"M-may pera naman ako, pwede kong saluhin ang tuition mo. Teka, scholar ka naman. Wala kang babayaran e, hindi ko maintindihan"

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Something is fishy about you" sabi niya. Hinayaan ko siya sa pagtitig niya ng masama sa akin.

"Birthday mo na Elle, anong gusto mong gift?" tanong ko. Umiling siya.

"Binigay na ni Lord yung gift na matagal ko nang inaasam" sabi niya saka ngumiti sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya. Dapat magbigay pa rin ako ng gift kahit na ayaw niya. I will surprise her then. "pero seryoso ka, Ally? Mag d-drop out ka?"

Tumango ako.

"I-I need to relax muna. Hirap pagsabayin ng ano.... Trabaho at school. Alam mo na, iba na sa college"

"Sinabi naman sayong hindi mo na kailangan pang magwork diba? Tigas ng ulo mo"

"Okay lang naman, babalik ako pagkaya or gusto ko na"

"Nah, this is suspicious. You love going to school too much to ever think of dropping out" kinabahan ako sa sinabi niya.

"Basta, wag mo nang sabihin sa iba or kina tita baka magalit yun" sabi ko nalang.

"Hindi ako kumbensido. May malalim pa na dahilan yan. Sinasabi ko sayo pag nalaman ko yang sekreto mo..."

"W-wala akong secret... Ano ka ba" I sheepishly told her. Humihina ang boses habang nagsasalita ako kasi guilty as charged.

"Si Moria nga pala?" tanong ko. Hindi ko na siya nakikita or dahil palagi rin akong wala.

"Nahulog siya sa kanal kahapon while nag jogging ewan ko ba roon. She broke her leg kaya baka hindi pa yun makabalik agad sa school"

"She fell?" that's so random and sad. "We'll be visiting her right? Tumango naman siya sa tanong ko kaya napaisip din akong sakto rin at babalik ako sa ospital.

"Ma, aalis pala ako bukas. May lakad po ako, bibisitahin namin yung kaibigan namin" pagpapaalam ko kay mama. She didn't look at me pero tumango naman siya. Kunting linis lang din ang ginawa ko sa kwarto niya at saka inaruga ko na rin ang nalantang bulaklak sa vase. Hindi ko namalayang namatay na pala ito.

Binisita nga namin si Moria sa hospital. Elle was telling her how stupid she has been for falling in a drainage. She just laugh it off and nodded in agreement. She was also taking pics and videos of Mor while in bed. Poking fun at her leg and told her she'll write on it when she's discharged. I excused myself and went to see my doctor discretely.

Pagkalabas ko nakita ko si Doc Rosemund. Siguro mag rarounds pa siya sa mga pasyente niya. He smiled at me gently.

"Kumusta? Parati ata kitang nakikita rito?" tanong niya.

"Check up po..." tumango naman siya.

"As much as gusto kitang makita because you remind me of my sister, I don't want to see you around here. Sa hospital" bumuntong hininga siya. "It's either you are sick or not, dalawa lang yan"

Tumango ako. He was right though. I'm sick.

"Can I ask you something?" tanong ko. As a doctor, I wanted to ask this question.

"Sure..."

"What scares you the most?" on a daily basis where he handles patients I want to know if it scares him too. Death.

"Not being able to save someone I want to save the most" walang pagdadalawang isip na sagot niya.

"bakit mo nga pala natanong?"

Love me, RosalieWhere stories live. Discover now