Page 08

34 2 0
                                    

"Alam mo bang galit na galit kuya mo kagabi cheska?hindi ka manlang nag iisip na may mga taong nag aalala sa'yo!"bulalas ni mommy sakin.

Kakarating ko lang galing sa lugar nila manong, at alam kong mali yung ginawa ko na tumakas sakanila pero ginusto kong umalis sa bahay namin at puntahan si manang.

Siya lang ang kakampi ko sa tuwing pinapagalitan ako nila mommy, lalo na pag sabay sabay silang tatlo na pagalitan ako. Si yaya ang nag tatanggol sakin kasi masama daw sa bata na may traumang dala dala hanggang lumaki.

____________
Flashback.

"Cheska i said stay here diba?!"sigaw ni kuya darren sakin, sobrang higpit ng pagkahawak niya sa braso ko.

Nararamdaman ko na yung kirot at sakit sa braso ko, unti nalang yata lalabas na yung dugo 'don, hindi ako makapag reklamo kasi mas lalo lang hihigpitan ni kuya ang pagkakahawak 'don.

"S-sorry kuya, pumunta lang po ako sa cr kasi naiihi na po talaga ako"paliwanag ko kay kuya, hindi pa siya nag patinag mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak niya sa braso ko

"Next time pag sinabi kong stay here, stary here okay!!?"pasigaw na sabi ni kuya, tumango ako bilang sagot.

"Ay nako darren bitawan mo si cheska!" sigaw ni yaya sa likuran ko, tuluyan ng binitawan ni kuya ang braso ko, bigla nalang ako natumba at nakaramdam ng panghihina sa katawan.

Lumapit sakin si yaya at inalalayan akong tumayo at dinala ako sa upuan ng sala namin.

"Ayos ka lang ba cheska?"tanong ni yaya habang hinihilot yung braso ko kung saan hinawakan ni kuya darren.

"A-ayos lang po yaya"sambit ko kahit hindi totoo.

"Ano ba nasa isip mo darren at pinagbuhatan mo ng kamay si cheska ha?"humarap siya kay kuya darren na hanggang ngayon masama ang tingin sakin, na parang sobrang sama ang ginawa ko sakaniya.

"Sinabi ko sa alaga mo na wag aalis sa gate kasi kukunin ko lang ang susi sa room ko, pag balik ko nakita kong nasa labas siya ng gate!"bulalas ni kuya

"Pwesto niyo pa din naman yung sa harap at likod ng bahay niyo darren, may mga bantay si cheska sa labas"pag papaliwanag ni yaya sakaniya.

"Whatever! Bantayan niyo ng maayos alaga niyo"huling salita na narinig ko kay kuya hanggang makarating sa taas.

Maya maya lang ay dumating na sila mom at dad galing sa work nila, akala ko magiging masaya na ako kasi andito na ang parents ko. Akala ko lang pala

"Asan si cheska!!?"rinig kong sigaw ni daddy sa sala, nasa kitchen ako kaya rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ni daddy na galit na galit.

"Bakit po daddy?"sambit ko habang papalapit sa harap nila mommy, tahimik lang si mommy sa gilid habang nakatingin sakin. Disappointed ang nababasa ko sa mga mata at emotions nilang dalawa.

"Sabi ko diba ayusin mo yung pag aaral mo?anong ginagawa mo cheska!!"malakas na sigaw ni daddy sa mukha ko.

Hindi ako nakapag salita kasi alam kong galing sila sa school ko at kinausap sila ng principal ng school ko, ginawa ko naman best ko pero kailangan pa din nila yung pinaka best ko.

"Sorry daddy"sambit ko na naluluha, nakayuko lang ako habang humihingi ng tawad.

"Sorry again cheska?kailan ka ba mag babagong bata ka!!"sigaw ni mommy na nakahawak sa baba ko.

Sobrang sakit, sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin. Umiyak nalang ako sa sakit at nararamdaman ko ngayon.

Sila dapat ang kakampi ko kasi sila ang parents ko, pero sila ang number one basher ng buhay ko.

"Mawalang galang na po ma'am and sir, nasasaktan na po kasi si cheska namumutla na po siya"singit ni yaya na nasa tabi ko na at hawak hawak ang bewang ko.

Binitawan ni mommy ang pagkakahawak niya sa baba ko at muntik nanaman akong matumba sa sobrang paghihina ng katawan ko.

"Ma'am and sir alam kong tinuturuan niyo po ng maayos si cheska, pero ibang turo na po yung nagagawa niyo sakaniya.Nabibigyan niyo na po ng trauma ang bata, hanggang sa pag laki niya dala dala niya ang mga ginagawa niyo sakaniya. At ito pong nanyare ngayon sakaniya maalala niya sa tuwing nakikita kayo, at kung ayaw niyo pong malayo ang loob ng anak niyo sainyo tigilan niyo na po ang pananakit sakaniya"mahabang sabi ni yaya, akay akay ako ni yaya patungo sa room niya.

End for Flashback.
___________________

"I know mom, pero hindi na ako bata para mawala pa"sambit ko habang naka timgin sakaniya.

"Wag mong sasagutin ng ganyan ang mommy mo!"bulalas ni daddy sakin.

"Sorry po mom and dad, im sorry i need to rest."hindi ko na hinintay pa ang sagot nila deretso akong umalis sa harap nila at tumungo sa kwarto ko.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now