Chapter 6

55 1 0
                                    


"Hoy"

"Hope" Nagising ako dahil sa sunod sunod na tapik sa balikat ko.

"Ano antok na antok?" Sabi ni Zia.

Paglingon ko sa paligid ay lahat na pala ng kaklase ko ay nandun na paglingon ko naman sa katabi ko nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin sakin si Adi.

Nakita niya akong natutulog? Nakakahiya!

"Good morning class" Napaayos ako ng upo nang dumating si Ma'am Mira.

Arts appreciation ang subject namin sakanya. Nag discuss lang siya about art classification. Buti nalang nakaidlip ako kanina dahil panigurado aantukin nanaman ako habang nagkaklase.

"Did I already gave you project?" she asked.

"Wala pa po madam" sagot naman ng kaklase namin.

"Okay since wala pa pala ako nabibigay na project ang project niyo nalang saakin ngayong finals ay painting, canvas po ang gagamitin niyo, ang size ng canvas ay 30cm x 40cm yung may frame" she said.

"Anong painting po madam?" Our president asked.

"Anything, kayo bahala basta ieexplain niyo sakin bakit 'yon ang napili niyo i-paint" aniya.

"Ang deadline ay next week" dagdag pa ni Ma'am Mira. "Okay that's all for today and btw I won't be able to meet you on Wednesday dahil may meeting ako, I will just give you an activity, that's all goodbye class" paalam ni madam.

"Goodbye madam" paalam naming lahat at lumabas naman si madam ng room.

"Kelan tayo bibili materials?" Dale asked me nang makalapit siya sa'kin.

"Sa Saturday nalang siguro tapos diretso gawa na rin tayo" sagot ko.

"Okay, tara na sa cafeteria"

Naglakad na kaming apat papunta sa cafeteria. Nagugutom na rin ako dahil hindi ako nagkapag almusal kanina.

"One beef steak and rice please" sabi ko sa cashier, binuklat ko naman ang bag ko pero hindi ko makita yung wallet ko.

"Where's my wallet?" Pabulong na sabi ko habang patuloy na naghahanap sa bag ko. Paanong mawawala sa bag ko eh andito lang 'yon kanina.

Hindi yon pwede mawala! Gusto kong umiyak. Hindi pwedeng mawala ang wallet ko importante yon sakin.

"What's wrong?" Yael asked.

"I can't find my wallet" kinakabahang sabi ko.

"Maybe you left it at home?" Dale asked.

"Hindi, dala ko yun nagbayad pa nga ako kay Estella eh" I said.

"May binili ka ba kanina?"tanong ni Zia at umiling naman ako.

"Where are you going" tanong ni Dale nang makitang paalis na ko.

"I'll find my wallet baka naiwan ko sa room" sabi ko.

"Mamaya na okay? Kumain na muna tayo and after tutulungan ka namin maghanap" he said.

"Saglit lang hahanapin ko lang talaga kailangan ko mahanap yon" tumakbo agad ako pabalik sa room at hinalughog ko ang buong classroom.

Hinanap ko ito kahit sa kasulok sulukan ng room pero wala talaga, ibinuhos ko na rin ang bag ko para hanapin pero hindi ko talaga ito makita. Napaupo na lang ako sa sahig at agad na nangilid ang luha ko. Sobrang importante sakin ng wallet na 'yon.

Dismayado naman akong bumalik sa cafeteria at nakita ko silang nakaupo na sa lamesa.

"Ano nakuha mo ba?" Zia asked and I shooked my head.

Safe in your ArmsWhere stories live. Discover now