TDITA 14: I'm What?!...

Start from the beginning
                                    

From: Serina

Help! samwans here. omygash kinukuha nila kami ng sapilitan ****** st. Please help

 Pagkabasa ko nun ay tumayo na ako at akmang tatakbo ng bigla akong hawakan ni Cortez

"I have an emergency. Let go please" sabi ko at tumayo siya

"I'll come with you" di ko na siya pinansin at tumakbo na palabas ng room. Nagkaproblema pa ako sa guards pero may sinabi lang si Cortez at pinalabas na kami. Ayaw kong isama si Cortez dahil baka malaman niya kung sino ako but I have no choice. Nakarating na kami sa location pero ang ipinagtataka ko is bakit sa isang hotel ang location? Agad kaming pumasok at naabutan naming wala nang malay ang lahat ng guwardiya as in lahat wala ng malay. Inilikod ako ni Stephen at kumapit naman ako sa likod niya, aba! alangang makipagsapakan ako sa harapan niya edi maghihinala yan.

Pagka akyat namin sa second floor ay naabutan naming nakikipaglaban pa sila Serina, Pearl at Bea. Tumulong na si Stephen sa kanila at napansin kong medyo binagalan nila Serina ang atake nila, pinapakita nila na nahihirapan sila at nagpapatama na rin sila. Hays.... mga best actress ang putek xD

Ang galing ni Stephen makipaglaban, halatang sanay at bihasa siya. Saka medyo pamilyar sakin ang mga galaw niya.... kilala ko ba 'to? Sinuntok niya muna ang tuhod ng kalaban niya bago ang panga kaya anlakas ng impact sa kalaban at tulog agad, at yung mga sipa niya ay masasabi kong malalakas dahil lumilipad ang mga sinisipa niya. Nang maubos ang lahat ay bigla akong niyakap ni Bea, siyempre nagulat ako kaya niyakap ko nalang din siya

"Uno (pabulong) ang kapatid ko nakuha nila *huk* please *huk* help me" biglang nag-init ang ulo ko at naikuyom ko ang mga kamao ko

"Are you ok? What happened?" tanong samin ni Stephen. Humarap naman si Bea kay Stephen at humagulgol

"They *huk* got my *huk* sister" iyak parin ni Bea. First time ko siyang makitang ganito, naawa ako and at the same time ay naiinis ako. Ba't dinamay pa nila yung kapatid niya? anong dahilan?

"What's the reason?" seryoso kong sabi. Tinitigan naman ako ni Bea ng makahulugan anaintindihan ko agad. Sila Serina naman ay nagpunas ng luha nila at inililigpit ang mga kalat.

"Babawiin natin siya. I'm sure of it, kahit sa anong paraan basta mabawi natin siya" sabi ko sa kanya. Lalo naman siyang naiyak at niyakap ako ng mahigpit, sobrang mahal niya talaga ang kapatid niya dahil iyon lang ang nasasabihan niya ng mga hinanakit niya dahil malayo ang loob niya sa mga magulang nila kaya di ko siya masisisi kung maging ganyanang reaksyon niya. Kahit ako kung mangyari yun kay ate Kirsten ay aba.... Magkamatayan na.



Inihatid na kami ni Stephen sa mansyon ko dahil napagdesisyunan kong sa mansyon na muna sila mag stay para mas maging safe sila. Iniisip ko pa ang idadahilan ko sa mga kasama ko sa mansyon but naiisip ko rin na sabihin na ang totoo... ano ba naman... 

Pumasok na kami sa mansyon at gulat na gulat sila dahil may mga galos ang mga kasama ko maliban samin ni Stephen, napansin ko rin na iba ang tinginan ng kuya ko at ni Stephen, magkakilala ba sila? Dumiretso kami sa guest room.

"Dito muna kayo hangga't gusto ko. No buts, no refuses. My order" sabi ko dahil aangal dapat si Serina

"Call everyone at papuntahin dito" utos ko saka lumabas kasama si Stephen

Sinalubong kami nila ate Kirsten at ng mga kuya ko. Ramdam ko ang mainit na titigan ni kuya Iain at ni Stephen kaya binasag ko na ang katahimikan

The Demon Inside The Angel (TDITA)Where stories live. Discover now