T*nga mo talaga, Von!
Binantayan ko lang sya... grabe... ang ganda pala ng babaeng 'to. Matangos ang ilong. Yung mata perfect yung shape. Ang labot ng labi. Maputi. Makinis.
Sus. Ideal Girl ko na 'to eh!
Mabait pa! Marunong sa bahay! Hindi maarte. Mataray nga lang (at times lang naman). Tsaka sa kanya kasi walang malisya... 'di kagaya ng iba babae na lapitan mo lang kung anu-ano na nasa isip!
"Gelo... ang sakit-sakit. Bakit ako pa at bakit ikaw pa?" tapos tumulo yung luha nya. Hanggang sa pagtulog.. bakit si Gelo pa rin? Ako na nga yung kasama eh. Ahh... ano ba 'tong sinasabi ko? Haghh. Di ako pwedeng ma-in love sa babaeng 'to. Alam ko naman na sooner or later i-aarrange ng parents ko yung wedding sa isang babaeng di ko gusto! So... ayun yung reason kung bakit hindi ako nag-aattempt mag-gf o kaya ma-in love.
Ayaw ko kasi masanay sa mga bagay at taong alam kong di magtatagal... Wala naman kasing permanenteng pangyayari sa mundo. Lahat nawawala at lahat nagbabago.
Forever was just a word... A word without a real meaning. :/
Ang drama ko na! =_____________________="
Maya-maya umibo na si Cleinne ko... Ay mali. Cleinne ko daw eh! Di ko naman sya pagmamay-ari.
Umibo nga, di naman nagising! LOL.
*blink blink*
Nakatulog pala ako? Oh? 1:30 na. Nasa'n na yung binabantayan ko? Haaay. Ang kulit talaga ng babaeng yun!
Lumabas ako ng room tapos nakita ko sya parang may hinahanap.
"Cleinne!"
"IAAAANNN!!!" tapos hi-nug nya ako.
"Bakit naman?"
"Yung bag ko kasi... este yung bag natin." Sus. Yun lang pala! "Di ba naiwan yun sa school? Yung cellphone ko at wallet nandun eh!"
"Ano ka ba? Tara dun sa taas." tapos hinila ko sya. Oh. Nahawa na ako sa hila-hila na yan!
Pagdating namin sa room ko pinaupo ko sya sa bed.
Chapter 5: Part 2 and Part 3
Start from the beginning
