Chapter 10

9K 363 6
                                    

Axel's POV

Yes! After how many days, naka-alis din ako sa bahay na yun... wait, mansion to be exact.

It took me one and a half hour bago ako makadating sa aking bahay. Kaagad akong bumaba sa taxi at pumasok sa bahay.

Kataka-takang tahimik ang bahay, parang wala mang tao. Binuksan ko ang pinto to see that there's no presence at all.

Nasaan sila? Bakit wala sila? I began to walk. "Nana?" Tawag ko sa kanila "Dada?" Bakit walang sumasagot?

Dumeretso ako sa kusina, baka nandun lang sila, nagluluto. Favorite place kasi namin ni Nana ang kitchen---pero wala din sila doon.

Kaagad akong tumakbo papunta sa itaas, binuksan ko ang mga kwarto pero wala din sila doon...

Bigla akong kinabahan. Nasaan sila? Nasaan sila? Pinilit kong maglakad papunta sa huling kwarto, nagbabaka-sakaling nandun sila.

Pero nang buksan ko ang pinto ng kwarto ay wala akong nakitang Nana at Dada.

My tears started to fall. Napasalampak ako sa kinatatayuan ko. "Nana! Dada! Huhuhu" ang tanging nasambit ko.

.....

Third person's POV

Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Gideon nang wala siyang makitang Axel sa kwarto. Padabog niyang isinara ang pinto ng kwarto at kaagad na nag-martsa pababa.

Hindi naman magkanda-umayaw ang dalawang kasambahay sa nangyayari. Hindi nila alam kung saan at papaanong nakalabas ng bahay si Axel.

Kaagad silang napatuwid ng tayo ng makita nila ang nakaka-pangilag na aura ng kanilang amo. Bagama't hindi sila pinansin nito ay alam nilang may mangyayari sa kanila mamaya.

...

"Austine, get a car. May pupuntahan tayo" seryosong utos nito sa kanyang secretary. Ilang sandali pa ay may kulay abong sasakyan na pumarada sa harapan ng binata. Kaagad itong sumakay doon at dagling umandar ang sasakyan.

Samantalang ang dalawang kasambahay naman na naiwan ay hindi mapakali at kapwa naghawakan ng kamay sapagkat alam nila ang mangyayari sa kanila, lalo na sa binata kapag nakabalik na ang amo nila.

Minsan na nila kasi itong nakitang magalit at hinding-hindi mo iyon nanaisin pang makita, kaya ganon na lamang kung paano sila umakto... hindi para sa kanila kundi para kay Alex.

...

SAMANTALA, ang binatang si Axel ay parang nawalan na ng pag-asa dahil hindi niya makita ang kanyang mga magulang, puno ng luha ang kanyang pisngi nang tumayo siya at pumunta sa mesa na nasa harapan ng T.V. set nila at doon muling umupo upang kunin ang mga album... album nila ng kanyang mga magulang.

Binuksan niya ang isa sa mga iyon... nakita niya ang isang larawan kung saan silang tatlo ay magkakatabi, kapwa naka-ngiti at hindi na napigilan ni Axel na muling maluha dahil doon.

Patuloy lamang siya ng biglang may narinig siyang ingay... ngunit ipinagsawalang bahala lang niya iyon at patuloy lang siya sa pagtingin ng kanilang pictures.

Sunod na binuksan niya ang isa na may kulay pulang cover, ngunit di pa niya iyong tuluyang mabuksan ng biglang may sumigaw sa likuran niya

"AXEL!" kaagad siyang napatingin sa pinagmulan ng sigaw at ganun na lamang ang pagkagulat niya ng makita kung sino iyon--- Si Gideon.

"Gi-Gideon" tanging sambit niya habang umaatras, kita niya ang mga mata nitong halos pasuin na siya sa uri ng pagtingin, iba ang aura nito... ibang-iba at kaagad siyang nakadama ng takot.

"WHO TOLD YOU TO LEAVE?" Biglang tanong nito, in a dominating way. Hindi na naka-imik ang binata ng bigla itong naglakad patungo sa kanya at hinatak ang isa niyang kamay.

"W-wait!" Pagpupumiglas ni Axel pero wala din siyang nagawa dahil mas malakas sa kanya si Gideon. Kaagad na naglabasan ang mga luha niya.

"SANDALI! NASASAKTAN AKO!" sigaw niya kay Gideon na naging dahilan upang bitawan siya nito. Kita niya ang pagka-gulat sa mukha nito.

"AYOKO KO NA! ANO BANG MASAMA ANG GINAWA KO PARA GAWIN MO SA AKIN ITO!" pagsigaw niya dito, patuloy lang ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Napa-upo si Axel at wala na siyang magawa kundi takpan ang mukha niya gamit ang dalawang munti niyang mga kamay.

WRECKED... Kung may makakapag-sabi sa sitwasyon ng binata ngayon ay yun ang sasabihin nila.

Tila may humaplos sa puso ng binatang si Gideon at muling umamo ang mukha niya ng makita ang kalagayan ng binatang si Axel.

"Come on, let's go home" sabi niya dito. "No, please... I want to stay here" sagot ni Axel habang takip pa rin ang mukha niya. "LET'S GO HOME" Pag-uulit niya pero wala pa ring tugon ang binata sa kanya.

Wala na siyang magagawa. Tuluyan na siyang lumapit sa naka-upong binata at hinawakan ang mga kamay nito. "No! No! Don't touch me!" Pag-pupumiglas nito sa kanya "it won't do you good kaya wag ka ng lumaban" kalmadong sabi niya dito "Ano bang kailangan mo sa akin!? Wala kang mapapala! Please, bitawan mo na ako!" Sabi niya kay Gideon sabay paglulupasay, nagbabaka-sakaling makawala siya sa pagkaka-hawak ni Gideon sa kanya.

"Isn't it, I already told you... YOU ARE MY SLAVE AND I AM YOUR MASTER, UNTIL YOU PAY YOUR DEBT!?" dominanteng pagsagot naman ni Gideon sa kanya. Mas lalong nagpumiglas si Axel. Kaya wala ng nagawa si Gideon kung hindi ang sikmuraan ang binata.

"Ugh!" Daing ni Axel sabay na napahawak kay Gideon "ang... sama--- ang sama... mo" at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Kaagad namang sinalo ni Gideon si Axel bago ito tuluyang bumagsak sa sahig "yeah, maybe I am... but I want you to know that I am being like this because of you" sabi niya bago niya ipangko si Axel. Kita niya ang luha sa pisngi ng binata, pulang ilong at gilid ng mga mata nito na tanda ng pag-iyak.

Hinagkan niya ito sa noo bago utusan si Austine na "call the men, I want you to sell this house as much as possible" tumango lang si Austine at naglakad na palabas si Gideon habang buhat-buhat ang binatang si Axel.

...

Nasa may bungad ng malaking pinto ng bahay sina Tamara at Isabel ng may bumusina, kaagad silang pumunta sa malaking pintuan ng bahay upang pagbuksan iyon na tiyak nilang ang kanilang amo.

Nang buksan nila ang pinto ay halos mapasigaw sila sa gulat ng makitang buhat ng kanilang Sir ang binatang si Axel, wala itong malay... tila isang maamong anghel lang ito na nakakalong sa isang--- Isa pang uri ng anghel.

"Open the door of my room, immediately" walang lingon at patuloy lang si Gideon sa paglakad papuntang itaas, kaagad namang tumakbo sa lagayan ng mga susi si Tamara upang kunin ang susi ng kwarto.

...

CLICK

Tunong ng lock ng pinto... kaagad na binuksan ni Tamara ang pinto upang makapasok na ang kanyang amo. Di pa rin niya maalis ang tingin sa mahimbing na natutulog na si Axel.

Ano kaya ang nangyari? Isip-isip niya, mababakas mo ang pag-aalala niya para sa kawawang binata.

"He's alright. Natutulog lang siya, there's nothing to be worried about." Tila nabasa ni Gideon ang iniisip ng kasambahay kaya sinagot na niya ito.

"Ah-eh... okay, Sir" nahihiyang tugon ni Tamara, naka-hinga na din siya ng maluwag dahil sa sinabi ng kanyang amo.

"Please, leave us..." utos ni Gideon dito, napatango na lamang ang kasambahay at isinara ang pinto ng kwarto.

...

Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay humarap si Gideon sa natutulog na si Axel. Umamo ang kanyang mukha ng makita ang mala-anghel na mukha ni Axel.

Inayos niya ang pagkaka-higa nito at nilagyan din niya ito ng kumot. Marahan niya itong hinawakan sa lisngi bago hagkan ang malalalambot nitong mga labi at sabihing...

"Sleep, my little angel... because when you wake up, the REAL DEAL will start. YOU ARE GOING TO BE MY SLAVE AND I'M GOING TO BE YOUR MASTER."


Itutuloy...

HIS Master; HIS SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon