Page 05

34 1 0
                                    

"Let's go manong"pag-aaya ko sa driver ko, pupunta na ako kila yaya, kung sino yung kasama ko simula bata hanggang humarap sa mga problema ko.

Yaya para sakanila pero para sakin, para ko na siyang pangalawang nanay sa tuwing hindi kami okay ni mommy. andyan si yaya para patahanin ako sa tuwing umiiyak ako ng dahil sa sarili kong ina.

Minsan lang makakita ng ganong yaya, sobrang swerte ko na ganon ang yaya ko. hindi niya ako kayang sigawan at ipahiya sa harap ng ibang tao. ginagawa niya ang hinding hindi kayang gawin ng parents ko.

Ayos naman kami nila mommy pero madalas hindi, naalala ko pa na pinahiya niya ako sa harap ng mga bisita nila ni daddy. I was still young, but until now i still carry the memories they left me.

"Maam naipit po tayo sa traffic baka abutan tayo ng gabi" sabi ng driver ko, tinignan ko naman yung nasa harap namin. tama nga si manong aabutin ata kami ng gabi bago dumating kila yaya.

"It's okay manong, we can sleep naman 'don if gabing gabi na tayo makauwi satin"sagot ko at ngumiti sakaniya.

Hindi na kami maka galaw sa pwesto namin sa sobrang traffic sa manila, always naman traffic dito pero sana maaga kami umalis sa bahay.

"Where is your family?"basag ko sa katahimikan, hindi ko pa kilala mga driver namin at ibang kasambahy kasi takot ako sa mga taong diko kilala, alam kong alam nila lahat yon kaya minsan hindi na sila nag babalak na kausapin ako at baka sungitan ko daw sila.

"Nasa batangas po"sagot ni manong habang nag pipindot sa phone niya, lumang luma na yung cellphone na ginagamit niya. keypad pa ang gamit niya.

"Why did you leave them?"curious kong tanong, diko pinahalata sakaniya. kasi kilala nila akong walang pake sa paligid ko.

"Kailangan ko po mag trabaho para sa mag-iina ko, hindi na kaya ng misis ko mag trabaho kaya sakin na sila umaasa"naluluha niyang sagot, hindi lang pala ako ang may mabigat na problema. meron pang mga nasa paligid ko.

"I will help you, just say what you need"ngiti kong sagot sakaniya, alam kong hindi niya tatangapin kasi ganon siya, gusto niyang pinag-tratrabahuan niya yung ipapakain niya sa pamilya niya.

Nakita ko na din na binigyan siya ng pera ni kuya darren pero tinangihan niya kasi hindi daw lumabas yung pawis niya sa perang 'yon. proud na proud ako kay manong kasi kinakaya niya araw araw makapadala lang sa pamilya niya.

"Nako po ma'am, hindi ko po natatanggap yan, ayos lang po sakin na ipag-drive kita sa malayo"napangiti ako sa sagot niya, na kahit hindi ko sila pinapansin sa bahay may halaga pa din ako sakanila.

"If you don't accept, let me come to your house. and meet your family"sagot ko pero may balak naman ako bumawi sa pamilya ni manong.

"Pwedeng pwede po ma'am, welcome na welcome ka sa tahanan namin. kailan niyo po ba gusto?" he ask, i saw his smiles on his lips, as if he was about to visit his family again.

"Tomorrow"tipid kong sagot, halata sa mga ngiti niyang excited na siyang umuwi sakanila.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now