9

57 2 0
                                    


"Rafael! No! Rafael!" Sigaw ni Mariana pero agad siyang huminto nang may maramdamang kakaiba.

"No..No..." it was blood

NUEVE

Nakalabas na si Moria sa hospital kaya minsan pag bakante si Elle mula sa klase niya ay binibisita namin siya. Mga ilang buwan din siya bago makakabalik sa paaralan but she was so positive about it. Sam was always grumpy, sa pagkakaalam ko ay pinagsisilusan niya ako kasi mas priority nga ako ni Elle kesa sa kanya. Minsan nga narinig ko silang nag aaway.

Kaya kinausap ko si Elle patungkol doon. Sinasamahan niya ako sa hospital minsan pag wala siyang klase. She's really trying her best and I'm so grateful about it.

Ang dami kong kasalanan pero ang swerte ko sa kanya. Pero lately nga ay parati na nga siyang sumasama dahil napapadalas nga ako sa check up ko. Sabi wala raw siyang klase.

"Elle..." tawag ko sa kanya. Katatapos ko lang na magpalit ng damit dahil bibisita sana kami uli kay Moria. Nahirapan nga akong isuot ang damit dahil sa lock nito. Medyo matalim rin.

She smiled at me pero napalitan din ito agad ng pangamba nang bumaba ang paningin niya sa kamay ko. " Ano, anong nangyari sa kamay mo?! Dumudugo, Ally!"

She went out immediately to get some medicine at tinawag na rin si Manang Jing.

I was just looking at them. Nagtataka sa lahat dahil kahit na dumudugo ang kamay ko ay bakit wala man lang akong naramdaman. Surely kung may sugat ka natural lang naman na makaramdam ng sakit o kahit man lang hapdi.

But I didn't feel any.

Hindi ko napansin dahil hindi ko ramdam ang sugat. She went on telling me to be careful next time.

Tumango lang ako sa kanya kahit na puno ng pagtataka ang isip ko.

"What happened to your hand?" tanong ni Doc Rosemund nang magkita nga kami sa hospital. Umalis si Elle, may binili kaya naiwan ako sa lobby. Tapos na rin ako sa check up and I was in a daze.

Its... Progressing...

Hinigpitan ko ang hawak braso ko.

"Hindi ko namalayang nasugatan po ako." tumango siya pero hindi nakangiti.

"Alam mo, mag ingat ka sa mga ganyan. My aunt died from bleeding heavily because didn't notice the wound on her wrist. Napada siya while holding a knife. Hindi niya naramdaman ang sakit"

"Po?" that's... Wierd.

"She died young"

"Miss niyo po ba?"

"Medyo, binibigyan ako ng candy nun" sabay tawa.

"It's nice to hear someone missing someone"we talked for a while until I saw Elle coming back. Pinakilala ko siya kay Doc.

" Paano mo yun nakilala? "

"I reminded him of his dead sister.. Kaya ayun" I smiled at her. Pero hindi siya nakangiti she was just staring at me with glint of sadness in her eyes. Inaya ko nalang siyang umuwi kami.

Dinaanan namin si Moria bago kami umuwi sa bahay kaya mga ala sais na kami nakauwi. Pagod at gutom kaming dalawa kahit na pinakain naman kami kina Moria.

Pagkauwi namin agad na bumungad ang ingay mula sa office ni Tiyo Markus. May kausap ata sa telepono.

"Naku! Buti nakauwi na kayo" si Manang Jing noong makita kami.

"Bakit po?"

"Nandito si Maureen... Papauwi pa lang si Tiya Martina mo, galit na galit ang ina mo!" So andito rin kaya si Dew? Antagal kong hindi nakita ang batang yun.

Love me, RosalieWhere stories live. Discover now