Kabanata 10: Agreement

10 0 0
                                    

Franco's POV

"Ako iyon lahat, at marami pang iba.", baling niya sa akin matapos laruin ang dinner knife.

"Paanong? Ano 'yon? Shape shifter k-"

"Anong shape- anghel nga sabi! Dami mo pang binabanggit eh! Anghel ako, at nagagawa ko ang mga 'yon dahil 'di lang ako pangkarinawang anghel, okay? Nakakapikon na 'tong taong 'to.", anito at tinuktok ang dinner knife sa lamesa.

"Okay, chill. Gets, gets! Inhale, exhale", tinaas baba ko pa ang mga kamay ko para mas convincing.

"Kalmado ka na ba? Continue, anghel ka, oh tapos?", nag motion ako na ituloy niya. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago muling nagsalita.

"Nagpapalit ako ng anyo para walang makakilala sa'kin...", binitin niya ang sinasabi.

"pero sinisiguro ko na ano man ang anyo ko, 'di nila ako malilimutan."

Hindi ako naglakas loob magsalita sa kabila ng napakarami kong katanungan.

"Huwag kang mag-alala, unti-unti ay masasagot din ang mga tanong sa isip mo. Sa ngayon, ang mahalaga ay magkalinawan muna tayo tungkol sa kasunduan natin.", napukaw niya ang atensyon ko.

"Anong kasunduan? 'Yon bang ini-scam mo ako?! Hindi dapat counted 'yon, marumi ka maglaro-", naputol ang sinasabi ko nang ihilamos niya ang kamay sa kaniyang mukha.

"Unang-una, hindi ako nakikipaglaro. Misyon ko 'to, magiging parte ka nga lang. Pangalawa-", ipinitik niya ang kaniyang daliri at nagkaroon ng blangkong papel sa ibabaw ng lamesa.

"Maari kang magbigay ng suhestiyon at opinyon mo patungkol sa nais kong mangyari.", sabi niya at itinulak ang papel palapit sa akin.

"Ano 'to? Eh blank paper lang naman-", angil ko na pinutol niya.

"Dami mong side comments, isa pa, ipalulunok ko sa'yo 'to. Para sa isang lalaki, ang daldal mo, alam mo ba 'yon?", natahimik ako sa sinabi niya dahil totoo nga naman. Pero, ang totoo kasi ay hindi ko alam kung naa-amaze ba ako sa kaniya o sadyang nagtataka lang ako kaya ako ganito.

"Bago mo ako pakainin ng papel, bakit ka nandito sa bahay ko?", untag ko.

"Mmm, finally, medyo may sense na tanong."

"Tsaka bakit marunong ka mag English-", hindi ko napigilan ang kuryosidad.

"Anak ng! Sa tagal ko na sa mundo, ano pa sa tingin mo ang hindi ko nalalaman?", bakas na bakas ang inis niya.

"Oks, eh bakit ka nasa bahay ko?", pagbabalik ko sa naunang tanong.

"Dahil ayon dito, magkapatid tayo.", aniya at pumitik muli. Nagkaroon ng iilang papeles sa lamesa.

"Woah hahahaha iba pala maging anghel, may kapit sa Recto! Hahahaha.", akalain mong kumpleto siya sa documents? May birth certificate, diploma, at kung anu-ano pa. Hanep na 'yan.

"Recto?", nailing ako sa tanong niya.

"Akala ko ba wala ka ng hindi alam? Para sabihin ko sa'yo, maraming nagawa ng pekeng dokumento sa Recto. Nasagot ko ba tanong mo?", tanong ko habang binabasa ang detalye sa papeles niya.

"Ferdino Valdez? Ampangit naman!", malakas na basa ko sa nakarehistrong pangalan at napabunghalit sa tawa.

"Anong nakakatawa? Alinsunod 'yan sa pangalan mo.", nagtataka niyang tanong at inagaw ang birth certificate niya.

"Pangit! Hahahah sinauna masyado! Ayusin mo naman."

"Faber? Felix? Francisco? Flynn?", at patuloy siyang nagbanggit ng mga pangalang lumabas sa search results niya sa Google. Hanep 'to, naka Samsung pa!

Panay lang ang suggest niya, kaya't panay din ang iling ko. "Fabian?", hindi ako sumagot.

"Fabian Valdez?", tanong niya ulit.

"Isa pa, itatarak ko 'to sa lalamunan mo nang tuluyan ka nang 'di makapagsalita.", banta niya.

"Maganda! Ang ganda!", biglang energetic kong sagot at pumalakpak pa.

"Plastik", aniya

"Fabien, maganda, maganda.", sinamaan niya ako ng tingin.

"Fabian, hindi Fabien. Tatanga-tangang tao.", sabi nito at pinalitan ang pangalan sa dokumento.

"Ako na ang kuya sa atin, tutal naman at ako ang masusunod.", sabi niya.

"Bahay ko 'to, bakit ikaw ang masusunod?", protesta ko.

"Eh kung ihatid ko na kaluluwa mo ngayon?", mabilis akong umiling.

"'Wag naman, kuya hahaha. Tangina daig mo pa may altapresyon."

Nag-isip siyang muli habang umiinom sa juice. "Doktor ako, tama. Medisina ang inaral ko at isa akong licensed doctor, tamang tama para hindi na mahahalata kung bakit ako nasa ospital nakatambay. Kahit na ang totoo, nandoon ako para sumundo.", ngisi nito sa akin.

Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya.

"Ganito, unang-una sa kasunduan natin ay ang pagpapanggap natin bilang magkapatid.", tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Pangalawa ay para hindi na ako mahirapang mapalapit sa mga tao nang 'di kataka-kataka ang existence.", tumango akong muli nang maintindihan ang kaniyang dahilan.

"At pangatlo, gagamitin natin ang propesyon mo upang humuli at magpataw ng karampatang parusa sa mga nagkakasala.", ngiti niya nang 'di umaabot sa mata.

"Huhulihin mo?", takang tanong ko.

"Oo, saka ko pagdudusahin habang nasa loob. 'Wag kang mag-alala, depende pa rin ang mangyayari sa kung anong maisipan kong kaparusahan.", daglian kong sinilip ang kaninang blangkong papel, at sa nakamamanghang pangyayari ay nagkaroon na ito ng mga sulat base sa kung anong aming napagkakasunduan.

"Sandali, syempre kung gagamitin mo ako, mayroon pa rin rules at boundaries.", nakangiti kong saad habang hawak ang papel.

Mabilis siyang napasinmangot at may galit na hinatak sa akin ang papel.

"Pag-uusapan natin kung papayag ako.", saad niya.

"Number one, bawal mo na basahin ang laman ng isip ko-", pinutol niya ako kaagad.

"Imposible 'yang gusto mo, hindi pupwede!", oa niyang sagot.

"Kung ganon, edi sige, bukas ang pinto ng bahay ko, puwede ka na umalis-"

"Negotiable naman ang hiling mo, pag-iisipan ko.", kunot-noo niyang pahayag at ako naman ang napangisi.

Anghel mo mukha mo. Akala mo ah, kahit sino ka pa, hindi pa rin ako papayag na ikaw lang ang masusunod, ano? Ha! Oportunista!

Napangisi ako sa naiisip. "Para kang timang, wala pa tayong napagkakasunduan, kaya naririnig pa kita!", saad niya sabay pitik ng daliri. Nagkaroon ng kutsra sa isang kamay niya na agad din niyang ipinambato sa akin.

Mabilis akong nakailag at dinilaan siya. Pinitik niya ang daliri at nagkaroon ng iilang kutsarang bumagsak mula sa kisame patungo sa akin.

"Bull's eye", ngisi niya.

Angel of DeathWhere stories live. Discover now