Prologue

7 0 0
                                    

Mission

Khely pov

  Buzzzz, buzzzz, tunog ng cellphone ang nagpagising sakin kaya dali dali ko itong kinuha at sinagot.
 
"Hello"saad ko
"Anak pumunta kayo sa underground arena dahil may importante tayong pag uusapan"Saad ni daddy
"Ok dad tawagan ko lang sila"sabi ko at pinatay ang tawag.Nag text ako kay meako na papuntahin ang iba pa naming kaibigan sa underground arena at magikita kami sa parking lot mamayang 4 ng hapon.



Parking lot 4 pm

Nakarating nako sa arena at nakita kung  kumpleto na kami kaya pinuntahan ko na
Sila.
"Queen"tawag nila sakin at nilapitan ako.
"Naka maskara ba kayo bago pumunta dito?"tanong ko dahil wlang sinuman ang nakakakilala sa amin maliban kay daddy.
"Yes queen wag kang ma aalala safe tayo"Ani ni Emerald Butterfly.Tinanguan ko lang ito at nag lakad na papasok.Nasa pintuan na kami ng harangin kami ng mga tauhan.
"Membership card" sabi ng nasa kaliwa
"Kilala niyo ba kami at siya" turo ni Apollo Butterfly sa kanila at sakin.Lumingo lingo naman ang guwardiya kaya muntik na itong suntukin ni Birdwing Butterfly mabuti nalng at napigilan ko ito.
"Enough" sabi ko sa malalim na boses
"Bago ba kayo rito"tanong ko dahil lahat ng guwardiya dito ay kilala kami lalo na ako.
"Opo ma'am"Sagot ng nasa kanang
Tumango nalang ako at binigay ang membership card ko, ng makita ito ng guwardiya ay nagulat ito at biglang yumuko"Pasensya na po di po naming alam" sabi ng dalawa habang nakayuko
"Ayos lang bagohan pa naman kayo rito"Ani ko at nag lakad na papasok.

Ng makarating kami sa meeting room ay nandoon lahat ng elders at  mga matataas rango na mafia.Ng makita nila kami ay tumayo silang lahat."Butterfly Goddesses welcome"aniya ng isa sa mga elders kaya yumuko ako bilang pag galang at umupo na, sumunod naman si na apollo, emerald, birdwing, monarch.

"Hmm simulang na natin" sabi ni dad at tumayo sa unahan. "Base sa report na nakuha ko may gustong mag pabagsak ng Santillian High at napag alaman rin na may traydor na nakapasok kaya kaylangan natin mag ingat at kaylangan natin ng mga tao na hindi kilala ng kalaban para mag manman sa paaralan dahil mataas na rango ang traydor."saad ni dad
"Kaya ang gagawin niyo Butterfly Goddesses ay pumasok sa Santillian High dahil walang sinuman ang nakakakilala sa inyo kundi kayo lamang ako na ang mag hahanda ng mga papeles niyo at pekeng pangalan."pagpapatuloy ni daddy. " Kayo ng bahala kung paano kayo mag papanggap blue morpho dahil kailangan ninyo na linlangin ang kalaban."

Tapos na ang Meeting kaya naman dumeritso kami sa hide out namin
"Hmm anong gagawin natin blue morpho nandoon ang mga kuya natin hindi kaya makahalata sila pag pumasok tayo doon kasabay ng pagpasok ng Butterfly Goddesses at kapag nakita nila na marunong tayong makipag laban?" Saad ni monarch.Kilala kasi kaming magkakaibigan bilang mahihina o wlang alam sa mga mafia na gawain dahil nag aaral kami sa normal na paaralan.

"Na isip ko rin yan kaya ang gagawin natin ay pupunta tayo roon at mag papanggap na mahihina."Saad ko. "Ehh ano ang gagawin natin pag nakapasok na tayo mag papanggap lang ba tayong mahihina sa pag kakaalam ko pag mahina ka ikaw ang pinaka mababa sa ranking eh ang may access lang sa paaralan ay ang top 7 na gangs"Saad naman ni birdwing.
"Edi kaylangan nating makapasok sa top 7?"Tanong naman ni emerald
"Hmm pag pasok natin sa paaralan ay ipapakita muna nating wlang tayong alam sa pakikipaglaban at ipapakita natin na nag eensayo tayo para wlang kahina hinala sa mga gagawin natin." Saad ko naman.
"Kaya gagawa Tayo ng dalawang grupo Butterfly Goddesses at...... .....Blue......Moon.. tama Blue Moon Gang."Saad ko at ngumiti.
"Tama si Blue Morpho pag dalawa ang grupo natin hindi sila maghihinala dahil magiging mahina tayo sa Blue Moon." pag sang ayon naman ni Apollo
"Then let the game begin"nakangiting saad ni emerald.













































You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Masked MafiosaWhere stories live. Discover now