Chapter 11

217 10 4
                                    

RIA

"Sinong ama ng dinadala mo?"

"Baka naman pamilyado kaya ka nagtatago at nagtatrabaho kahit buntis."

"Sabagay, hindi naman nakakapagtaka dahil sa club ka nga nagtatrabaho."

"Maganda sana, pakarat nga lang."

Iyon ay ilan sa mga naririnig ko sa mga kasama ko sa trabaho noong ipinagbubuntis ko pa si Raia.

Nagtatrabaho ako bilang katulong sa isang malayong lugar noon at sa kagustuhang lumayo ay napunta ako sa magandang lugar na iyon. Hindi tanggap ng magulang ko ang pagbubuntis ko. Ang akala koy makakapagsimula na ako ng bagong buhay ay hindi nangyari. Pagka't bukod sa mga kasamang kasambahay na galit sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama, pati amo namin ay hindi ko alam kung anong problema sa akin.

Halos lahat ng gawaing bahay ay sa akin ipinagawa.

Isang araw, narinig kong nag uusap ang mga kasama ko at nabanggit nilang nagse-selos daw ang amo naming babae sa akin dahil daw sa paraan ng pagtitig ko sa asawa niya.

Ang hindi nila alam, pinapanood ko ang bawa't galaw ng amo naming lalaki dahil sa malagkit na tining nito sa akin. Ilang beses kong nahuli itong nakatitig sa kung saang parte ng katawan ko na nakalantad. Sa binti, minsan sa balikat o sa may dibdib.

Minsan ay pakiramdam kong may humahaplos sa akin tuwing gabi habang natutulog at kapag nagigising ako at naaalimpungatan ay wala namang ibang tao.

Minsan kapag naliligo ay pakiramdam ko'y may gumagalaw sa door knob sa CR o kahit kapag nagbibihis ako ay pakiramdam kong may nakatingin sa akin. Ngunit kahit kinakabahan ay binalewala ko nalang. Wala naman kasi akong ibang mapuntahan kung sakaling aalis ako dito. Isa pa, buntis ako at kinailangan kong mag ipon.

Hindi ko alam kung saan ako galing at kung may pamilya pa ba ako. Isang araw, nagising nalang ako sa isang ospital at ang sabi ng doktor ay nabangga daw ang sinakyan naming bus ng isang malaking truck at malaki ang pinsala. Marami ang namatay at naospital. Ang sa akin naman, tatlong buwan akong tulog habang buntis.

Malaking balita sa akin iyon dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko maalalang sumakay ako ng kahit ano at kung paano ako napunta dito sa Cebu. Ang sabi ng doktor ay pansamantalang nawala ang alala ko at malaki ang epekto ng disgrasya sa akin.

Nakalabas ako sa ospital dahil tumakas ako noong kaya ko nang kumilos. Naalala kong wala akong dala na kahit ano at alam kong wala akong pambayad sa ospital kaya't hindi ako pwedeng manatili ng matagal.

Kung saan saan ako napunta pagkalabas ko ng ospital.

Minsan ay naghahanap ng makakain sa gilid ng kalsada. Kadalasan ay sa ilalim ng tulay natutulog. Sinubukang manlimos ngunit muntikan lang magahasa.

"Kuya, baka po pwedeng makahingi ng pangkain."

Nilapitan ko ang magba-barkadang nagtatawanan sa plaza. Isang tingin lang ay alam mong mayayaman ang mga batang ito dahil sa kung paano sila manamit at mamahalin ang pagkaing hawak ng mga ito.

Nagkatinginan ang mga lalaki at ngumisi sa amin.

"'Pre, pwede na 'to. Hugasan mo nalang." sabi ng isa sabay tawanan nila ng malakas.

"Makinis, 'pre. Kunting ligo at linis lang sasarap na 'yan."

Saka ko lang naintinidihan ang pinag uusapan nila kaya't hindi ko na napigilang umalis. May ilang sumunod sa akin kaya't kahit kinakabahan ay patuloy ako sa pag takbo at lakad upang makawala sa kanila.

Kahit ilang beses nang maulanan at giniginaw, hindi ako nawalan ng pag asa dahil iniisip ko ang batang nasa sinapupunan ko.

Nakatingin ako sa langit habang hinahaplos ang batang nasa tiyan. Hindi ko alam kung paano at sino ang ama ng batang dinadala ko pagka't wala akong maalala tungkol sa nakaraan ko. Makagawa man ako ng paraan upang makauwi, hindi ko parin magagawa dahil hindi ko alam kung saan ako nakatira at kung may pamilya pa ba ako.

Ngunit may mga gabing napapanaginipan ko ang isang babae at isang batang lalaki na walang mga mukha. Sa panaginip ko ay masaya kaming nagkukulitan na para bang matagal na kaming magkasama.

May ilang beses na pilit kong inaalala ang mga ito pagkagising ay sumasakit naman ang ulo ko kaya't hindi ko na pinilit ulit.

Palaki na ang tiyan ko nang naghanap ako ng mapasukang trabaho. Kaya rin ako napunta sa mga Abalos.

Isang matanda ang tinulungan ko sa pagtawid sa kalsada ang tumulong sa akin. Isa pala siyang mayordoma dati sa mansion ng mga Abalos ngunit tumigil na siya dahil sa katandaan at gusto nalang manatili sa bahay. Siya ang nagpapasok sa akin doon nang sabihin kong naghahanap ako ng trabaho. Mabuti nalang at hindi humindi ang mga amo dahil sa pakiusap ni nanang Selma.

Hindi naging madali para sa akin ang lahat pagka't wala akong kakampi sa mansion.

May isang anak na lalaki ang mga amo namin na katulad lang din ng ama nito. Kung makatitig ay parang hinuhubaran ako.

Minsan ay sinasadya nila akong ipatawag sa kanilang opisina lalo na kapag wala ang ilaw ng tahanan. Gusto nilang ako ang magdala ng meryenda nila, kinakausap at ini-engganyong makiupo at makipag usap sa kanila ngunit hindi ako pumayag. Nagrarason na maraming trabaho kahit anong pilit nila.

Ilang beses nangyari iyon at wala na akong nagawa kundi ay hayaan iyon. Hangga't hindi nila ako hinahawakan o ginagawan ng masama, papakisamahan ko hangga't sa makakaya ko.

Hindi ko naman alam na may mas ikakalala pa pala ang mga ugali ng mga ito.

"Nasaan po ang anak ko! Ibalik niyo ang anak ko! Mga hayop kayo-"

Humihingal na napabangon ako nang magising dahil sa masamang panaginip.

Isang panaginip na hindi ko kailanman pinangarap na balik-balikan.

Bumaling ako sa anak kong mahimbing ang tulog at hinawakan ang mga kamay nito. Gusto ko lang makasigurong hindi ako nananaginip at na magkasama talaga kami ngayon.

Ayaw ko nang maulit ang nangyari noon.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala sa akin ang anak ko.

The Great WarМесто, где живут истории. Откройте их для себя