Page 38

7 1 0
                                    

"Your child has dengue"sambit ng doctor, tatlong araw na nilalagnat si maya kaya naisipan na namin na dalhin siya sa hospital.

Iniwan ko muna si cam kila ailsa kasi ayoko naman isama si cam sa hospital baka mapaano pa si cam.

"Your child needs to stay here to see what is needed"dagdag pa ng doctor, naawa ako kay maya. Sa murang edad niya nakaranas na siya ng ganto.

Hindi ko alam kung paano niya nakuha yung ganyang sakit, kasi hindi naman siya pinapayagan ng ninong niya na lumabas sa bahay ko.

Naguguluhan ako kasi malinis naman ang bahay ko at walang lamok lalo na may kasama kaming sanggol kaya double ingat kami at double linis sa bawat sulok ng bahay.

Natutulog si maya ngayon at wala siyang kaalam alam sa mga nanyayare.

Hindi ko na namalayan na umalis na ang doctor ni maya at kaming dalawa nalang ng anak ko na nandito.

"Mommy"tawag sakin ni maya habang inaayos ko ang mga gamit na dinala ni warren, umuwi pala siya para kumuha ng mga gamit naming dalawa ni maya.

Ako lang ang makakasama ni maya dito kasi may work sa warren, hindi naman pwede na umabsent siya. Kaya ko naman alagaan ang anak ko.

"Po?"sagot ko habang hinahalikan siya sa noo, ramdam ko pa din ang init ng katawan niya.

"Why are we here?"tanong ni maya na namumutla na ang mga labi, hindi ko kaya makita si maya na ganto. Masayahin si maya pero pag dating dito para siyang kinawawa.

"Baby kailangan mo po mag pagaling bago tayo umuwi sa bahay"sambit ko habang hinawakan ang mga kamay niya.

"Pano po si baby cam?sino po ang mag babantay sa kapati ko?"sunod sunod na tanong niya, kahiy may nararamdaman na siya ang anak ko pa din ang iniisip niya.

Mas inuuna pa niya si cam kesa sa sarili niya, swerte ni cam na nagkaron siya ng ate tulad ni maya.

"Iniwan ko muna siya kila tita ailsa mo, hindi naman pababayaan ang kapatid mo kasi pumupunta din si ninong mo kay cam"sagot ko sakniya.

"Mommy thankyou po"sambit nito sabay halik sa mga palad ng kamay ko.

Ito ang kilala kong maya, sobrang sarap sa pakiramdam na kahit wala akong anak na babae, binigyan ako ng tulad ni maya.

Pinatulog ko muna si maya para mamaya pag chineck siya ng doctor ang may lakas siya, si warren ang nakikipag usap sa doctor alam kasi ni warren na kapag ako ang kumausap ay magagalit lamang ako pag hindi magawa ang gusto ko para sa anak ko.

"Kumain ka na ba cheska?"tanong ni warren na kakarating lang din niya. Tumango lang bilang sagot sakaniya.

"Sabi pala ng doctor ni maya, matagal na palang sakit ni maya ang dengue hindi siya mapagamot ng magulang niya dahil wala silang pakialam kay maya"sambit ni warren, tinignan ko si maya na ang himbing na ang tulog niya.

"Kailangan natin siya bantayan dahil bumalik nanaman ang sakit niya"dagdag pa nito.

"Uwi ka muna, iyak ng iyak si cam hinahanap niya yata mommy niya"sambit uli ni warren at hinawakan na ang dalawa kong kamay.

Nag paalam lang ako kay maya at umalis na, babalik naman ako bukas ako naman ang mag babantay sakaniya.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now