Prologue

6 3 0
                                    

"NANDITO SIYA!!"

Hingal na hingal si Sasha nang pumasok sa kwarto pagkatapos buksan nang napakalakas yung pinto nito.

"Tanginang yan, sige sirain mo yung pinto" Nasira yung mood bwiset. Nanonood ako ng movie sa laptop tapos biglang susulpot si boang. Sumigaw pa nga.

"Ano bang meron?" Kunot-noo kong tinanong sa kanya kasi nakatayo lang siya sa gilid ng kama ko nang parang hinihintay akong umimik sa sinabi niya kanina.

"Sis... He's back!", sagot niya sakin.

"Pinagsasabi mo" I asked, but it didn't sound like a question dahil sa tono ko.

"I mean he's not back..."

"HE CAME BACK! I just know girl. Binalikan ka non, sinasabi ko sayo." Tinuro-turo niya pa ako na parang confident siya na tama siya.

Hindi niya pa rin ine-elaborate sa'kin kung ano talagang nangyari pero may hula na ako. I mean, hula pa ba yung tawag don? Sa unang sinabi niya pa lang nung pumasok siya sa kwarto ko, may inisip na agad akong tao.

Maybe.. probably, hoping na siya yung tinutukoy ng kaibigan ko.

"Girl.." Napansin siguro ni Sasha na medyo na-lutang akong nakatulala lang sa kanya. Parang walang laman na kaluluwa yung katawan ko pero nandyan din ako at the same time. Ewan ko ba, siguro kinakabahan lang ako na medyo umaasa na medyo...

"So?" Saad ko nang natauhan. Kailangan kong magmukhang unbothered. Tapos na lahat 'yon huy.

Dahan-dahang umupo si Sasha sa gilid ng kama ko, nanahimik ng saglit. "Sinabi ni Noah.. nagkita raw sila sa Mall kanina."

I rolled my eyes at binalik ang tingin sa laptop, "Paki ko."

That was a lie.

I do care.

And the thought na hindi niya na siguro ako maalala or makikilala.. hurts.

But ine-expect ko na rin naman, it's not like I was someone special in his life. Even though I sometimes wonder, kahit isang segundo lang.. yeah no. He'd probably just laugh if I ask him that question.

"Ulol" aniya kaya tinignan ko siya ng masama. "Pero sige, basta sabihan mo lang ako kung may something going on sa isip mo ha" dagdag niya.

I smiled at her and then medyo tumawa. "Ay! Ang ganda ng movie na 'to sis!" Pag-iba ko ng topic, for some reason kasi parang bumigat yung pakiramdam ko.

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at sumulpot si ate.

"Bitch, gumising ka na."

Huh?

"Hoy"

"HOY"

Inis kong binuksan ang mga mata ko dahil sa ingay. Bwiset, kitang natutulog yung tao eh.

"Ano?" Sabay talukbong ng kumot sa ulo ko. INAANTOK PA'KO EH!

"Bumangon ka na raw jan sabi ni mama. Aalis tayo,"

"Huh?" I removed the heavy blanket from my head and turned to my ate with a confused look.

"Punta raw us sa Picnic Grove."

Say Don't GoWhere stories live. Discover now