CHAPTER 2

43 8 6
                                    

      ASHER POV:

MAG DADAPIT HAPON NA, nang ipatawag kami sa club for a group  meeting. May trabaho pa akong nag hihintay sa akin ngayon pero parang importante din naman ito.

“Alam mo ba kung tungkol saan ang pag tawag ng meeting?” I asked Dennis,who's currently half asleep while sitting on the swivel chair.

“Wala din akong alam, Maxine will announce it later on. Pero sa tingin ko may paparating na event this May?” he replied. Hindi parin nag nababago ang position nito sa pag kaka-upo.

“May part-time job pa ako e, asan na ba sila?” pahabol kong tanong. Lahat sila ay nag kibit balikat na lamang.

Nasa lumang room kami at hinihintay ang nag patawag ng meeting, wala si Melody dahil may klase siguro. Mabuti nalang, para walang sagabal at puro kalampang sa braso ko.

“Guys, we're here na… pasensiya na medyo natagalan kami dahil may nakikipag talo kay Sir about sa chemistry.” Maxine said.

“Inaano ka ba ng chem? Hinahapak mo siguro e.” sabi ni Jake.

Nagtawanan naman kaming lahat sa loob, kasabay ng pag banat ni Maxine kay Jake.

“Oh, at least may jowa. Ikaw ba?” panunukso ni Maxine.

“Bakit? anong magagawa ng jowa mo kapag may anger issue ako?” pabarang tanong ni Jake?

“Pasok ka na, love.” pinasa naman ni Maxine ang sagot niya kay James.

“Hindi, dadagdagan ko lang anger issue mo, pre.” sagot ni James.

Mas lalo kaming umingay at nag batuhan nang mga walang kwentang banat, puro kami  tawanan bago napunta sa main reason tungkol sa meeting.

“The President requested na tumugtog sana tayo sa upcoming event ng mga highschool students, may ibibigay sa atin na specific na kanta na ipapatugtog natin tapos fifty-thousand for our performance and efforts.”

“Puwede ka nang makabayad sa tuition at pang ospital ng kapatid mo, okay ba sa'yo?” Maxine turned to me, at nang inangat ko ang paningin ko ay lahat sila nakatingin na sa akin.

This is the only way para mabawasan ang bayarin namin sa ospital, ilang buwan nalang din ay kailangan na niyang operahan.

“That would be great, maraming salamat sa inyo.” naluluhang ani ko.

“Anything for this family man, we will do everything to help you.” Dennis replied.

“Okay na, tapos yung mask ha? And don't forget na mag seen mamaya sa group chat.” pahabol ni Maxine.

We all answered ‘yes’ at kasunod n’on ay tuluyan na pag dismissed ng meeting. Lumabas na kami sa room at nag lakad papuntang gate, sumasabay lang ako sa kanila pa-uwi o minsan papuntang trabaho gaya ngayon.

“Wala ba kayong balak na mag beach this weekend?” tanong ni Dennis.

“Wow, pre parang wala tayong plates at report na gagawin ah?” sagot ni Jake.

“We can do it there sa beach, we have a house located near the beach.” sagot naman ni Dennis.

“Ako iting hindi makakasama mga pre, may tranaho ako e.” singit ko sa usapan nila.

Our Last Song (BL - ongoing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora