"GOO MORNING!!" sigaw ni Owen at nabigla si Jack sa ginawa niya kaya nagising din ito. natawa naman ako sa ginawa niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Stay Strong Xia." bulong niya sa akin. Sinuklian ko lang siya ng ngiti. 


Tumayo narin si Jack at lumapit sa akin. Katulad nilang tatlo ay niyakap niya din ako. "Nandito lang kami ahh." ngumiti ako sa sinabi niya at may binigay siya sa akin. "Kanina pa tumatawag si Asher." nakita ko ang pangalan niya na tumatawag. Kinuha ko iyon pero pinatay din. Hindi ko siya kailangan ngayon at kahit kailan man.


"Nasabi mo na ba sa kaniya ang tungkol sa pinagbubuntis mo?" tanong ni Jack ngunit umiling lang ako. 


Parang pinipiga ang puso kapag naalala kong ginamit niya lang pala ako. Simula noong mag kakilala kami. Naka plano na pala ang lahat. Paanong hindi ko napansin iyon. Kaya pala siya nag abugado ng  dahil doon. 


"He just used me." yun lang ang nasabi ko bago tuluyang tumulo ang mga luha sa mata ko. "He didn't love me, He used me." Lumapit sa amin si Zani at niyakap ako ng mabuti.


"Kung buo na ang desisyon mong hindi sabihin sa kaniya iyan ay susuportahan ka namin, ngunit alam mo naman ang consequences ng mga kilos mo hindi ba?" Tinitigan ko si Owen ng sabihin niya ito. Tumango ako.


Alam kong mali na hindi ko sabihin sa kaniya na siya ang ama ng pinagbubuntis ko ngunit may parte sa akin na hindi ko kakayanin na mag stay sa tulad niyang mang gagamit. Hindi ko nga alam kung totoo bang minahal niya ako, na ginamit niya rin lang ba ang katawan ko para mag higanti sa mga Ferrer. 


Hindi ko lubos na maisip na nagawa niya iyon sa akin, ang akala ko talaga ay mahal niya ako. Ang galing niya dahil napanila niya ako doon. Ang galing, galing.


Mag gagabi na ng pinauwi kami ng Doctor para makapag pahinga ng maayos. Sabi ko kase na ayaw kong matulog sa hospital ng dahil sa mga nangyari. Hindi na nagpakita sila mommy at daddy simula ng nangyari kanina.


Kasama ko sina Zani sa pag uwi. Sa bahay na daw sila matutulog para may kasama ako. Pagdating namin sa bahay ay pinaupo lamang nila ako sa couch at sila na ang nag asikaso. Hindi pa nga ako pumayag nung una  dahil alam kong okay na ako ngunit hindi sila pumayag. Si Jack ay naguluto sa kusina habang si Owen at Rayden ang nag aayos ng hihigaan sa sala, si Zani naman ay nag aayos sa Dining table.  Nakangiti lang akong pinagmamamsdan sila. Hindi ako pwedeng mag mukmuk habang kasama sila kaya hinayaan ko lang na anandito sila para pasayahin ako.


Ilang oras pa ang nakalipas ng yayain na ni Jack ang lahat na kumain. Masaya kami habang kumakain dahil sa mga jokes ni Owen at Rayden. Madami silang pinapakain sakin, umiiwas ako ngunit pinipilit nila dahil para daw sa baby. Hinayaan ko silang mag- ligpit pagkatapos dahil hindi nila ako pinayagan. Si owen ang nag hugas ng mga piggan at si Rayden at Jack ang nagligpit ng lamesa. Kami naman ni Zani ay pumunta na sa kuwarto para makapag shower, sabay kaming nag shower dahil sa nakagawian. Nag pajama kami at sabay na pumunta sa sala. nadatnan namin ang tatlo na kakatapos lang mag shower ngunit nakadungaw sa bintana.


"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Zani sa tatlo. Inalis nila ang tingin sa bintana at sabay-sabay na tumingin sa akin.


"W-what?" tanong ko habang nakakunot ang noo.


Stay With MeWhere stories live. Discover now