Chapter 1

216 19 2
                                    

May isang pangalan sa campus na kinatatakutan ng mga estudyante: Duke Montemayor.

Sabi nila, kapag nakita mo raw ito, kailangan mong yumuko. Walang mata ang makatingin nang diretso rito. Kung bakit? Panigurado ay ikaw raw ang pag-iinitan nito kapag hindi ka raw natipuhan. At kahit mahirap na ang buhay sa loob ng military academy sa simula pa lang, mas lalo nitong pahihirapan ang ilang taong pananatili mo rito.

'It is the destiny of the weak to be devoured by the strong,' ito ang paboritong kasabihan ni Dad. Bata pa lang kami ay palagi niyang pinapaalala sa 'min ni Kuya ang sistema ng mundo—kung paano ito tumatakbo. Between the weak and the strong, he was the strong one. Kaya nga siya nasa posisyon niya ngayon—isang heneral. At gusto niyang sumunod ang dalawa niyang anak na lalake sa kaniyang yapak. Ang kaso, bumigay ang panganay niyang anak. Kaya ngayon, ako na lang ang natitira niyang pag-asa. Pero hindi ako katulad ni Kuya. Hindi ako mahina. At hinding-hindi ako magpapalamon sa isang tulad ni Duke.

Payapa naman ang naging unang buwan ko sa academy. Noon pa lang ay hinanda ko na ang aking sarili bago pa man ako pumasok dito. Madalas akong magbuhat kahit no'ng high school pa lang. Batak ang aking katawan. Oo, mas guwapo si Kuya—kahit pareho lang kaming maputi dahil sa dugong Chinese—pero mas makisig ako sa 'ming dalawa at mas matangkad ako ng dalawang pulgada. Mas mahaba at mas magaling din ako. Kaya nga lapitin ako ng chicks. Na-set na ni Kuya ang expectation ko sa kung anong mga dapat kong asahan dito sa military academy. Kaya naman, hindi ako nanibago sa matinding training, hindi tulad ng mga kasabayan ko.

Aaminin ko, nalungkot ako no'ng mga unang gabi. Wala kasing uwian kapag pumasok ka na sa military academy—liban na lang kung matagal ka na rito. Bawal din ang cellphone. Panay tuloy ako kaiisip kung kamusta na si Mom. Huling kita ko sa kaniya ay no'ng Reception Rites namin. Pinanuod niya kaming mga plebo (tawag sa freshmen students) sa may field habang dinidisiplina sa unang araw namin. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala, kaya pinakita ko rin sa kaniya na kaya ko at alam ko kung ano ang aking pinasok. Marahil ay naalala niya lang ang nangyari kay Kuya at natakot na baka ay matulad ako rito. At kamusta naman kaya si Kuya? Huling kita ko sa kaniya ay nang palayasin siya ni Dad sa bahay. Puro pasa ang kaniyang katawan at nagsusugat din ang kaniyang labi nang umuwi siya galing dito sa academy. Pero dinagdagan pa ito ni Dad nang malaman niyang hindi siya tunay na lalake.

Napapawi rin naman ang lungkot ko tuwing nakakakuwentuhan ko ang aking mga kasama sa barracks. Apat kami sa iisang barracks na matatagpuan sa dulo ng first floor. Sa loob ng kuwarto ay may dalawang double-deck na bunk bed—isa sa kaliwa at isa naman sa kanan pagpasok mo ng pinto. Sa may dulo ng kuwarto ay may magkabilaan ding cabinet—dalawang magkadikit sa kaliwa at gano'n din sa kanan. Sa itaas na parte ng cabinet (kung saan may rack) namin isinasampay ang aming mga uniporme. Ang mga nakatuping damit naman ay nasa ibabang parte kung saan may tatlong drawer. Sa gitnang dulo matatagpuan ang bintana kung saan abot-tanaw ang gubat. Sabi nila ay may lawa raw sa dulo ng gubat—bagay na mga first-class cadets (fourth-year students) lang ang nakakakita.

Si Harry ang malamya kong roommate. May pagkasabog ang buhok nito at may nunal sa pisngi. Madalas itong matumba tuwing nagmamartsa kami sa umaga. Kapag sabay-sabay din kaming nagbibihis ay madalas ko itong napapansing sumusulyap sa 'king natutulog na ibon. O baka namamalikmata lang ako dahil nakasalamin ito. Si Mark naman ang malusog kong roommate. Madalas itong magdaing tungkol sa pagkain sa pantry pati na rin sa routine namin. Wala raw kasi itong lasa. At hindi raw sapat ang limang minuto para ubusin ang isang plato. Si Joseph ang kabaliktaran ni Mark. Patpatin ang katawan at parang isang ihip lang ng hangin ay matutumba na. Palibhasa kasi jabolero. At ang malas ko lang dahil magkahati kami sa iisang bunk bed sa kaliwang bahagi ng kuwarto. Madalas siyang maglaslas tuwing patulog na kami. Aniya, ito raw ang pampakalma niya. Okay lang sana, ang kaso nasa ibabaw ang higaan ko. Damang-dama ko ang bawat yugyog niya sa ilalim.

The Bully Next Door [BXB]Where stories live. Discover now