Chapter 3

4 1 0
                                    

It's been an hour since our second subject started. 30 minutes to go and we'll be having our lunch.

Wala akong ibang ginawa sa buong klase kung 'di ang titigan si Iso, short for Paraiso. Ang haba at ang corny ng name niya, so I decided to call him Iso na lang. He must be thankful I gave him a cute nickname.

As usual, he's just listening and participating in class. He didn't even dare to look at me. Ako ang dapat magreport sa kaniya dahil hindi niya ginagawa ang trabaho niya! I should tell this to Tita.

Gusto ko sana siyang lapitan at kulitin para mawalan ng focus pero nasa harap niya lang si Darwin kaya hindi ko magawa.

"Kausapin mo na kasi." Bulong sa akin ni Raine habang nangongopya sa katabi niyang nerd.

Ang akala siguro niya ay si Darwin ang kanina ko pa tinitingnan.

"What if you talk to him." I said, emphasizing the word 'you.'

Namilog ang singkit niyang mga mata. Bahagya pang umawang ang kaniyang bibig.

"Huwag mo nga akong idamay sa relasyon niyo. Nananahimik ang single era ko." Aniya kaya ngumuso ako.

"Pretty please? He won't talk to me kahit anong gawin ko. Tutal close rin naman kayo, kausapin mo siya para sa akin. Your one and only pretty best friend!" Pagpupumilit ko at niyakap ang braso niya.

"Fine! Fine! May bayad 'to ah." Pinandilatan niya ako ng mata pero nginitian ko lang siya ng matamis.

That's why she's the only girl I treat as a real friend. Love this bitch!

"Time is over. You may pass your papers, class." Anunsyo ng teacher namin na ikinanlaki ng mata ng katabi ko. Siyempre wala pa rin akong pakialam.

"Wait lang, ma'am!" Sigaw niya at binantaan pa ang katabing nerd na masisira ang buhay niya kapag magpapasa na siya.

"Hi girls, sorry absent kami kagabi." Bati ni Chloe noong dumating sila sa canteen. She's with Shane, the quiet bitch girl. Tahimik pero mas grabe mambully kaysa sa 'kin kaya hinayaan ko siyang sumali sa grupo.

"So, totoo pa lang umalis na si Princess sa group?" Tanong ni Althea.

Absent sila ng one week at sa weekend ko lang sila nakasama kaya wala silang alam sa nangyayari sa group. 'Yong kay Iso pa lang kasi ang naikukuwento ko sa kanila dahil wala naman akong pakialam kung sinong matatanggal sa grupo. Hindi ko rin alam kung bakit one week silang absent. Ang alam ko lang ay nagbonding sila sa Boracay. Ibang group kasi ang circle nila pero circle pa rin naman kami.

"Yup. Soft girl eh." Chloe answered na ikinatango naman ng kambal.

"Where's Raine?" Biglang tanong ko.

They shrugged.

"Kayo ang magkaklase 'di ba?" Tanong ni Chloe.

"Oo pero nauna akong pumunta ng canteen. Ang tagal niyang mangopya eh." Sabi ko.

Hindi ko na kasi matiis ang gutom kanina at sinusundan ko rin si Iso kaya hindi ko na siya hinintay. Ilang minuto na rin ang lumipas pero hindi pa siya dumarating. Naunahan pa ng apat na nasa kabilang building.

"I saw her with Darwin. They're talking at the parking lot. Nakita ko kaninang pumunta ako sa comfort room. I thought you knew." Nilingon ko si Shane na himala at nagsalita. Wala kasi 'yang pakialam kahit may napapansin na.

"The heck? What if she's a snake and trying to agaw your boyfriend?" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Althea.

"What a backstabber." Saad naman ni Janice.

Eleanor Zen Luce:Bad Babe Series #1Where stories live. Discover now