Chapter 01

2 1 0
                                    


"Malayo ba 'yon, pa?"

"Mga 30 minutes" Sagot sa'kin ni papa.

Tumango na lang ako kahit 'di niya rin naman makikita kase nasa likod ako ng driver's seat nakaupo. I plugged my AirPods in my ears kase masyadong tahimik yung loob ng kotse. Bwiset ang layo pa pala, sana hindi ako mahilo.

Nakaupo si mama, katabi si papa na nagd-drive. Nasa left side akong nakaupo sa passenger's seat. Katabi ko si Hendery na nakaupo sa gitna naming dalawa ni Ate Harriet, bunso siya kaya sa gitna siya hahaha. Eme eme lang namin ni ate yon, gusto lang talaga namin sa gilid ng bintana.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at pumikit, nakakaduling tignan yung kalsada dahil sa bilis ng takbo ng kotse. Baka mahilo pa ako nito. Nilakasan ko yung volume ng music para ma-distract ako.

When Emma falls in love, it's all on her face

Hangs in the air like stars in outer space

When Emma falls in love, she disappears

And we all just laugh after seeing it all these years

When Emma falls apart, it's when she's alone

She takes on the pain and bears it on her own

'Cause when Emma falls in love, she's in it for keep

She won't walk away unless she knows she absolutely has to leave..

And she's the kinda book—

'Ding!'

Kung saan-saan na napupunta yung isip ko nang bigla akong gulatin ng bwisit na notification. Biglaan tuloy akong napamuklat ng mata.

I sighed and muted my phone. Nakalimutan kong i-mute yung phone ko, ang sakit tuloy ng tenga ko.

The screen flashed and I saw a notification from Messenger.

shaboo🫦 sent a message.

Ano nanaman kaya ang chika ng mhiema kong 'to.

shaboo🫦
Forda init sa Batangas

I reacted "🫂" to her message.

30 mins biyahe papuntang tagaytay atm

"shaboo🫦 reacted 😔 to your message."

Nagdaldalan lang kami buong biyahe so 'di ko namalayan na nandyan na pala kami. Grabe talaga kung magsama yung dalawang chismosa eh.

Dumaan kami kanina sa isang drivethru for the drinks pero hindi na yung solid foods kasi may dala na kami. Nagluto sila mama at papa ng mga pagkain, which they always do. Cooking and baking is their hobby. Same as mine.

Hindi ko sinabi kay Sasha yung panaginip ko, hindi naman kailangan. It's just a dream. It's not real. Even if it felt like it was.

But I can't deny the fact that it's been bugging me this whole time. I feel like.. I don't even know what I feel. That dream just doesn't sit right with me.

Or maybe I'm just not ready for that to actually happen. I'm not prepared to see him. To hear his voice and know what he's been up to lately. Did he change? Is he still the same person that I know?

Stop.

I hate him.

Yes Hazel, you hate him.

"Huy! Ano na teh, 'di ka uupo?" Natauhan lang ako dahil kay ate. Tangina ano bang meron sa'kin ngayon. Dahil lang sa isang bullshit na panaginip?!??

No! I'm not affected by that dream at all! Lutang lang ako ngayon kasi naistorbo yung beauty sleep ko. Well, I guess it's a good thing na nagising ako from that dream.

Umupo ako sa tabi ni ate, sa pinakadulo ng long bench na gawa sa kahoy. We're at a hut right now na nirentahan ni papa. The price is ₱350, not bad... i guess, pero mas maganda kung pinang-online shop ko na lang 'yon.

Inayos namin yung mga pagkain isa-isa sa table at nag-picture para i-post nila mama sa Facebook accounts nila. Basta ako, gusto ko nang kumain.

Nagkuwentuhan lang kaming lima habang kumakain. Maraming chismis na nalabas pero mas maraming tawa akong narinig. I'm going to cherish these kind of moments habang hindi pa ako tumatanda ng husto. Habang nandito pa sila. While I still have the privilege to have a moment like this with my family.

We're not a perfect family but we love and care for each other. Kahit hindi pinapakita masyado, dama ko naman. Galitin man ako o saktan, I'd still love them at the end of the day.

"Wala bang C.R. dito?" Tanong ko kay ate pagkatapos ubusin ang pagkain sa pinggan ko. "Ewan," lumingon-lingon siya para maghanap.

"Hanap tayo," I suggested at sabay kaming tumango. Mapapa-gala kami nito so na-excite kaming dalawa.

Tumayo kami ni ate at nagpaalam kila mama. "Pogi hunt tayo beh," sabi ko at pareho kaming tumawa.

"Tara" Magkapatid kami for a reason.

"Pogi hunting talaga ang pinunta sa Tagaytay" I said while laughing. "Worth it dapat pagpunta na'tin dito"

"HUY" sabay naming sabi at humalakhak nang parang mga baliw.

Puro lang kami tawa hanggang sa nakahanap kami ng isang restroom na may ₱5 fee. Buti na lang at dala ko yung wallet ko kaya nakapasok kami.

"Tangina pati ba naman pag-CR may bayad. Yoko na balakayojan" reklamo ko nung saktong medyo malayo-layo na kami sa C.R.

"True, pang-ice candy ko na yon eh" Anya.

"TRUE" Pagsang-ayon ko habang tumatawa.

Niligpit namin yung mga nasa table nung pagdating namin at nilagay ulit sa likod ng kotse yung mga 'yon. Gumala-gala kaming lima sa lugar at bumili rin ng souvenirs. Ang gaganda kasi handmade kaya nagpanggap akong walang dalang pera para malibre ni papa MWAHAHAHAHAHAHAHAHHAH.

Dumaan pa kami sa mall nung pauwi na kasi magg-grocery daw si mama kaya sumama rin kami ni ate. Syempre pa-simple rin akong naghuhulog ng mga pagkain na gusto kong bilhin sa cart kaya pinagalitan ako ni mama nung nasa cash register na kami. In the end, binayaran niya pa rin hehe, para-paraan ni Hazel.

Nasa bahay na kami ngayon, sa wakas. Grabe talaga yung pagka-drain ng energy ko kapag gumagala. Okay naman kapag nasa gala ako at the moment pero parang ubos na yung battery ng katawan ko pag-uwi ko.

Kinukuha ko ngayon yung mga pagkain na "libre" ni mama sa'kin. Hindi naman marami yung nilagay ko, papapakin ko lang 'to mamayang madaling araw kasi manonood ako ng K-drama sa kwarto. Shet! Nakaka-excite!!

"Haze, yung 100 ko?" Tanong sakin ni ate. Pinalagay niya kasi kanina sa wallet ko yung sukli niya sa milktea kanina kasi walang mas kin isang bulsa yung suot niyang damit ngayon.

"Wait," Habang kinukuha ko yung wallet ko sa bulsa ko nang marealize kong..






WALA SA BULSA KO YUNG WALLET!

Naglaki yung mata ko at kinabahan kasi IMPOSIBLE NAMANG MAWALA 'YON NOH.

"Oh ano? 'Wag mo sabihing nawala mo teh" hirit niya pa.

Pakapa-kapa ako sa lahat ng bulsa sa pantalon ko pero wala talaga! Mabilis kong kinuha ang white sling bag ko na pinatong ko kanina sa sofa nung pag-uwi namin.

Hinanap ko yung fucking wallet sa halos lahat ng bulsa ng bag ko pero wala naman! Wala sa bulsa ko, wala sa wallet ko!

.
.
.

YUNG PERA KO!!!!!!

"Oh my fucking.."

"What the fuck." Sabi ni ate nang ma-realize na totoo ngang... baka nawala yung wallet ko.



Song:
When Emma Falls in Love (Taylor's Version)
by Taylor Swift

💋

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Say Don't GoWhere stories live. Discover now