PROLOGUE - "Finding yourself drawn to someone you can't have "

87 20 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.



Sabi nila, ang karma ng mga babaero ay ma-inlove sa babaeng may mahal ng ibang tao. Hindi ko inakalang totoo. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Namumutla na ang kaniyang mga pisnge dahil sa tagal ng nakabilad sa ulan, namumugto na rin ang kaniyang mga mata. I know he's  genuine pero hindi ko siya magawang suklian ang kaniyang pagmamahal.

Nababahala, kinakabahan, at nag-aalinlangan, yun ang mga emosyon na nababasa ko sa kaniyang mata.

"Mahirap ba ko mahalin?" garalgal ang kaniyang boses, nangingig din ang labi niya. Nakakapanghina siyang tingnan. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang kamay, malamig at nanginginig.

Gulong gulo na ang utak ko. Ang isang babaerong kagaya niya---kayang magmahal ng kagaya ko? Paano nangyari yun? Napakahirap paniwalaan..... pero tuwing nakikita ko ang kilos at ekspresyon niya, hindi ko magawang itanggi.

"You should go home" mahina na boses kong sabi. Umiiling siya bago parang batang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "W-Wife, mahirap ba?" parang nadurog ang puso ko ng muli kong narinig ang kaniyang boses... Basag at puno ng sakit.

Hindi ko siya magawang tiningnan. "Hindi mahirap, hindi kita kayang mahalin. Alam mo yan" nag-iwas ako ng tingin ng makitang nasaktan ang kaniyang mga mata.

"It's him parin??" kaniyang tanong ng papiyok, hindi ko siyang magawang masagot. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa magkabila kong braso. "Pero hindi kana niya mahal..." mahina niyang usal pero sapat na para isampal sakin. Nanlabo ang aking mga mata. "Hindi, mahal niya ako. Nalimutan niya lang" sabi ko habang pinipilit siyang tingnan ng daretso.

Tatanggalin ko sana ang kamay niya ng may mga kataga siyang binitawan. "Fck! Bakit mo pa pinagpipilitan? May mahal siyang iba!" kaniyang pagsigaw, sunod sunod ang luhang pumatak sa mata ko. Nadudurog ako sa katotohanan na tama siya pero mas nadurog ako na nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.

Mapait akong ngumiti.

"Ikaw rin naman ah. Bakit mo parin pinagpipilitan ang sarili mo sakin kung alam mong may mahal na'kong iba?" Nagparamdam ang kidlat, nagliwanag at nagbigay repleksyon sa kanyang mukha. Sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Lubos siyang nasaktan.

Tngina. Bakit kasi ako pa?

WRITER'S PENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon