↺ [16]

38 5 8
                                    

━━━━━━━━━━ ↺ [16]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

━━━━━━━━━━ ↺ [16]

"How far can you go for friendship?"

. . . . . . .

[ JOHANNES ]

EVERYONE WAS dumbfounded. Halos walang gumalaw sa amin habang pinapakinggan ang paulit-ulit na sinasabi ng speaker.

"Break the cycle. Kill the killer."

My fists clenched. Para akong masisiraan ng bait. I keep hearing her voice saying the same thing over and over again.

She's dead. She's already dead. Bakit nila ginagamit ang boses niya?! Bakit hanggang ngayon, ginugulo niya pa rin ang buhay namin?!

Napatingin ako kay Silas na nakatingin lang sa direksyon ng speaker, nanlalaki ang mga mata at halatang nagsisimula nang manginig dahil sa narinig.

Wala akong ibang nagawa kundi kagatin na lang ang labi ko.

I didn't make it this far on keeping their secrets just so she can ruin their lives. Hindi ako papayag. Tawagin na nila akong selfish o kahit ano pang masasakit na salita, wala akong pake. Hangga't buhay ako, kahit ilang beses pa ako paulit-ulit na mamatay, walang makakaalam ng totoo.

I will protect Silas — I'll protect all of them, no matter what. Hindi nila pwedeng malaman ang katotohanan. Hindi ko hahayaang masira nang tuluyan ang buhay ng mga kaibigan ko.

Hindi ko hahayaang sirain ng babaeng 'yon ang mga kaibigan ko.

"H-Hey... -W-What does that mean?" utal na sabi ni Jiro at napatingin sa amin. "Break the cycle—"

"Kill the killer," putol ni Nyle. Nakita ko kung paano siya napalunok habang nakatitig sa speaker.

"It's probably a trap. 'Wag kayong makinig sa sinasabi n'yan," giit ni Soren. Matalim siyang nakatingin sa direksyon ng speaker. It's rare to see him like this.

Napatingin kami kay Hideo nang bigla siyang maglakad. Kumuha siya ng isang upuan at binuhat ito. Laking gulat namin nang bigla niya na lang itong binato papunta sa speaker. Bumagsak ang sirang speaker kasabay ng upuan. Dahil sa ginawa niya, tuluyang tumigil ang boses ni Eurydice na umaalingawngaw sa paligid.

Lumingon sa 'min si Hideo, galit na galit ang mukha. Sanay na ako makitang ganito siya pero iba 'yong galit niya sa pagkakataong ito, eh. He seemed more... dangerous.

"Kailangan nating mag-isip ng paraan para makaalis sa impyernong 'to," seryoso niyang sabi. Hideo has a short temper, but it's different when he's really mad.

I know what he could and could not do when his wrath gets the best of him.

"How?" Kahit si Jensen na kanina pang nananahimik, nagsalita na rin. "We can't get out through the gate. The Red Man can use our faces now. Hindi tayo makakaalis nang hindi napapatay ng halimaw na 'yon."

InfernumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon