↺ [9]

55 4 25
                                    

━━━━━━━━━━ ↺ [9]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

━━━━━━━━━━ ↺ [9]

"Every face wears a mask."

. . . . . . .

[ HIDEO ]

"LET'S GO. We have to find them." Tinapik ko si Nyle para gisingin siya. Pumasok kami kanina sa isang classroom para magtago. Thinking about it, malaking pagkakamali na humiwalay pa kami sa iba. Buti na lang din at hindi pa kami nahahanap ng halimaw na humahabol sa 'min.

"Mamaya na, Kuya. Magkaaway naman kayo nila Kuya Je. Baka magsuntukan lang kayo 'pag nagkita na agad kayo," sabi niya at talagang humiga pa ulit sa sahig.

I clicked my tongue and stood up. "You should've stayed with the others. Tigas ng ulo mo. Tumayo ka na nga d'yan kundi ikaw ang susuntukin ko," pagbabanta ko sa kaniya at mahinang sinipa ang katawan niya.

Inismiran niya lang ako bago tuluyang tumayo. Hirap din sa batang 'to, eh. I know he's not a little kid anymore, pero may mga panahon pa rin talagang para siyang bata umasta. Lagi ko tuloy nakakalimutan na halos kaedaran na rin namin siya.

"Don't you have any friends your age?" curious kong tanong habang naghahanap ng gamit sa mga desk.

Kunot-noong napalingon naman siya sa akin. "'Di ko alam kung mao-offend ako sa tanong mo o ano, eh."

"Sumagot ka na lang, bubwit ka."

"Wala!" Bumuga siya ng hangin at nginiwian ako. "I mean, meron naman pero hindi ko sila masyadong close. Mas gusto ko pa rin na sa'nyo sumama. Parang pamilya mo na rin naman sila Kuya Je kahit lagi kayong nag-aaway. Gusto ko lang din maging parte no'n."

Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya.

We lost our parents when we were kids. Pinatay sila ng mga nanloob sa bahay namin. Wala kami noon dahil nasa school kami. Nabalitaan na lang namin habang nasa klase kami tungkol sa nangyari. Pagkatapos no'n, sinubukan kaming kunin ng mga kamag-anak namin pero tumakas kami. I practically raised my little brother on my own. Kung ano-ano'ng pinasukan ko noon para lang mabuhay kami.

Nakilala ko si Jensen dahil sa isa sa mga raket na napasukan ko. He came from a rich and elite family so I thought he was some kind of spoiled brat, but turns out, I was wrong. Nagkasundo kami hanggang sa naging magkaibigan talaga kami. He and Johannes were already friends too kaya matagal ko na ring kilala si Johannes. Nang makarating naman kami ng high school, doon namin nakilala sina Jiro at Soren. Naging close si Nyle sa kanila. Medyo nag-alala ako dahil wala siyang masyadong kaibigan na ka-edad niya, kaya hinayaan ko na lang din siyang sumama sa 'min tutal komportable naman siya kina Jensen.

I love my friends. It's something that I never told them — something I can't really find the strength to tell any of them. But it's true. I really do love them.

InfernumWhere stories live. Discover now