"Tangina! Ngayon pa talaga! Siguro nalaman na nila kung nasaan si Athena!"

"We need to find her, Maeve. Kapag nakuha iyon ng mga elders mas lalong gugulo ang buong Warlington! Gagawin nilang sakripisyo si Athena para buhayin ang matagal na nilang dyosa!"

I heard this once before. Dyosa ng kadiliman. Iyon ang huling pinabagsak ng Reyna, mula sa water tribe. Gusto nilang maghiganti at kunin ang mga itinakda. Gagawin nilang sakripisyo sa kanilang dyosa upang muling sakupin ang buong Warlington.

Isang daang taon na ang nakalipas. Pinatay ng Reyna ang kanilang dyosa sa panahon na iyon. Maraming nadamay, namatay. Dahil duon ay nagalit ang mga elders. Gusto nilang maghiganti. Ngayon, ito na yatang ang tamang pagkakakataon. Hindi nila palalampasin ito! Pinabagsak na nila ang buong Hitmiton. Isusunod na nila ang buong Warlington. Gagamitin nila si Athena.

Shit!

"I can smell her!" lumiwanag ang mukha ni Herra at tinungo ang direksyon ni Athena. Sa sobrang bilis niya halos apoy na lang ang nakikita ko. Tangina, ang lakas ng babaeng 'to. Miyembro nga talaga siya ng mga mages. Malalakas at kinatatakutan.

"ATHENA!"

Isang nakakabinging sigaw ang narinig ko mula sa bibig ni Herra. Mabilis akong lumapit sa kanila, natagpuan niya na si Athena. Nakangiti habang papalapit kay Herra na halos sumabog na ang buong katawan sa pag-aalala.

"Bakit ang tagal mo!" giit nito. Hindi mapigilang hindi maluha sa pag-aalala kay Athena.

Ngumiti si Athena. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang nangyaring masama sa kanya. Mabuti nalang kung ganun.

"I was looking for this, mama Herra," pinakita niya kay Herra ang isang bulaklak. Kulay puti iyon, umiilaw sa gabi.

"Para saan naman ito? Alam mo bang alalang-alala kami sayo? Don't do that, okay? Ayaw naming may mangyaring masama sayo, Athena." Seryosong sambit nito muli. Tumango ako bilang sang-ayon.

Ngumiti muli siya kay Herra. Dahan-dahan tiningala ang kalangitan. Walang bakas na takot sa kanyang mga mata. Nawala lamang ang kanyang matamis na ngiti ngunit walang bahid na takot.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Herra. Gusto kong matawa sa mukha niya ngunit pinipigilan ko. Tinaasan niya lamang ako ng kilay at muling binalik ang tingin kay Athena.

"Huwag tayong bumalik sa lumang bahay na 'yon, mama Herra. Nandun sila, winasak nila ang buong—"

Kaagad kong hinila si Athena. Ni hindi pinatapos ang kanyang sasabihin dahil nararamdaman ko na ang malakas na enerhiyang nanggaling sa mga elders. Malapit na sila! Alam nila ang direksyon namin. Fvck!

"Mama, Maeve? Hindi sila makakas!"

"Not now, baby. Lumayo muna tayo, okay?" paalala sa kanya ni Herra. Nasa likuraj namin siya ngayon. Pinapatumba niya ang mga naglalakihang kahoy gamit ang kanyang kapangyarihan. Mabuti nalang hindi nasunog ang mga iyon.

"Can I use my magic, mama Herra? Kahit one lang, please?"

"No! Athena! Malalaman nilang nandito ka!"

Damn it! Nararamdaman ko na ang panghihina ng katawan. Nasobraan yata ako sa paggamit ng kapangyarihan. Hindi pa kami nakakalayo! Ni hindi pa namin nakita ang labasan ng gubat! Tangina.

"Nanghihina ka na ba, Maeve?"

"Nawawalan na ako ng lakas, Herra! Kailangan nating makalabas sa kagubatang ito bago pa mangyari iyon!"

"Fvck!"

Tulad ko rin ay mauubos at mauubos din ang lakas ni Herra.

Binalingan ko si Athena sa aking bisig. Nanlaki ang mata ko nang makitang umilaw ang kanyang tubig marka sa noo at pagkulay pula ng kanyang mga mata.

"Athena, don't..."

Isang malakas na enerhiya ang kanyang pinakawalan na nagsanhi ng pagyanig ng buong kagubatan. Nagsilabasan ang mga puno, nagkumpol-kumpol sa aming likuran. Mas lalo ding lumamig ang buong kapaligiran.

"Fvck, Athena! Ang tigas talaga ng ulo!"

I held her hands kasabay nito ang ilaw hindi kalayuan. Iyon na ang labasan ng gubat ngunit napawi ang pag-asa sa aking mga mata nang may nakita akong paparating. Sobrang bilis ng kanilang galaw! Hindi ko masundan iyon! Tangina!

"H-Herra!"

"Vampire!"

Lumuhod ako upang ilagan sana ang taong iyon ngunit namanhid nang mamukhaan ang tatlong paparating.

No...

She's dead, right?

Why...

Nawala ang ilaw sa noo ni Athena pero nandun parin ang kulay pula niyang mga mata. Dahan-dahan siyang bumaba sa aking mga bisig at tiningala ang tatlong taong nasa aming harapan.

Ayama, Ferron, and Weston.

Pulang-pula ang mga mata ni Ferron. Umiilaw naman ang marka sa braso ni Ayama.

Naramdaman ko ang kaba at takot sa buong katawan ko. Isang malakas na hangin ang pinakawalan ni Weston. Dahil duon nagsihawian ang mga malalaking puno sa buong kagubatan. Bumungad sa amin ang kadiliman ng lugar. Tanging mga mata lamang nina Ayama, Ferron at Athena ang nakikita ko sa dilim.

The powerful family.

"Weston, Ayama, Ferron..." miski si Herra ay hindi makapaniwala na nasa aming harapan ngayon ang tatlo. Lalo na si Ayama na nasaksihan ko ang kanyang pagkawala.

She's here, alive. Walang emosyon ang mukha. Iyon ang nagbago sa kanya, nakakatakot. Mas lalong lumabas ang kanyang totoong ganda.

"Mommy..." mahinang bulong ni Athena.

Tumikhim si Weston. "Ano ba 'yan! Tulaley lang? Hindi ba kayo masaya? Nakabuo kayo ng anghel oh! Kuhang-kuha halos ni Ayam—" hindi natapos ni Weston ang kanyang sasabihin nang ismiran siya ni Ferron. Masama ang tingin nito.

"Oops! Sorry! Halika ka, Herra! Samahan mo—wait, wala ka ng lakas!"

Lumapit si Weston sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. Nilagay niya iyon sa kanyang balikat. Dahan-dahang lumakad.

"They're waiting outside, Zagareth. Huwag mong patagalin."

Bumalik ang tingin ko sa tatlo. Hawak na ngayon ni Ayama ang kanyang anak. Bumalik sa dati ang pulang mata nito ganun din ang kanilang mga marka.

Hindi ko mapigilang hindi maluha habang pinapanood sila. Sumilay muli ang matamis na ngiti ni Athena. Masayang-masaya siya. Sa wakas ay nasilayan niya na ang totoong mama at papa niya.

Ngumiti ako. Hinayaan ang luhang kanina pa lumalandas sa aking pisnge. Finally, she's back.

Kung nandito lang si Elyse, sigurado akong mas lalong sasaya iyon. Our friend is alive, Elyse. Kasama niya na ang buong pamilya niya.

"Maeve..."

Nilingon ko si Ayama. She smiled at me. Unti-unting siyang lumapit at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Dahil duon ay hindi ko na napigilan ang sariling emosyon. Humagolgol na ako sa kanyang balikat.

"Namiss kita, Ayama! Akala ko wala kana!"

"Lagi kang hinahanap ni Athena sa amin ni Herra. Mabuti nalang matalino 'yang anak mo at naintindihan niya pero tangina lang! Masaya ako dahil bumalik ka!"

Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa. Mas lalong hinigpitan ang yakap sa aking katawan.

"Thank you for everything, Maeve. Salamat dahil hindi niyo hinayaan ang anak ko. Inalagaan niyo at pinalaki ng tama. You treated her as your own child. Thank you, Maeve."

Tumango ako habang nasa labi parin ang masayang ngiti na muli kong binalik.

"No, salamat dahil bumalik ka, Ayama."

Kuwento mo 'to, tapusin mo.

***
Ending is coming! Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Hitmiton Academy: School of MagicOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz