang di nya ito hinahalikan nung baby pa ito.

Napatawa lang si Ace tsaka lumabas na.

"Why are you laughing?"Taas ng isang kilay na tanong saakin ni Azhi.

"Wala ah pft!"

Inayos ko nalang ang travel crib ng quadruplets ko.Pinaarawan kasi namin sila kanina, dagdag vitamins narin para sa mga katawan nila.

"Bunso mauna narin kami, may mga naiwan pa kasi kaming trabaho eh."Paalam narin ni Ate Mitch.

"Me too, the customers are looking for me already, you know, this is the big problem of being handsome."Baling ni AC na nagpataas ng isang kilay ko.

"Really handsome? I thought mas like mo ang P.r.e.t.t.y than handsome?"Pinagdiinan ko pa talaga ang salitang iyon.

"Bwahaha! P.r.e.t.t.y pala ah?!"Tawang-tawa na usap ni Ate Mitch.

"Sige pagtawanan mo lang ako brvha, iiwanan talaga kita!"Baling ni AC pero panlalaki na talaga ang boses nito.

Bigla namang tumigil sa pagtawa si Ate Mitch pero hindi ang mga friends namin na patuloy parin sa pagtawa.

"Ate ba't mo kasi pinagtatawanan ang boyfr—"Saglit akong napaisip.."Ay teka, anu nga ba sya girlfriend mo or boyfriend?..gayfriend?"

Muling naghalakhakan sa paligid dahil sa inusal ko maging si Azhi ay napatakip na sa bibig.

I bit my lower lip.

"Oh God bunso. Fiancé nalang para di ka na mahirapan!!" Irap na asik ni AC tsaka nag martsa patungo sa crib para magpaalam sa mga babies namin.

My eyes widened by what I heard from him.

'Fiancé?'

"Ay luh fiancé mo na pala sya Ate Mitch? Ba't di ako nainform? Wala na nga ako nung kasal nina Rush and Nat tapos—"

"Hindi pa sya nag po-propose bunso nuh!.."

Napalaki lalo ang mga mata ko.

'Grvi! Marami ngang nangyari now ko lang nalaman na totoo na palang sila? Tapos... '

Book 3 Part 2: When those from two different world's destined to reunite Where stories live. Discover now