Seryoso talaga siya?

Looks like nobody knew him well, huh?

Kung ganito pala siya, ibig sabihin ay wala talagang nakakakilala sa kanya. He is not all what they say. He is not just a playboy, naughty, fight starter, a man without dreams, and a son who lacks gratitude towards his parents.

There's more to him than meets the eye.

Who would have thought he studies when everybody thinks he doesn't?

I am curious...

I found myself almost tip-toeing towards the nearby empty seat beside his table. Sa pinakadulong upuan ako naupo para hindi niya mapansin. Dahan-dahan din ang ginawa kong pag-upo para hindi makagawa ng ingay.

Halos mapabuntong hininga ako nang makaupo ng walang kahit anong nagawa na ingay! Mabuti nalang at natakpan ko ang bibig ko! I carefully placed my book on a standing position, para matakpan ang mukha ko habang nag babasa. Nag-iwan lang ako ng sapat na espasyo para sa mga mata ko.

Why am I even doing this?

Curious ako. And I know... I know... curiosity kills the cat! Pero hindi naman siguro ako mamamatay kung panonoorin ko siya mag-aral hindi ba?

So that's what I did. I continued watching him while he studies. Maya't maya ay mag babasa ako pagkatapos ay panonoorin siya ulit. Nag babasa ako tuwing may lalapit sa kanyang babae para mag bigay ng snacks. I can't help but to roll my eyes. Hindi ba nila alam na bawal kumain dito?

Halos mapuno ang one fourth ng kanyang lamesa dahil lang sa mga bigay na pagkain. May chocolates, breads, junkfoods, drinks like chuckie, yakult, even a bottle of water... may nag bigay pa ng gatorade. Anong akala nila, nakakapagod ang mag basa na kailangan niya mag gatorade, huh?!

My brows furrowed when a girl went to him again. Mabilis akong nag iwas ng tingin at naikuyom ko ang mga kamao ko na nakahawak sa libro.

Calm down, Willow. Calm down. What's the fuss okay? Wala naman. This doesn't benefit you in any way. At isa pa, remember? You are mastering the art of being nonchalant. Dapat ga'non.

According to my mom, a lady like me should be full of grace, that everything I do should be subtle and gentle.

I can do that perfectly fine! Basta wala itong lalaking 'to sa harapan ko at ang mga babae niya! Hindi ba nila nakikita na nag aaral siya?! Istorbo sila! Hmph!

I harshly grabbed my phone and chatted Avery and Ritzelle.

May sarili kaming groupchat tatlo.

I only sent an emoji.

Me: (-_-)

Agad nag reply si Avery.

Avery: Where are you Low? Nakauwi ka na? At ano iyan? Who pissed you off?

Me: :)

Avery: You're scaring me, Low. Ano ba iyan?

Akmang mag titipa pa ako nang may tumikhim sa tabi ko!

Halos mabitawan ko ang hawak kong cellphone nang makita siya roon! Nakaupo na ngayon si Gavino sa tabi ko! His body was twisted a bit to face me. Nakapangalumbaba habang mataman na nakatingin sa akin. And there was his... mischievous smile, plastered on his lips!

Napatingin ako sa lamesa niya at natagpuan na wala na rin ang mga gamit niya roon! Tsaka ko nilipat ang tingin sa lamesa ko kung saan naroroon na ang mga gamit niya! Halos manuyo ang lalamunan ko dahil sa sunod-sunod na pag dagsa ng mga emosyon at pakiramdam na hindi pamilyar sa akin.

I internally took a deep breath and exhaled, inhaled and exhaled, I did that four more times— bago ko siya hinarap ng maayos.

Inayos ko ang ekspresyon ko at pormal siyang tinignan. Maingat kong binaba ang libro na binabasa ko.

Treacherous Heart 2: Down Bad ChasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon