Prologue

1.5K 16 0
                                        

Natatandaan ko ang huling araw na iniwan ako ng mga magulang ko para mag-trabaho sa ibang bansa. Limang taong gulang ako ng mga araw na 'yon.

Nung nasa elementarya ako ay hindi ko sila nakasama at ang Lola ko lang ang mismong sumama sa akin noong graduation namin. Pero may naging kaibigan naman ako at ang pangalan niya ay Kathyrene Federico. Naging malapit kami na magkaibigan at parating magkasama tuwing recess na naglalaro sa labas ng classroom.

Pero sa kasamaang palad ay naaksidente ang mga magulang niya kaya naging ulila siyang bata. Pero meron naman siyang kasama sa kanilang bahay at 'yon ay ang mismong mga katulong nila. Hindi ko na alam kung ano na ang mga nangyari doon dahil bata pa ako at hindi ko gaano matandaan. Minsan ay bumibisita si Kathyrene sa bahay namin para makipaglaro at doon ay magkasama kaming nag-enroll sa Tublay National High School bilang Junior high school students.

*****

Bumalik naman ng bansa ang aking mga magulang noong 14 years old ako. Pagkatapos ng nine years bago sila bumalik, pero doon ay nalaman ko na may bago akong mga kapatid. Si Louie ang pangalawa at dalawang taon lamang ang agwat namin sa gulang. Habang ang bunso kong kapatid naman ay babae, si Madeleine at pitong taong gulang pa siya.

"Ma, aalis nanaman ba kayo?" Tanong ko.

"Yes my dear, we're currently busy as Managing Directors in London," sagot niya.

"Puwede po bang isama niyo ako?"

Lumapit si Itay at lumuhod sa harap ko at sabay niyang hinawakan ang aking balikat at doon niya sinabing,

"Anak, gusto namin din na isama ka doon pero busy kami masyado ng Mommy mo."

"Ang daya! Babalik po ba kayo dito para iwan 'tong mga kapatid ko?" Sumbat ko.

"Huwag kang mag-alala Jayson, kapag may oras kami ng Nanay mo ay ipapasyar ka namin doon."

Lumapit din si Inay at doon niya sinabing,

"Jayson, can you promise us that you will take care your siblings for us. Don't worry they already know about their older brother so there's no need to be shy."

Niyakap nila ako ng mahigpit at doon ay umalis sila kasama ang mga bagahe nila dahil babalik na daw sila ng London.

"Kuya Jayson! Can we play," sambit agad ni Madeleine sa akin.

"Ikaw si Madeleine tama ba? Medyo mahaba pangalan mo... puwede ba kitang tawagin nalang na Maddie?" Tanong ko sa kanya.

"Okay Kuya!"

Habang nakikilaro si Maddie sa akin gamit ang mga Barbie dolls niya ay pansin ko na walang kalaro si Louie dahil panay sasakyan ang mga laruan niya.

Tinawag ko siya para sumama sa amin ni Maddie na makipaglaro. Sa kabutihang palad naman ay lumapit siya ng kusa at doon ko sinabing,

"Louie huwag kang mahihiya kay Kuya."

"Okay," sagot niya.

Doon ay nakisama siya at nakipaglaro sa amin. Kahit na hindi ko ulit makakasama ang aking mga magulang ay meron naman ang aking mga kapatid at si Lola na kasama ko.

*****

Sa ibang school naka-enroll ang mga kapatid ko at hindi sa mismong school kung saan ako nag-aaral bilang isang junior high school student. Kaya si Lola ang sumusundo sa kanila  habang ako at si Kathy ay nagco-commute pauwi.

Every school year ay lagi akong nakakatanggap ng certificate of recognition bilang isang with honor student at doon ay lagi si Lola ang kasama kong nasa harap.

Pero natatandaan ko ang araw na hindi pumasok si Kathyrene dahil may sakit siya. Sa araw ding 'yon ay may nambully sa akin dahil hindi ako matangkad at maliit pa ako na kung saan umabot sa matinding away at doon ako umiyak dahil sa pinagsasabi nila.

"Umiiyak si Jayson! Hahaha! Hala magsusumbong na yan sa nanay at tatay niya!"

"Oo nga pala! Wala sila dito! HAHAHA!"

Naiwan lang akong umiiyak sa hagdanan ng classroom namin dahil dalawang palapag ang building.

Doon ay may nag-abot sa akin ng panyo.

"H-Hayaan mo nalang s-sila. Ang sasama ng m-mga ugali nila." sabi ng isang matabang estudyante na lalaki.

Kinuha ko lang ang panyo pero hindi ko siya tiningnan sa mukha dahil nahihiya ako. Doon ay nag-ring na ang bell at papasalamatan ko sana siya pero bigla siyang umalis dahil may tumawag sa kanya na babae.

*****

Grade 10 na kami ni Kathyrene at doon ay malapit na ang moving-up ceremony namin dahil ito na ang huli naming taon bilang junior high school students. Tumangkad naman ako at nilagpasan ko na ang height ni Kathyrene at ng iba kong classmates.

"Kathyrene, saan ka pala mag sesenior high school?" Tanong ko.

"Uhmm... maybe here," sagot niya.

"Ako din dito ko tatapusin ang pag-aaral ko bago ako pupunta ng college," sabi ko.

At sa araw mismo ng moving-up ceremony namin ay umaasa ako na meron sina Inay at Itay pero wala sila. Si Lola at ang mga kapatid ko ang dumating para panoorin ako at alam ko na si Lola ulit ang sasama sa akin sa harap.

"Certificate of Recognition is awarded to Jayson Guevarra. With High Honor, with the average of 95 during the school year 2021-2022!" Sambit ng adviser namin sa harap ng stage.

Sayang dahil hindi nanaman masasaksihan ng aking mga magulang ang mga nakukuha kong award sa school. Pero pinagpapatuloy kong gawin ang best ko para maging proud sila pagbalik nila ulit sa bansa.

*****

Araw na ng enrollment sa Tublay National High School para sa incoming Senior High School students at napagdesisyonan namin ni Kathyrene na ang kukunin naming strand ay Humanities and Social Sciences.

Habang nakapila kami ay may nakahulog ng panyo at kusa ko itong pinulot. Hinanap ko kung sino ang nagmamay-ari ng panyo pero wala. Nakita ko lang ang initials na "L.B."

Itinago ko nalang muna at baka babalik ang may-ari para hanapin 'yon. Ngunit wala kaya iniuwi ko nalang at nilabhan ko ito at itinago ko nalang sa cabinet ko.

"Finally Jay! We're already enrolled!"

"Oo nga Kathyrene at ngayon pala tatawagin na kitang Kathy kung okay lang sa'yo." sagot ko.

"It's fine bestie."

"Bestie?"

"Yeah, since we're already close friends puwede don kitang tawagin sa kahit anong gusto ko. Duhhh."

Love Beyond Seats 🇵🇭Stories to obsess over. Discover now