CHAPTER 12

17 1 0
                                    

JAYDEN'S POV

Sa pag-uwi ko mula sa isang nakakapagod na araw sa paaralan, agad kong napansin ang tila abalang mukha ng aking ama. Nakaupo ito sa sofa, may kausap sa telepono habang nagbabasa ng mga dokumento sa harap niya. Marahil ay tungkol ito sa mga transaksyon at mga proyekto ng aming negosyo. Hindi ako nagdalawang-isip na magpunta na lang sa kwarto, hindi naman ni Dad napansin ang aking pagdating.

Matapos makapahinga ng kaunti, bumaba ako papunta sa sala. Dito kaagad akong sinalubong ng aking ama na katatapos lang makipag-usap sa telepono.

Kumusta ang araw mo, Jayden?" tanong ni Dad na nakangiti.

"Okay lang naman Dad,Wala namang bago sa school." kaagad na sagot ko

Nagtawanan kaming dalawa, at saka nagpatuloy si Dad

"Kailan ka ba magkakaroon ng girlfriend, Jayden? Minsan lang tayo dumaan sa buhay, baka naman gusto mo nang magkaroon ng kasama sa bawat hakbang, Gusto ko na siyang makita bago pa ako mamatay!" Sabay biro.

Napatawa ako sa tanong ng aking ama

"Hindi ko alam Dad Siguro kapag dumating na ang tamang panahon at saka naku, hindi ka pa mamamatay, Dad Huwag mong sabihin 'yan."

"Ah, ganyan ka na naman, Jayden! Pero kung sakaling magkaroon ka ng interes sa isang babae, alam mo na, puwede mo siyang ipakilala sa akin," sabay ngiti.

Napangiti ako habang sumagot
Parang date-date lang, kasi wala pa sa plano ko 'yan."

Natawa si dad sa sagot ko, ngunit ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalala nito sa akin.

Sa umaga ng bakanteng oras, nagtungo ako sa field ng aming paaralan upang magpalipas ng oras.
Napansin ko ang kawalan nina Liam at Isabella, na kadalasang nandoon.
At ng dumaan ang matalik na kaibigan ni Isabella na Si Mika ay walang pag dadalawang isip na tanungin ito

"Mika pumasok ba Si Isabella mukhang di ko sya nakita ah" pag tatanong ko.

"Oo Naman pero hindi ko alam kung saan sya pumunta dahil may pupuntahan lang daw sya" kaagad nitong sagot at umalis na.

Ng papunta na ako sa canteen ay may tumapi sa likoran ko at si Liam ito inabot sa akin ang Isang yogurt at biscuit para ibigay Kay Isabella

"Pwede bang Ikaw Muna ang mag bigay nito kay Isabella, kasi napansin ko na malungkot sya Hindi ko alam Kong bakit pero hindi ko sya masasamahan Jayden Kasi may research pa akong tatapusin pwedeng samahan mo muna sya kung ok lang sayo" pakikiusap nito.

Nagkibit-balikat ako, nag-aalangan, ngunit hindi ko matanggihan ang hiling ng kaibigan.

"Sige," sabay tanggap sa mga ito.

Sa paglakad patungo sa likuran ng paaralan habang hinahanap Si Isabella, nadama ko Ang pagod sa pag lakad.

Nang makita si Isabella, nakatungo sa ilalim ng isang puno, napawi ang aking pag aalala. Hindi ko alam kung bakit siya naroon, ngunit sa tingin ko ay kailangan niya ng kaibigan.

"Isabella" tawag ko na nagdala ng pansin sa kaibigan.

"anong ginagawa mo rito umalis ka nalang Jayden Wala akong ganang makipag usap" pag tataboy nito.

Tumabi ako kay Isabella at kaagad na kinausap sya.

"Alam mo Isabella hindi ko alam kung ano man yang ikinakalungkot mo pero hindi naman dapat na Iwan lang kita ng ganyan, andito lang Ako na handang makinig at sumama sayo"

Kaagad ko na niyakap si Isabella at hinaplos haplos ang buhok.

ipinaramdam ko kay Isabella ang aking suporta at pagmamahal bilang kaibigan.





TWISTED LOVEWhere stories live. Discover now