CHAPTER 10

38 2 0
                                    

LIAM'S POV

Sa kalagitnaan ng tanghalian, sa maingay na canteen ng paaralan, ako ay naglalakad nang may layuning humanap ng lugar upang mag-recess. habang nagmamasid ako sa paligid upang humanap ng aking mauupuan, nakita ko si Isabella na nakangiting kumaway at tinuturo ang upuan sa tabi niya.

Ang aking mga mata ay biglang nagningning nang makita si Isabella na kinakawayan at niyaya na lumapit doon, Napangiti ako at agad na lumapit doon.
Ngunit sa sandaling lumapit na ako at akmang uupo sa upuan na tinuro nya sa tabi nya bigla akong itinulak Ng mahina ni Isabella.

"Liam anong ginagawa mo rito? at Hindi para sa 'yo 'yan, Liam," sabi nito nang may panginginig na tinig at halong pagka gulat.

Napakamot ako sa ulo, at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Pero... pero sabi mo..."

Ngunit bago pa ako makapagpatuloy, may nagsalita sa aking likuran ng may paggalang

"Excuse me."

Si Jayden pala ito na may dalang tray ng pagkain para sa dalawa na itinatago pa ang pagkasurprisa

Umupo si Jayden sa tabi ni Isabella, sa kinaroroonan na sana ay para sa akin. Akala ko sa mga sandaling iyon ay Ako Ang tinutukoy ni Isabella na lumapit Sa kanya pero Hindi Pala.
Sa pag-iwas ko ng tingin, sinubukan Kong itago ang lungkot at pagkabigo sa likod ng ngiti, ngunit sa bawat ngiti ay may kaunting hapdi na hindi ko kayang itago.

Umupo na lamang Ako sa harapan nila at napalibutan kami Ng katahimikan Ng biglang na talsikan Si Isabella sa kanyang kamay Ng sauce na nilagay nya sa fried rice.

Mabilis  na kumuha Ako Ng tissue, at laking gulat ko Ng Sabay kaming mag abot ni Jayden Ng tissue Kay Isabella at nakatinginan kami sa isa't Isa.

Bakas Ang pagka gulat sa Mukha ni Isabella habang tiningnan kaming dalawa ni Jayden, pero agad na kinuha ito ni Jayden na nakangiti sa kamay ko Ang  tissue na sana ay i aabot ko Kay Isabella.

Pinunasan ni Jayden Ang kamay ni Isabella.

I saw the joy on Isabella's face as Jayden helped her, and it hurt a bit to think that I wished I had been the one to do that. ever since Isabella's acquaintance with Jayden, her focus has since been directed towards him.
What exacerbates the situation is witnessing her heightened contentment in his presence, and the mixed feelings I have when I see Isabella like that with Jayden.

Mabilis na inubos ko Ang aking pagkain para Maka alis at Hindi ko na ma kita Ang iba pang pangyayari ma kikita kopa Dito.

Ng biglang may tumabi sa akin at walang iba kundi Si Mika

"Mukhang malungkot ka ah" Sabi ni Zac na kararating lamang.

"Mabuti at narito Rin kayo at magkakasama nanaman Tayo" nakangiting Sabi ni Jayden.

"Sana makangiti Rin Ako katulad sayo Jayden" Sabi naman Mika.

"Bakit ano ba Ang Ngyari" dugtong ni Isabella

"Ano Kasi eh, Zac kung tatanungin kita kapag Ang Taong nagugustohan mo ay tinatrato ka Ng mabuti, na parang na fe feel mo na gusto Karin nya Yung parang Ang Mundo mo ay umiikot lang sa kanya dahil kakaiba sya Yung time, effort, at maging pasayahin ka nya mabibigay nya yun Lahat sayo.....pero pano kahit na nalaman nya na na gusto ko sya at Sinabi nya Rin gusto nya din ako and to the point that he's courting me na di ko pa nabigay Yung yes sa kanya... Dahil nakikita ko na Yung babaeng palagi nyang Kasama ay mas especial pa Pala Ang pag trato nya roon kesa sa akin, at maging fini flirt nya na ito at nararamdaman ko na may something sa kanila"

"Kung Ako Ang tatanungin....don’t settle for unsure feelings at Hindi ka Tanga para balewalain lang Ang Lahat Ng nakita at ipinaramdam nya sayo,It's always important for you to choose the right people in your life, Choose those who know how to value your feelings, Choose those who make an effort to make you happy, Choose those who are afraid to hurt you, And choose those who would never give up on you. Dahil Ang totoong lalaki ay Hindi nya pinapansin  at kumukuha Ng attention sa ibang babae dahil alam nya na sapat ka na para sa kanya at alam nya na ikakagalit mo iyon."
Sagot Naman ni Zac Kay Mika

Napatingin Ako Kay Isabella...at oo nga Ang Tanga ko Rin sa part na hinayaan ko lang Ang Sarili ko na masaktan kahit na alam ko na may iba na syang nagugustohan

pero paano dahil sa sitwasyon na ito handa parin akong mag pakatanga at umasa na ma gugustuhan nya Rin Ako, kung mali man na mahalin Si Isabella then I'm willing to take a risk even thought it's difficult

TWISTED LOVETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang