Chapter 16

43 2 0
                                    

"Oh! I'm sorry kung nabigla ka. It's just that, her face is very familiar. I felt like I was looking at my bestfriend's younger version." sabi ulit ng babae.

Ngumiti lang ako. Maganda ang babae at sopistikada ang dating at mabait din ito.

"Anyway, I'm sorry din. And I'm sorry, pretty." ngumiti ito sa anak ko at bibo namang ngumit pabalik ang anak ko.

"Okay lang po, ganda! Ang ganda n'yo po!" sabi ng anak ko.

Tumawa naman ang babae at animo'y tuwang tuwa sa anak ko. Hindi na rin kami nagtagal doon at nagpaalam na ako. Kailangan kasi naming maasikaso ang enrollment ni Raia para makauwi kami ng maaga.

Bitbit ko si Raia kung saan saan hanggang sa ilang oras ang lumipas ay natapos na rin pag e-enrollment ko sa anak ko. Sa susunod na buwan pa naman magsisimula ang klase at mas mabuti nang ma-enroll ng maaga si Ria.

"Nagugutom ka na ba, anak?" tanong ko sa anak ko habang naglalakad kami palabas ng paaralan.

Ang ganda pala ng paaralan na ito at halatang pang mayaman.

"Opo, nanay. Uuwi po ba si tatay mamaya nanay?"

Hindi kaagad ako nakasagot. Wala naman kasing sinabi si Reid. At nahihiya rin naman akong magtanong.

"Di ko pa alam, anak. Pero magsasabi naman iyon si tatay kung uuwi siya. Baka bukas pag gising mo nasa bahay na siya." sabi ko na lang.

Nang makarating kami sa labas ay kaagad binuksan ng driver ang pinto ng kotse. Bilin din ni Reid para mas madali kaming makapunta sa paaralan at hindi kami mahirapan pagkauwi dahil hindi ko pa namam gamay ang lugar. Paano ay nasa bahay lang din naman kami.

"Nanay, gusto ko pong mamasyal." maya maya ay sabi ni Raia.

Bumuntong hininga ako. Gusto ko nga ring makapasyal kami kasi hindi naman namin naranasan iyon. Pati gusto ko rin talagang ipasyal si Raia. Binilin ni Reid ang isang black card niya at pati na kaunting cash para raw magamit ko kung may kailangan kami. Nahihiya pa nga ako noong una pero mapilit ito at sinabing wala lang daw iyong pera sa mga sakripisyo ko.

"Sige na nga!"

Masayang pumalakpak ang anak ko.

Medyo malayo kami sa proper syudad kaya kinailangan pa naming magbyahe ng dalawa hanggang tatlong oras. Pero dahil hindi naman traffic sa amin ay hindi nagtagal ay nakarating din kami sa isang mall. Napakaraming tao dito. Hindi parehas sa kung saan kami nakatira. Kaunti lang ang mga tao at hindi masyadong crowded. Iyon nga lang, halos lahat naman kasi ng establishments ay nandito sa lungsod.

Hinila kaagad ako ni Raia nang makakita siya ng store na nagbebenta ng maraming laruan. Hinayaan ko siyang mamili doon at pagkatapos ay binili ko rin siya ng mga damit.

Nang mapansing medyo naparami na ang nabili namin ay napagdesisyonan kong umuwi na rin. Medyo naaliw lang kami sa pagbili dahil ngayon pa lang namin ito nasubukan. Pagkalabas namin sa huling store na binilhan namin ay siya ring paglabas ng pamilyar na babae sa isang store katapat namin. Kita ko ang gulat sa mga mata nito nang makita ako. Kumirot din ang ulo ko ngunit hindi ko magawang tanggalin ang tingin sa babae. Ilang minuto kaming nagkatitigan hanggang sa makita kong dahan dahan itong lumapit sa akin.

"Ria..." lumuluhang tawag nito sa akin nang makalapit.

"Tawag ka po, nanay." sabi naman ni Raia nang hindi ako sumagot.

Mas lalo ring kumirot ang ulo ko dahilan kung bakit ko nabitiwan ang mga dala dala. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit. Umikot ang paningin ko at sa kabila ng pagtumba ay nahawakan ako ng babae sa aking braso. Bago nawalan ng malay ay ang huli kong naalala ay ang iyak ni Raia at ang pagtawag ng babae sa pangalan ko.

**************

"Nandito lang ako para sa'yo, Rina."

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang una kong nakita ay ang puting kisame. Tinitigan ko iyon at binalikan ang mga alaalang kanina lang nabuo sa isip ko bago ako nagising. Ang mga mukhang palagi kong napapanaginipan, ngayon ay kilala ko na. Ang babaeng tinuring kong kapatid pati na ang kapatid nito. At ang pogi at bibong anak nito.

Naramdaman kong may lumapit sa gilid ko at nakita ko si Rina na lumuluhang nakatunghay sa akin.

"Ria...kumusta ang pakiramdam mo?"

"Rina..." nanghihina man ay pilit kong tinawag ang pangalan niya. Nang marinig ang boses ko ay yumakap ito sa akin.

"Miss na miss na kita, Ria! Hindi kita mahanap. Ilang taon kitang hinanap dahil nag alala ako sa'yo! Saan ka ba galing? Bakit hindi mo ako tinawagan? Alam mo namang nandito lang ako para sa'yo." sunod sunod na sabi ni Rina.

Masakit para sa akin ang makalimutan ang taong trinato ako bilang kapatid at kapamilya. Kahit nanghihina ay niyakap ko siya pabalik ngunit natigilan nang maalala ang anak.

"A-Ang anak ko..s-si Raia." sabi ko at kumalas sa yakap.

Tumingin ito sa sofa na nasa loob ng kwarto kung nasaan ako bago ibinalik ang tingin sa akin.

"Nakatulog siya. Napagod siguro sa kakaiyak ay pag aalala. Ang ganda ng anak mo, Ria. Kasing ganda mo." ngumiti ito at hinaplos ang buhok. Umupo naman ito sa upuang nasa gilid ng kama ko. "Darating ulit mamaya ang doktor para i-check ka. Dinala kita dito sa ospital nang mawalan ka ng malay. Wala ka ring cellphone kaya naman ay hindi ko alam kung sino ang tatawagan. Tatawagan ko sana ang asawa mo."

"W-Wala naman akong asawa..."

Tumango naman siya. "Naiintindihan ko. Kapag maayos ka na, pwede ba tayong mag usap?"

Tumango rin ako. Kinuwentuhan niya ako sa mga nangyayari tungkol sa pamilya niya. May ikalawa na pala siyang anak. Nanghinayang ako at wala ako sa tabi niya noong mga panahong iyon. Pero nang maalala ang mga pinagdaanan ko ay isinawalang bahala ko na lang iyon. Alam ko namang maiintindihan ni Rina ang dahilan kung bakit bigla akong nawala at kung bakit hindi ko siya na contact sa mga panahong iyon.

Masaya ako dahil naaalala ko na siya. Masaya ako dahil nagkita na kami ulit. Pakiramdam ko ay hindi na ako nag iisa. Na may kakampi na ako.

*****************

Si Rina ay ang female lead character ng Heaven in your arms. You can check it on my profile.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Great WarWhere stories live. Discover now