CHAPTER 46: Initiation PART 1

6 1 1
                                    

SEIGE's POV

"Hi, handsome." naningkit ang aking mata. The woman named Vaelinor suddenly appeared before me. 

I guess she teleported.

Tumingin ako kay Master na mukhang walang ganang nakatingin sa dalawang lalaki na sina Nyxen at Eldritch.

A sharp thing touched my chin. Tinignan ko si Vaelinor at napagtantong nakalapat ang kuko ng kanyang hintuturo sa baba ko. "Eyes here, challenger."

Naging alerto ako at patalon na umatras. I lowered my body a little and watch her move. Hindi siya nakangiti at mukhang gusto lang naman makipaglaban. Inihanda ko ang aking kanang kamay nang matigilan ako.

"Seige, I will not allow you to use your magic but I will allow you to go all out."

Master warned me not to use my magic. Umawang ang aking labi. Hindi ko lang naman gagamitin ang mahika ko, hindi ba? Then, I should just use my aether flow to strengthen my physical attacks and heightened my senses.

"Mukhang may pinaplano ka. Ano kaya ang binabalak mo?" tanong niya at sinugod ako. Nagliwanag ang kanyang mata matapos niyang kagatin ang kanyang hinlalaki. Nagdugo iyon at iwinasik iyon sa hangin. Tinignan ko kung papaanong tumigil ang mga patak ng dugo sa ere at nag-iba ng hugis. The blood transformed into a long needle. Then she spoke. "Blood Needles." isa-isang bumulusok ang mga iyon patungo sa aking direksyon.

Inilagan ko ang isang blood needle at tumama iyon sa sahig. Nanlaki ang mata ko nang lumaki iyon na parang kasinglaki ng braso ko. It even made a crack on the floor! "...!"

If that thing penetrated even the first layer of my skin, I would only make a few holes in my body. These blood needles are deadly!

"I have to avoid these...!" tumalon-talon ako at iniwasan ang mga iyon. "Paano ba ako makakalapit sa kanya?" I struggled thinking of a way to counter attack her while dodging her attacks.

Nang maubos ang mga ito ay ang hintuturo naman niya ang kanyang kinagat. "Damn it!" muli kong iniwasan ang mga ito habang paunti-unting pinaglalapit ang distansya naming dalawa. She's just standing there watching me struggle.

Think, Seige. I regained my lost memories two years ago, but I used to be a non-aether-user knight of Zephyrion. Fighting and surviving without magic was the basic training!

Huminga ako ng malalim. 

Wala pa naman akong natatamong galos mula sa kanyang mga atake kaya may nababasa na akong kaunting inis sa kanyang mukha. She's frowning while squinting her eyes.

I think she can only do that kind of attack once the first release of her blood needles has been executed. Otherwise, she may have made herself bleed more in order to produce more blood needles. I assume there is a limit to what her magic can do.

Ngumisi ako at bahagyang tumaas ang kanyang kilay. Nang maubos ang pangalawa niyang atake ay mataas akong tumalon. Hindi man lang siya nagulat sa ginawa ko bagkus ay sinundan niya lang ako ng tingin. Akmang kakagatin niya ang kanyang ikatlong daliri kaya mabilis akong bumulusok pababa. I released a slicing motion with my arm and hand and swung it in the air. Her eyes widened a little when a thin wind appeared. Nang dumapo ang paa ko sa sahig ay siyang pagtama ng aking atake. 

Hindi ko hinintay na maka-recover siya kaya mabilis akong tumakbo patungo sa direksyon niya. I clenched my fist and landed a blow on her stomach. Narinig ko ang mahina niyang pag-ubo at napaatras siya. 

Umubo siya ng dugo at umatras siyang muli. She is bleeding profusely and has an obvious diagonal cut on her chest. Natigilan naman ako. Tumingin ako sa Dean at hindi naman niya pinatigil ang laban. The Dean was just silently watching us with a slight frown. Nilingon ko si Vaelinor. "Hey---"

ATHERIA: Adriel RavenaWhere stories live. Discover now