↺ [5]

53 8 18
                                    

━━━━━━━━━━ ↺ [5]

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

━━━━━━━━━━ ↺ [5]

"One man's wrath is every man's downfall."

. . . . . . .

[ NYLE ]

"KUYA, HINTAY!" Paulit-ulit kong tinawag si Kuya pero kahit ano'ng tawag ko sa kaniya, wala — Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Rinig ko ang mabibigat niyang yabag. Kung hindi lang siguro kami nasa ganitong sitwasyon, baka nagdabog pa 'yan at kung ano-ano ang pagsasapakin.

Sobrang bilis niyang maglakad kaya wala na akong nagawa kundi mag-skip papunta sa kaniya. I quickly grabbed his arm and pulled him to stop.

"Bumalik ka na do'n sa kwarto, Nyle. Baka kung ano pa'ng mangyari sa 'yo dito," he said, not even turning to look at me.

"Babalik ako kung babalik ka rin. Eh mukhang wala ka namang planong bumalik, eh," pasaring ko.

I heard him click his tongue. "Pumunta ka na do'n sa iba. It's much safer in bigger numbers. Sa ibang kwarto na ako magtatago."

"Yeah, not gonna happen, Kuys." Napangiwi ako.

Finally, lumingon na siya sa 'kin at sinamaan ako ng tingin. Malas niya, wala nang epekto sa 'kin 'yang mga pa-gan'yan niya. Since birth ko ba naman laging nakikita 'yang pagmumukhang 'yan, sino'ng hindi masasanay.

"Tsk. 'Wag ngang matigas ang ulo mo. Sumunod ka na lang," pabulong niyang bulyaw.

"Seriously? Kuya, sa 'ting dalawa, ikaw ang matigas ang ulo dito." I sighed, letting go of him. "Bakit ka ba nagpapa-apekto sa sinasabi nila? Wala ka namang ginagawang masama. Anything that happened to that girl wasn't your fault."

Sarcastic siyang tumawa at umiling-iling. "Nyle, there are things that a kid like you won't understand."

"I'm not a kid. I am literally just two years younger than you, guys." Ako naman ngayon ang sinamaan siya ng tingin. "Alam ko kung ano'ng nangyayari, Kuya. Hindi mo kailangang i-sugarcoat sa 'kin ang kahit ano kasi hindi na ako bata. Marunong akong umintindi. I can do stuff, you know."

"Tangina. Tigas talaga ng ulo." Napamasahe siya sa sentido niya at hinawakan ang balikat ko. "Hindi sila maniniwala sa 'kin, Nyle. I'm the bad guy in their eyes — in everyone's eyes. Ako 'yong rebelde, 'yong mahilig sa gulo. Sa 'ting lahat, ako 'yong pinaka-obvious na may pwedeng gawing masama — kahit krimen pa 'yan. That's how everyone sees me — a bad person. And deep down, I know to myself that I really am. Wala nang magbabago do'n."

Binalot kami ng katahimikan. Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang kami sa mga mata ng isa't isa. Sa maraming taon na magkasama kami, ngayon ko lang nakita ang ganitong klase ng lungkot mula sa kaniya.

I scoffed. "If you're a bad person, why would you take on the responsibility of being an older brother to me? Kuya, paalala ko lang sa 'yo, pwedeng-pwede mo akong itapon o ipamigay sa gago nating mga kamag-anak noong namatay sila Mommy, pero hindi mo ginawa. Instead, you took care of me. Kung ano-anong raket 'yong mga pinasok mo para lang may makain tayo. You... You even started going to underground battles just for extra money. Bata ka lang no'n, Kuya. You were like 12 or 13 when you had to do all that."

InfernumOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz