"Tumaas ang blood pressure niya kanina."

"Tay naman, wag kang masyadong magpaka-stress. At bawas-bawasan mo na ho ang pagiging workaholic mo," sabi ko.

"Walang kinalaman ang trabaho ko sa nangyari sa akin," sabi ni Tatay.

"Pero nay, wala namang highblood si Tatay, di ba?" tanong ko saka nilingon si Nanay.

"Nagkaroon na!" sagot ni Tatay na salubong ang kilay.

"One hundred sixty over one hundred (160/100mmhg) kanina nang dumating kami dito tapos nag 130/90 at last na kuha, 130/80mmhg na. Kaya siya nilagyan niyang 24 hours BP and ECG monitoring."

"Bakit ka ba na-highblood? May nakausap ho ba kayo na nagpa-highblood sa 'yo?" tanong ko.

"Wag mo nang itanong!" sagot ni Tatay. "Please lang, I'm fine kaya wag kayong mag-alala."

"Nay? Sino ang huling nakausap ni Tatay? Or may balita ba siyang narinig na ikinataas ng Bp niya?" usisa ko.

"Please, Kaitlyn. I'm fine. Okay na ako. Ang init lang ng panahon kaya tumaas ang BP ko."

"Oo nga, anak. Ang init lang kaya inom ako nang inom ng tubig," segunda ni Nanay.

Kung sabagay, malakas naman ang loob ni Tatay. Hindi nga siya na highblood noong na-anunsyo siya ng bankruptcy at iniwan ng malaking investors niya, ngayon pa kaya? Ang init lang talaga ngayon sa Pinas.

"Magpahinga ka lang po at wag magpaka-stress at magpuyat," payo ko. "Baka naipon na ang pagod at puyat mo. Wag mo na hong intindihin ang company. Alam ko pong makakabangon tayo. Isa pa, kaya ko naman hong buhayin ang sarili ko. Ako ho ang bahala sa kapatid ko. Aalagaan ko ho kayo. Kung maghirap man tayo, okay lang po basta magkasama at buo tayong pamilya. In time, makakabangon din ho tayong magpamilya."

Maghapon akong nasa hospital pero nang sabihin ng doktor na okay naman ang lab result niya at stable na ang vital signs lalo na ang BP ay umuwi na ako.

"Sabi ni Rose Ann, na-hospital daw ang tatay mo," bungad ni Orange.

"Oo pero okay na rin naman na siya. Baka i-discharge na siya bukas."

"Thanks God. Akala ko malala na kaya balak ko sanang bisitahin," sabi niya.

"Para ano?"

"Syempre nag-aalala na ako, ano. Second father ko na siya kaya dapat lang na magpakita ako ng suporta. Ano pala ang nangyari sa kanya?"

"Na-highblood daw."

"Ay, baka sa weather," aniya.

"Baka nga. Pero ang sabi ni dok, stressed din ang reason."

"Ha? Stressed sya?" tanong niya.

"Malamang! Na-bankrupt lang naman kami," nakasimangot na sabi ko.

"I'm still here na hindi kayo iiwan," sabi nito.

"Mataas ang offer sa kabila," sabi ko. For sure ino-offeran siya nina Steffi.

"I don't care kung mataas ang offer nila. Mas mahalaga ang pamilya," sabi nito.

"Tsk! Pamilya," ulit ko.

"Why? Pamilya naman na tayo e. Ang parents mo ay parents ko na rin."

Hindi na ako umimik.

"By the way, wag ka nang umuwi ngayon wala naman ang parents mo sa bahay," sabi niya dahil Sabado bukas.

"Ikaw? Uuwi ka ba?"

"Yes pero sa bahay lang ni Lolo Black dahil sina Nanay ang luluwas bukas," sagot niya. "Sama ka sa bahay?"

"Para ano?"

In A Secret Relationship?Where stories live. Discover now