Kabanata 11: Limitation

6 0 0
                                    

Franco's POV


Hindi natapos ang pinag-uusapan namin nang biglaang parang praning na tumayo si Azrael at kunot noong pinakinggan ang paligid at naglaho matapos ipitik ang daliri.

"Hanep, pitik pitik lang", sabi ko at maka-ilang beses na sinubukan din pumitik pero walang nangyari.

"Bwisit, nababaliw na yata tuloy ako.", iling ko sa sarili at ipinagpatuloy na lang ang naudlot na mga gawain.

***

Alas dos ng madaling araw nang makatanggap ako ng tawag mula sa unregistered number. Nang sagutin ko ang tawag ay agad din akong napangiti sa boses ng nasa kabilang linya.

"Franco?", sa natural na malambing niyang boses.

"Vivian, napatawag ka?", agad akong napaupo sa kama at naisandal ang ulo sa headboard.

"Franco, kasi—", may kaluskos akong narinig at biglaang naputol ang linya.

"Vivian?", tawag ko kahit nadidinig ko na ang sunod-sunod na pagbeep.

Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi na ma-contact ang phone niya. "Anong problema ng babaeng 'yon?", pagtataka ko at tinitigan pang muli ang screen ng cellphone.

Isang beses ko pang ni-ring, pero wala talaga. Bumangon nalang ako at bumaba ng hagdan para uminom ng tubig sa kusina. Naabutan kong papasok ng bahay si Azrael, at mukhang tangang sumalampak sa sofa. Inilingan ko nalang siya at nagtuloy sa pagkuha ng maiinom.

Kamuntik kong mabitawan ang pitsel nang malingunan ko siyang nakaupo na sa stool at may hawak na libro. Inayos pa niya ang salamin na suot. Tinignan ko ang hawak niyang libro, "

"Hindi ka ba natutulog?", tanong ko.

"Oras-oras, minu-minuto, bawat segundo may namamatay, may pagkakataon pa ba ako para matulog?", sagot niya at inilipat ang pahina ng libro sabay simsim sa kapeng hindi ko alam kung kailan napunta sa lamesa.

"Ikaw lang ba ang may ganiyang gawain?", pagtatanong ko. Umiling lang siya.

"'Yon naman pala, edi matulog ka.", sabi ko.

"Hindi ako nakakaramdam ng antok.", aniya.

"Sige, tulog ka nalang sa guest room kapag inantok ka na.", ibinagsak niya ang libro at inalis ang salamin sa mga mata.

"Hindi ako inaantok. Walang ganon sa amin.", hinahabaan ang pasensyang ani nito.

"Oh, kung ganon alam ko na ngayon ang sagot sa sikat na kantang Natutulog Ba Ang Diyos.", sabi ko at napahagalpak sa tawa.

"Lumayas ka nga sa harap ko bago pa kita permanenteng patulugin", aniya kaya mabilis ko siyang nilampasan. Mahirap na.

***
Pag-alis ko ng bahay para pumasok sa trabaho ay wala na naman ang anghel ng kalye. Laging nasa layasan.

Walang kakaibang nangyari ngayong araw, tahimik ang presinto. Pero nang malapit na ako mag out sa duty ay naisipan kong bisitahin si Palaez. Naroon siya sa selda, mag-isa pa rin, pero para ng baliw.

"Palaez", pagtawag ko sa kaniya. Mabilis siyang tumakbo at ibinangga ang sarili sa bakal rehas. "Ilabas niyo ko rito! Ilabas niyo ako! Hindi ko na kaya! Patayin niyo na ako!", aniya at hinampas ulit ang katawan sa bakal.

Dinaluhan siya ng mga kasamahan ko para patigilin. Subalit umiyak lang siya nang mas umiyak. At nang makakuha ng tiyempo ay hiniklat ang susi mula sa baywang ng isa at agad na itinapat sa kaniyang leeg.

"Amelia, 'wag. Akin na ang susi, ilahad mo sa'kin, sige na.", ani ko subalit mabilis niyang madiin na nilaslas ang matulis na parte niyon sa kaniyang pala-pulsuhan.

Mabilis kong inagaw sa kaniya ang susi at dinaluhan siya. Hindi naman malala ang sugat niya, pero nagpatawag pa rin kami ng medic para magamot.

Laking gulat ko nang makita si Azrael na pumasok.

Mula sa labas ay seryosong pinanonood ko siyang linisan at gamutin ang sugat ni Palaez.

"Inspector, hindi mo naman nabanggit na doktor pala ang kapatid mo. Sakto ang dating niya, bibisitahin ka raw eh. Nagkataong ngayon pa na nag-amok 'yang alaga mo.", ani Chief.

Lumingon ako sa gawi nila, at nakita ang malapad na ngisi ni Azrael kay Amelia na nakatulala at tahimik na umiiyak.

Paglabas ng selda, pinandilatan ko agad ng mata si Azrael at gigil na binulungan.

"Anong ginagawa mo rito? At kailan ka pa naging doktor??", tanong ko.

"'Di ba 'yon nga ang napili kong trabaho?", aniya.

"Isa pa, may binisita akong kakilala. Masyadong nagmamadali, 'di pa naman niya oras.", dugtong pa niya sabay tingin sa gawi ng mga kulungan.

"Hindi ka pa ba naaawa sa tao? Hirap na hirap na siya. Matindi na ang takot sa'yo, alam mo 'yan. Gusto mong magsisi siya, ginagawa naman na niya. Ano pa ba talagang gustong mo? Hindi kita maintindihan."

"Hindi dahil nakakausap mo ako ay may obligasyon na akong ipaliwanag ang bawat kilos ko. Wala kang karapatang kwestiyunin ako at ang kung ano mang ginagawa ko, nagkakaintindihan ba tayo? Alamin mo ang limitasyon mo. Tatandaan mong tao ka lang.", ani nito at nilampasan ako.

Para akong nakaramdam ng matinding pagkapahiya dahil sa sinabi niya. Hindi ako kaagad nakabawi.

"Tao lang kami, kaya wala kaming karapatang magtanong kung anong plano para sa amin? Wow. Hanep na 'yan. Nakaka-buwisit, limitasyon amp. Daig pa kaming pinaglalaruan.", iling ko sa sarili at sarkastikong natawa.

"Inspector Valdez, telepono para sa'yo.", lumapit kaagad ako sa tanggapan para masagot ang tawag.

"Franco? Si Vivian 'to, p-puwede ba tayong magkita?", sabi niya sa napakahinang paraan.

"Sure, asaan ka ba? Pupuntahan kita after ng duty ko, ayos lang ba?"

Narinig ko ang paghinga niya sa kabilang linya. "Sige, hindi bale nalang. Salam—", at naputol na naman ang tawag.

Tinignan ko muna ang telepono bago ibinaba. Tatawag-tawag, ibababa rin naman kaagad. Ano naman kayang problema ng isang 'yon?

Angel of DeathWhere stories live. Discover now