CHAPTER NINE - "... I need you"

28 15 0
                                    

"Huy babae!" natauhan ako sa pagkakatulala ng bigla akong tinawag ni Renz. Ang editor ko. Nagkita kami sa coffee shop. Pinaguusapan namin ang libro ko. "B-Bakit?" tanong ko. Malalim siyang nagbuntong hininga bago hinigop ang macha coffee niya.

"Ang sabi ko bumababa na ang engagement mo sa mga readers mo. Marami ng nagrereklamo na ang tagal mo mag-update, tapos yung ina-update mo pa kahapon maghahiatus ka?!" Seryoso niyang sabi sakin. Malalim akong nagbuntong hininga. Ilang weeks na ang lumipas.

Hindi parin gumigising si Deveraux. Hindi naman ako makapunta ng ospital dahil kundi si Tita Hansel---Si Eleonor ang nagbabantay. "At alam mo ba nadami ang haters mo kesyo daw---" sabi pa niya pero nagsalita ako na ikinaputol niya. "Pwede ba akong magpahinga?" tanong ko. "Anong pahinga? Nagamit mo na lahat ng rest day this month ah--" "Kailangan kong ipahinga ang utak ko" pilit na ngiti ko sa kaniya.

Mukhang nabasa naman niya ang ekspresyon ko. Tinanggal niya ang straw sa bibig niya bago nagbuntong hininga. "Sige sige ako na ang magpapaliwanag sa manager, basta siguraduhin mong babalik ka agad sa pagsusulat ha?" malamya akong tumango. "Nga pala" itinaas ko ang tingin sa kaniya.

"Nabalitaan ko ang nangyari" sabi niya habang sinasakbit ang bag niya. "Wag ka mag-alala, magigising rin yun. " ngiti niya sakin. Tumango ako. Na-balita na world-wide ang nangyari kay Deveraux. Alam ni Renz ang namamagitan samin dahil saksi siya nung college pa kami.

***

Pagdating ko sa bahay... hindi ko na naman naabutan si Niklaus.

Ilang weeks na ang nakalipas simula ng makausap ko siya. Hindi ko alam kung bakit pero may pakiramdam ako na iniiwasan niya ako. Kahit kasi nasa iisang bahay kami, parang magkaiba ang time space namin. Tuwing gising ako lagi siyang nasa trabaho tapos tuwing nakakatulog na ako tsaka siya dumadating. Pano ko napansin? Lagi akong nag-iiwan ng lutong pangdinner bago matulog tapos paggising ko kinabukasan may bawas na.

Malalim akong nagbuntong hininga bago tinanggal ang aking sapatos tsaka pumasok sa loob ng bahay. Pupunta sana ako sa kwarto ko ng mapansin na bukas ang ilaw sa sala. "Klaus?" tawag ko ng makita siyang nakahiga sa mahabang couch.

Pinanood ko siya, mukhang bata. Ang himbing ng tulog habang baluktot ang sarili. Habang siya'y pinapanood, hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang kahanga-hangang pisikal na anyo.

"Klaus" tawag ko muli. Alas tres na ng hapon, nakakapagtaka na maaga siyang nakauwi. "Hmm?" mahinang ungol niya habang dahan dahan nagmumulat ng mga mata. "K-Kumain ka na?" utal ko.

Iniling niya ang ulo niya bago ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Wait ipagluluto kina" Mahinang sabi ko bago astang tatayo pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "No need. Magpahinga ka na" Mahina ngunit malalim ang kaniyang boses. Napatingin ako sa kamay niya, sobrang init ng haplos niya sakin. Kaagad kong inilagay ang palad ko sa noo niya. Sobrang init.

"May lagnat ka" ngiwi ko, sobrang init niya. Para ngang nakakapaso pa. Kumuha ako ng thermometer bago inilagay sa bibig niya. Ang taas! Agad akong napatayo. "Teka teka... Ano nga gagawin---Maligamgam na tubig!" bulong ko sa sarili ko bago patakbong naglakad sa kusina.

Naglagay ako ng maligamgam na tubig sa maliit na planggana bago kumuha ng malinis na puting tuwalya. Muling naglakad ako papunta sa kusina, dala ang mga gamit na kakailanganin.

"Klaus, kailangan mong tumayo," sabi ko habang ako'y umuupo sa gilid ng kaniyang pinaghihigaan. Piniga ko ang maligamgam na tubig mula sa planggana bago ko siya muli tiningnan. Ikinunot lang niya ang kanyang noo.

"Klaus," yugyog ko ng marahan sa kanyang balikat subalit tinalikuran niya lang ako. Malalim akong nagbuntong-hininga.

Pilit kong iniharap siya subalit nanatili siyang tulog. Dinampian ko ng maligamgam na tubig ang kanyang noo bago sa kanyang leeg. Habang nagpupunas, napatingin ako sa kanyang dibdib. Agad akong napalunok, dahan-dahang tinanggal ang batones ng kanyang puting long sleeve. Pagkatanggal ko sa kanyang damit, hindi ko maiwasang humanga sa kanyang katawan, ripped body na may 8 pack abs. Sa busy niya sa trabaho pano kaya niya naisingit ang pag gygym?

Agad akong tumayo matapos siyang bihisan. Hinigit ko ang button sa gilid ng long couch bago dahan-dahang itinulak para gawing kama, ngunit medyo nahirapan kaya't pinwersa ko ito. *Tugg!* Nang maibaba ko ang sandalan, ganon na lang ang aking gulat ng mapasama ako at hindi sinasadyang napahiga sa dibdib ni Klaus. Rinig ko ang kaniyang mahinang pag-ungol na parang nasaktan. Unti unti siyang nagmulat. "S-Sorry!" astang tatayo ako pero nagkamali ang pagbalanse ko kaya nahulog na naman ako.

Nanlaki ang aking mga mata sa sunod na nangyari. Nagtama ang aming mga labi. HINDI KO SINASADYA. Kita ko ang pamimilog ng kaniyang mga mata animo'y natanggal ang antok.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima...

Limang segundo pero hindi parin ako makakibo! Natauhan lang ako ng dahan dahan siyang naglayo habang nakatitig parin saking mga mata. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa... Tuluyan niya na akong hinalikan! Agad akong natauhan. Sa sobrang bigla natadyakan ko yung alaga niya!

"Ugh.." mahina niyang daing habang hindi magkaintindihan kung saan babaling. "K-Kasalanan mo!" Pagtataray ko ng nilingon niya ako ng masama habang nakahiga parin. "Paano?" may bahid na inis ang kaniyang tono. "H-Hinalikan mo ko!" Napaltan ng ngisi ang labi niya. "No. Hinalikan mo ko." Kinagat niya ang kaniyang labi bago ginawa yung triangle method sakin.

Una niyang tiningnan ang kanang mata ko bago ibinaba ang tingin sa labi ko tapos itinaas naman ang tingin sa isa ko pang mata---Tsk. Playboy! "Hindi ko intensyon yon"

Ngumisi siya.

Uminit ang ulo ko dahil naiinis ako na ang gwapo niya.

Talaga bang may lagnat 'to? Muli kong inilagay ang likod ng palad ko sa kaniyang noo. Humupa ng kaunti ang init sa kaniyang noo pero mataas parin. Kumunot ang noo ko ng kinuha niya ang kamay ko sa kaniyang noo bago inilagay sa kaniyang pisnge at inihimas doon na parang kuting. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinuklian niya kang ako ng matamis na ngiti. Ang landi talaga ng lalaking 'to.

*Phone ringing*

Natanggal ang tingin ko kay Niklaus nang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong binuksan bago tiningnan ang caller. "Oh?" sagot ko. "Sis... gising na si Raux!" puno ng galak na sigaw ni Eleanor. Nanlaki ang mga mata ko bago natuwa rin. "Sige sigee! Paparan ako!" galak kong sabi bago i-end ang call.

Astang ako'y tatayo na ng--- "I don't think you should go," agad akong napatingin kay Klaus. Napataas ang kilay ko. "At bakit?" aking tanong habang binubulsa ang cellphone.

"I'm sick. I need you," sabi niya ng mahina, puno ng lungkot at pagaalinlangan.

Tiningnan ko ang kaniyang mga mata. Agad akong napalunok. Pilit akong ngumiti. "Bumaba na ang lagnat mo. Uminom ka na lang ng gamot. Wala na yan kinabukasan," saad ko bago naglakad papaalis. Rinig ko ang kaniyang malalim na pagbuntong-hininga.

Tumaas ako ng hagdan para makapagbihis, nilingon ko muna ang direksyon niya. Nagtaklob siya ng kumot. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng guilt. Iniling ko ang ulo ko bago itinuloy ang aking balak.

WRITER'S PENWhere stories live. Discover now