CHAPTER 18

12 0 0
                                    

Warning: This chapter contains r4pe scenes that are not suitable for children. Please be mindful that this is a work of fiction and the names of the people involved in r4pe scenes does not indicate or imply real people. Thanks.

Pilit na iminulat ni Cayle ang mga mata nang maramdaman niyang masakit ang ulo niya at tila ba ay nakataas ang dalawa niyang mga kamay na nakatali ng mahigpit pareho.

“Well, hello there beautiful.”tinig na narinig niya at pinilit na imulat ang mga mata. “Remember me?” tanong nito sa kaniya.

“Hacov!” sigaw niya at nagpupumiglas. Tumingala siya at nakita niya ang dalawang kamay na nakatali. “Pakawalan mo ako! Walang hiya ka! Bakit mo ako dinala dito ha?!” malakas na mga sigaw niya at pinipilit na kalasin ang pagkakatali ng kamay niya.

“Para namang wala tayong pinagsamahan niyan.” ani pa ng lalaki at hinawakan ang pisngi niya na agad niya namang iniwas mula rito.

Pinisil ni Hacov ang pisngi niya kaya naman wala na siyang ibang nagawa kun’di ang tumingin sa mga mata ng lalaki. “Hindi mo man lang ba ako na-miss?” nakangising tanong nito sa kaniya.

“Pweh!” sigaw niya at dinuraan ang lalaki sa mukha nito. “Manyak! Manggagamit! Manloloko! Mang-iiwan!” malakas na mga sigaw niya at panay ang pagpupumiglas.

Masama ang tingin sa kaniya ni Hacov habang nagpupunas ito ng mukha. Walang ibang nararamdaman si Cayle kun’di takot habang nasa piling siya ng dating kasintahan.

They broke up for a reason, Cayle left him for a reason. He’s a fucking monster psychopath!

“Balita ko,” anang lalaki at nakita niya ito na pinupunasan ang baril na galing sa lamesa. “may kasama ka raw lalaki?” tanong nito at tumingin sa kaniya.

Ayaw ni Cayle na idamay pa si Valerian sa kalokohang ito, wala siyang kinalaman at kahit ano man ay hinding-hindi niya isasangkot ang lalaki.

“Kung papatayin mo ako,” ani Cayle at panay ang pagpupumiglas kahit ramdam na niya ang pag-iinit ng kamay niya. “gawin mo na! Total doon din naman ang punta ko ‘di ba?!” malakas na sigaw niya habang tumutulo ang luha sa mga mata niya.

Lumapit sa kaniya ang lalaki at pinahid nito ang luha sa mga mata niya. “Alam mo naman na ayaw kong saktan ka ng ganito,” anang lalaki at ngumiti sa kaniya. “nagagawa ko lang ‘to dahil mahal kita, alam mo ba naman ‘yun ‘di ba?” tanong nito sa kaniya habang nakahawak sa pisngi niya.

“Hacov, naririnig mo ba ‘yung sarili mo?” tanong niya habang pilit na nagpupumiglas ang mga kamay niya mula sa pagkakatali. “Kahit kailan hindi ko naranasan ang pagmamahal mula sa’yo, ano bang klaseng pagmamahal ‘yan? Kasi ang alam ko, ang pagmamahal, hindi masakit!”

Nakita niya kung paano siya nito titigan at bigla naman nitong pinutol ang tali sa kamay niya dahilan para bumagsak ang katawan niya sa malamig na sahig. “Gusto mong makita ang pagmamahal ko?” tanong ni Hacov sa kaniya habang pilyong nakangisi. Nakatingin ito sa kaniya habang siya ay nakaupo parin sa sahig. “Pwes, ipapakita ko sa’yo kung paano ako magmahal.” dagdag pa nito at hinawakan ang buhok niya at unti-unting innaangat.

Halos mapasigaw si Cayle sa sakit dahil para bang hinihiklat ng lalaki ang anit niya. “Hacov! N-Nasasaktan ako!” sigaw niya at agad naman siyang binitawan ng lalaki.

Nakita niyang tumayo ito sa harapan ng mukha niya, hinawakan ng lalaki ang pisngi niya at panay ang paghaplos nito roon ng dahan-dahan. “Look at you,” anito at itiningala ang mukha niya. “looking so helpless.”

Halos tumulo na ang luha sa mga mata ni Cayle habang pinagmamasdan niya ang lalaking nanakit sa kaniya noon.

“Hacov! B–Bakit mo ba ginagawa ‘to? Pakawalan mo ako!” malakas na sigaw ni Cayle habang hawak-hawak parin ng lalaki ang buhok niya at marahas na inaangat.

CHAINEDWhere stories live. Discover now