Chapter 42

340 5 4
                                    

Kira's pov

Nagising ako ng marinig ko ang nagsisigawan sa baba. Ano bang meron? Tinignan ko si Sean at ang himbing ng tulog nya. Napangiti ako at hinaplos ang pisngi nya.

Dahan-dahan akong gumalaw para di sya magising at pag tayo ko ay agad akong lumabas para makita ang nangyayari sa baba.

"Kapatid mo pala si tita Dennise?" Nagulanta ako ng marinig ko ang boses ni Sofia kaya agad akong bumaba.

"May alam ka?" Tanong no'ng lalaki na nasa may pinto at kahawig nya si Sean. Muhkang kakambal nya to?

"Yeah, ilang beses na po namin sya nakita" sagot nya pa. Ano bang nangyayari dito?

"Akira ikaw pala" lahat sila ay napatingin sa akin lalo na yong lalaking kamuhka ni Sean ay nagulat din ng makita ako.

"Mama!!" Tawag sa akin n Sofia at lumapit sa akin na kaagad ko naman kinarga.

"Long time no see Akira" di ko inaasahan na nandito sila kuya Mark at si kuya Clude.

"Kung ganon ikaw pala ang ina ng mga bata at asawa ng kapatid ko" gulat pa rin ang nakikita ko sa muhka nya na ikinatango ko naman.

"Ano bang nangyayari? Bakit ka sumisigaw kanina?" Tanong ko sa kanya na ikinatikhim naman nya.

"Nasaan ang kapatid ko?" Muhkang ang bunsong kapatid nya ang tinutukoy nya.

"Hindi ko alam" sagot ko sa kanya na nagpainis lalo sa kanya. Ano bang problema nito?

"What are you doing here, Devion?" Bigla nalang akong kinilabutan sa tono ng pananalita ni Sean.

"Do you know our sister?" Seryosong tanong nito na ikinakunot naman ng noo nya. Akmang mag sasalita ito ng may biglang pumasok at ang mas nakakagulat pa ay si Dennise pa ang pumasok.

A-akala ko ba.....

"Stop fighting my brothers, I'm here na po oh" lahat kami ay napalingon sa kanya at ganon nalang ang gulat ng mga kuya nya ng makita sya.

Nakarinig kami ng pagbagsak kaya napalingon kami sa may likod ko.

"Oh my!! Sean!!!" Gulat ng makita kong walang malay si Sean kaya agad na napatakbo ang mga kaibigan nya at si Dennise sa kuya nya.

"Kuya!!! Kuya Damon!!!" Nabalik na rin sa ulirat yong isa kaya agad na rin itong napatakbo sa kakambal nya.

"Makikiraan ako" mahinahon pero bakas na rin ang pag aalala nya. Agad naman pinag tulungan no'ng isa at ni Ace si Sean na dalhin sa kwarto namin at agad ko naman binaba si Sofia at nakiusapan ko si Margarette na bantayan muna ang mga bata.

Umakyat kami sa taas at agad kong nilapitan si Sean na ngayon ay parang kinakapusan na ng hininga sa sobrang hingal kahit na nahimatay lang sya.

"Tawagan nyo si sir Margus!!! Dalian nyo!!!" Utos no'ng isa na kaagad naman ginawa ni Neil habang si Dennise ay umiiyak na sa tabi ng kuya nya.

"Hwag ka na umiyak magiging okay rin si Damon" seryoso pero malamig na turan nito na kaagad namang pinunasan ni Dennise ang luha nya.

"Kuya Devion" tawag ni Dennise. "Let's talk after your kuya Damon's wake" hiling sabi nito bago sya umalis. "Sino ba yon?" Tanong ko kay Warren na sinagot naman nya.

"Kakambal ni Damon, sya si Devion malaki ang galit ni Devion kay Damon kaya ganon nalang sya kanina" sagot ni Warren. Tinignan ko naman si Dennise na ngayon ay nakayuko sya kaya nilapitan ko sya at hinawakan sa kamay na ikinaangat nya. Nginitian ko naman ito at inalo ko na rin sya para naman maibsan ang lungkot nya.

"Maiintindihan naman ng mga kuya mo yan at isa pa miss na miss ka na rin nila. Kung dati ka pa kasi nag pakita sa kanila edi sana di ganito" sambit ko sa kanya pero nginitian lang nya ako.

"Okay lang ako ate Kira" sagot nito sa akin kaya wala na akong nagawa.

Lumabas kaming lahat at bumaba sa baba. Napansin ko namn na tulala si Devion habang si Sofia ay nakaangat naman ang ulo sa kanya.

"Kung kakambal ka po ni daddy, tito po namin kayo?" Inosenteng tanong nito na ikinatango naman ni Devion kahit na tulala ito.

"Yeah" mahinang sagot nito.

"Nga pala kuya Mark, nasaan si kuya Kito?" Tanong ko sa kanya. "Nasa work nya Kira sabi nya sa akin pupunta nalang daw sya dito mamayang Hapon pagtapos ng duty nya" sagot nito sa akin na ikinatango ko naman.

"Bakit parang aligaga ka dyan?" Tanong ko kay Margarette. "Si kuya ko kasi, sinesermonan na ako!!!" Natawa ako sa sinabi nya. "Umuwi ka na, ako na'ng bahala magsabi kay Sean" sabi ko dito. Nag aalangan pa sya pero umalis na rin sya at sabi nya ay babalik nalang daw ito bukas.

"Hmm magluluto muna ako" sabi ko sa kanila bago sila iwan sa may salas at nagpunta sa kusina.

Fast forward

Dumating ang doctor ni Sean at salamat sa Diyos kasi okay na si Sean talagang na shock lang sya sa nakita nya. Pero bakit ganon nalang ang bilis ng pintig ng puso nya na para bang may kumakarera sa sobrang bilis at nakakamupsan pa ng hangin?

"Okay na sya, basta itong mga gamot na ito dapat inumin nya. Di naman nya kaylangan araw-arawin ang pag inom kapag, sumusumpong lang talaga." Tumango kami sa habilin ng doctor bago sya umalis kaya kami nalang ang natira sa loob.

"Kumain na kayo, nakahanda na sa lamesa. Ako nalang bahala kay Sean" nag aalangan pa sila pero umalis rin agad sila kaya ako nalang ang natira dito sa kwarto. Tumabi ako kay Sean at sinuklay ang buhok nito kahit tulog sya.

Sana maging okay na sila ng kapatid nya.

Continue

(Maikli muna ito guys, sorry ulit)

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon