One Monstrous Moment

2 0 0
                                    

Habang papalapit sila sa pader ay nakita ng tatlong magkakaibigan ang mga military guard na nasa rooftop ng isang maliit na gusali at binabantayan Ang pader, habang ang magkakaibigan ay dahan-dahan sa kanilang mga kilos papalapit sa paanan ng pader.

Eren: protektado ang pader, ang tao hindi. Tara

Armin: Mikasa dahan-dahan lang

Eren: andito na tayo

Napa titig ang tatlo sa itaas habang sila ay namamangha sa laki ng pader sa kanilang harapan.

Mikasa: wow...

Armin: grabe, ang laki pala ng mga pader sa malapitan

Eren: Tara, umakyat na tayo

Mikasa: teka lang Eren... wag muna ngayon

Eren: eh kelan pa?

Armin: Eren pag umakyat tayo ngayon siguradong mababaril tayo

Armin: At tsaka sabi nila, sa likod nito ay punong-puno ng mga Titan

Armin: Sila lang yung nabuhay matapos atakihin ng mga Titan ang kanilang syudad sa labas

Eren: tsk... Naniniwala ka naman?

Armin: ano...

Eren: mahigit isan daang taon na silang hindi nakikita

Eren: ngunit heto parin tayo ngayun, namumuhay na may takot sa kanila

Eren: nakakasawa ng matakot...

Eren: baka naman imbis na mga Titan yung nasa likod ng mga pader nato, Paraiso pala (giggles)

Nung paakyat na sana sila ng pader, ay bigla silang nahuli ng mga military guards at sinunggaban.

At habang nakikipagsuntukan si Eren sa mga military guards ay dumating naman si Hanns na assistant noon ni Dr. Grisha (ama ni Eren), at ngayon ay hepe na ng gwardya militar.

Hannes: Tama na yan!

Armin: tandang Hannes...

Eren: Hannes...

(Pinaalis din ni Hanns ang mga kapwa nya gwardya militar).

Hannes: Hindi ka parin nagbabago bata

Hannes: ano yun? Pakitang gilas?

Eren: mali yung iniisip nyu

Hannes: hahaha... Alam ko yun.

Hannes: sinubukan ko din noon na umakyat sa pader... Kasama ko nun ang mama mo

Hannes: kaso napaibig sya ng iyong ama hahahaha

Eren: mali kayo, hindi ako nagyayabang!

Eren: nakaka asar na kasi toh

Hanns: kahit paraiso magiging isang kulungan... kung pupunahin mo, ang pader na yan...

Hanns: nga pala Eren, wag mo tong pagsasabi sa iba.

Hanns: may plano kaming magmatyag.

Armin: Anong magmatyag? Ibig sabihin ho lalabas kayo nang pader?

Eren: (giggles) kasinungalingan, di naman yan matutuloy

Hannes: Matutuloy

Hannes: ayon sa konseho, papayagan na nila

Hannes: dahil hindi na masaya ang karamihan

Eren: talaga bang lalabas kayo?

Hannes: bubuo kami ng isang grupo, Eren sumama ka

Hannes: sa harap ng isang bagong lupain, malaya na tayong mabubuhay

Payapang nag-uusap ang apat nang biglang may pagmabog na nanggaling sa labas ng pader.

Armin: ano yun?

Eren: Ewan ko

Hannes: Mukhang nanggaling yun sa labas ng pader

Ilang segundo ay biglang lumitaw ang isang dambuhalang titan na mas mataas pa sa pader (Colossal Titan) at sinusubukan nitong butasin ang pader.

Eren: napakalaki nya...

Mikasa: mas malaki pa sya sa pader...

Hannes: Hindi maaari...

Armin: Akala koba ligtas na tayo?

(Colossal Titan roaring)

Hannes: Hali kayo tumakbo na tayo malapit nang mabutas ang pader

Nung naka layo na sila mula sa pader ay nabutas ito at nagsi-liparan ang mga parteng bato nito sa bayan na parang umuulang mga bulalakaw at nagdulot ng malaking damage.

Habang sina Eren naman at mga kaibigan nya ay nahiwalay kay Hanns at humanap ng mapagtaguan para hindi matamaan ng mga nagliliparang mga bato

At nung nasigurado ng Colossal Titan na butas na ang pader ay agad din itong naglaho sa sariling nitong maitim na ulap

To be continued...

March of the Titans Where stories live. Discover now