CHAPTER 28 Butterfly

256 10 4
                                    

MATCHA POV




Kinahapunan, dumating si Calix para ibalita na sumuko na daw si Benjie, sinamahan ito ng kasintahan niyang si Jessa sa prisinto para magbigay ng statement at alibi nito noong araw na pinatay si Carla Alonte. Unfortunately, it was confirmed that Benjie was in a computer shop the entire night. Nagalit daw itong si Jessa dahil hinalughog ng kapulisan ang bahay ni Benjie ng walang search warrant. Mabuti na lang at hindi na ito nagreklamo, bad record 'yun panigurado kay Calix. Umalis din naman agad ito after niyang maireport samin ang pangyayari. Inabot na din pala nito ang DNA result ng upos ng sigarilyo na inutos kong ipa-test. Mamayang gabi babasahin 'to. Nang sumapit ang alas singko ng hapon, nagkanya-kanya na muna kaming apat. Mag de-date daw muna sila Mojito at Peanut. Habang kami ni Forest ay dadalawin ang crime scene ni Carla Alonte. Mabuti pa sila Peanut, hindi ganun ka-loaded sa trabaho. Nakakaiyak naman, gusto ko din makipag-date sa mahal ko.

"We're here." Forest said.

Bumababa na kami ng kotse at tsaka pinasok ang bahay ni Carla. Maganda ang bahay ng doctor, nakakalungkot lang na mag-isa lang ito sa buhay. Kaya nagmukhang hunted tuloy ang dalawang palapag na bahay nito. Nang makapasok kami sa loob, nagsimula akong suriin ang buong paligid.

"Mahal, salamat sa pagsama sakin." Pagkuha ko sa atensyon ni Forest na kasalukuyang naghahanap din. Napatingin naman sakin ito at nginitian ako. Pansin ko lang, sa akin lang ngumingiti ang isang 'to, pero sa ibang tao, kulang na lang suntukin niya sa sama nito tumingin.

"No worries. I like this kind of date between us." He said and winked at me.

"You do?" Natutuwa kong tanong sa kanya.

"Ahuh.. I like how we travel to different places even though it's part of our job, but it's exciting and fun." Woah... parang lumagpas ata sa lima ang sinabi niya ngayon? Tipid na tipid pa naman to magsalita lagi.

"Hehe.. me too, I liked this kind of date. Boring nga naman kung magdedate tayo tapos uupo lang maghapon sa coffee shop." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman ito at pinagpatuloy na namin ang pagmamahalan ay este paghahanap. Nang wala kaming mahanap sa baba, umakyat kami sa kwarto ni Carla, andito pa din ang dugo sa kwarto niya, pagtapos kasi nitong patayin ang biktima, hinila niya ito papunta sa bathroom at tsaka inilagay sa bathtub nito. Sinimulan kong maghalughog sa kama nito, sa lamesa at sa cabinet pero wala talaga akong mapansin na kakaiba. Si Forest naman ay nasa kabilang kwarto. Nang mapagod ako sa paghahanap, sinubukan kong magbuklat-buklat ng mga libro nito sa bookshelf niya. Mahilig pala itong mabasa? Ibat-ibang genre kasi anh nandito. Nang buksan ko ang isang libro niya, nahulog ang ilang mga litrato na naka-ipit sa libro. Well, wala namang kakaiba dito, maliban sa isang group photo, kuha ito noong 2013. Makikita sa litrato si Carla at ang iba pa nitong kasama.

"I can't find anything." Pukaw ni Forest sa atensyon ko.

"Dito din, wala. Tara na?" Yaya ko sa kanya. Ibinalik kona muna ang mga litrato sa libro habang binitbit ko naman ang isang group photo.

"Let's eat before heading back to the house." Forest said.

"Okay." Ngiti kong sagot sa kanya.

~~~

Nang matapos kaming kumain, dumiretso na kami sa bahay para magpahinga. Wala ng tao sa baba, marahil ay nasa kanya-kanyang kwarto na sila Mojito at Peanut. Nang matapos akong maligo at makapagbihis ng pajamas, binuhat ko ang mga gamit ko at nagtungo sa kwarto ni Forest. Pagpasok ko nasa sala na ito, naka-indian seat sa carpet habang nakaharap sa laptop nito.

"Mahal, kaya mong hanapin kung sino-sino ang nasa litrato na ito?" Inabot ko sa kanya ang litrato na kinuha konsa bahay ni Carla.

"Piece of cake." He said. Kinuhaan niya muna ito ng litrato sa phone niya at tsaka inilipat sa laptop niya.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now