Pahina 1

543 39 11
                                    

Buko juice

"All right class, see you all next week." Anunsyo ng Professor namin.

It was a sunny friday afternoon, early dismissal kaya naman mabilis nagsitayuan ang mga kaklase ko para mag unahan sa pag labas ng classroom.

But me, I didn't rush and I took my time organizing my things before putting them inside my bag. Hindi dahil gusto ko mag bagal pero sadyang ganito na ako pinalaki. My mom taught me how to act like her since I was still very young.

To say it simply, I was taught to follow a very strict rules of etiquette.

Like a princess, I was taught to be prim and proper at all times, how to move with grace, have a subtle and delicate touch and to only talk with a reason.

"Nasa tusok-tusok daw sila." Ani Koa pagkalapit sa akin.

Koa is one of my childhood friends.

He was talking about the street food vendors at the back of our university.

Pinasok ko ang dalawang libro sa bag ko.

I sighed. "Alam mo naman na bawal ako 'non diba?" Malungkot kong paalala.

Napahawak siya sa kanyang buhok at ginulo pa iyon lalo. Mukha siyang bagong gising. Kinusot niya ang kanyang kanang mata habang humihikab.

Bagong gising nga ata? Ito talaga!

"Ayos lang 'yon! Libre nalang kitang buko juice?"

I pursed my lips and felt my mouth watered.

Gusto ko talaga...

Dati pa man ay gusto ko ng matikman ang palagi nilang kinakain pagkatapos ng klase. Pero... nakakahiya man aminin... kahit kailan ay hindi pa ako nakatikim dahil pinagbabawal iyon ng parents ko.

Hindi lang naman iyon, isa lang iyon sa mahabang listahan ng mga gusto kong masubukan kung hindi lang talaga ipinagbabawal ng mga magulang ko.

I know I can always lie and sneak. Pero alam kong malalaman pa rin nila. They always have their way... they always seem to find out.

"Pure ba iyon? Baka powder?" Nahihiya kong tanong.

Kumunot ang noo ni Koa bago humagalpak sa tawa!

Nag-init tuloy ang magkabilang pisngi ko at medyo binilisan ang pag liligpit sa gamit ko. Nakakahiya! Sabi na 'eh! Dapat hindi nalang ako nag tanong!

"Pure 'yon! Sa harap mo pa bibiyakin iyong buko! Tara na nga!"

Mabilis niyang hinablot ang bag ko kaya naiwan ang kamay ko sa ere. Sinubukan ko pang habulin pero tuloy-tuloy siyang lumabas kaya sinubukan kong bilisan ang lakad ko para makasunod agad.

Wala pa man ay hihingalin na ako! Ang bilis naman mag lakad nito!

"Koa!" Sigaw ko pero tinaas niya lang ang kamay sa ere at sumenyas na sumunod ako.

I pouted and shook my head.

From softly half running, I slowed down and followed my own pace of walking. Nakatuon ang mga mata ko sa likuran ni Koa para hindi ko siya mawala habang ako ay hindi nag mamadali sa likuran niya.

Nang malapit na sa labasan ng building ay napatingin ako sa one way mirror glass window ng huling kwarto ng building. Tumigil ako at inayos ang sarili ko, medyo nagulo na ang naka low bun kong buhok kaya inayos ko ang pagkakalagay ng takas na buhok sa gilid ng mukha ko.

My hair has natural soft curls at the end, kaya bahagya kong pinaikot ang takas na buhok sa kanang bahagi ng pisngi ko. My a-bit-messy hair looked very nice, the two wavy strands falling at the side also gave my face a nice frame.

Treacherous Heart 2: Down Bad ChasingWhere stories live. Discover now