Chapter 2

1 1 0
                                    

"Tumawag sa akin kanina ang Principal niyo. Ano na naman bang katarantaduhan ang ginawa mo ngayon, El?" Taas ang kilay na tanong sa akin ni Tita. Nakamewang siyang nakatayo sa harap ko.

Umirap ako at humiga sa sofa. I opened my tiktok app and watched videos. Hindi ko siya pinansin. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya at naiinis na pumunta sa kusina.

She's Tita Deng, bunsong kapatid ni Daddy at ang nag-aalaga sa akin simula bata pa ako dahil palaging busy ang parents ko sa business nila. My mom owns the largest milk producer in Denmark, which is why she can't leave her country, even though she has family in the Philippines.

Meanwhile, my dad owns his own restaurant in Cebu. May business na siya rito sa Makati pero nagtayo siya ng restaurant because it's his passion, which is cooking.

Once a month lang siya umuuwi kahit 1 to 2 hours lang naman ang flight niya papuntang Makati. Si Mom? Uuwi lang 'yon kapag gusto niya.

Kaya si Tita ang parang tumayong parent ko physically. Siya rin ang laging sumasagot sa mga tawag ng Principal ng school sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. Tumandang dalaga si Tita at wala ring trabaho dahil sa katamaran kaya binabayaran siya ni Dad basta bantayan niya lang ako kaso hindi naman niya ginagawang mabuti ang trabaho.

Inikot ko ang mata ko at tinalikuran si Tita nang bumalik siya.

"May nobyo na ako, El, at balak na rin naming magpakasal. Mayaman siya at may business sa US. Anumang oras ay iiwan ko na ang Pilipinas." Aniya ngunit hindi ko pa rin siya pinapansin pero ang totoo ay nakahanda ang tenga ko para makinig sa sinasabi niya.

"Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa para magbago ka. I know you're a good girl." Sabi niyang ulit but this time, I laughed.

Umupo na ako sa sofa at natatawang hinarap siya. "You think I'm a good girl?" Tumawa ulit ako at umiling iling.

She's just looking at me, worried.

"Nakausap ko ang prof mo. Ni isang subject ay wala kang naipasa."

"Do you think I care?"

"65 ang pinakamataas na grado mo."

"Dad will take care of it."

"Eleanor!"

"What?!"

Bumuntong hininga siya. Walang magawa sa pagiging matigas ng ulo ko.

"I hired someone to look out for you. Lahat ng galaw mo ay irereport niya sa akin. Binigyan ko rin siya ng karapatang makialam kapag sumobra ka na. Siya na ang tatayong---" I cut her off. Nanlalaki ang mga matang tumayo ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

"That's too much! Hindi niyo hawak ang buhay ko!" Hindi ko na napigilan ang sariling sumigaw ngunit kalmado pa rin siya at mukhang inaasahang ganito ang magiging reaksyon ko.

"Magkokolehiyo ka na at ano.. ganito na lang ba ang ugali mo? Hindi, El. Gusto ko bago ako umalis ay may makita akong pagbabago mo. This is for your own sake. Anak ka ng kuya ko pero simula noong bata ka, ako na ang tumayong magulang mo kaya puwede ba kahit ngayon lang, makinig ka naman sa akin?" I saw tears starting to build in her eyes, so I calmed myself.

"Ipapakilala ko siya sa Sabado." Aniya at iniwan akong nakanganga sa sala.

I can't believe her. Hindi naman siya ganoon dati. Lagi nga niya akong sinisigawan at paulit ulit na binibigkas ang mga salitang "Kung hindi lang ako binabayaran ng Dad mo ng malaki, matagal na akong umalis sa pamamahay na 'to!". But look at her now, trying hard maging parent. Ganoon ba epekto ng pagkakaroon ng boyfriend?

Eleanor Zen Luce:Bad Babe Series #1Where stories live. Discover now