"We broke up" she said

Nagulat ako. "Ay weh?"

Tumawa siya. "Tagal na, bhie. Cheater amp"

"Dapat sa mga ganiyan, tinatapon sa bunganga ng crocodile" umirap ako. "Kapal naman ng mukha ng gagong iyon magcheat! Feel niya kinagwapo niya"

Inabutan niya akong tubig. "Oh kalma"

"Tss. Dapat sinabi mo sa akin at nabigyan ko ng flying kick"

Nagtawanan kami

"Enough of my love life. How's yours?" dumukwang siya sa table, may mapang-asar na ngisi. "May pag-usad na ba ang barko ni Blaux"

Agad akong sumimangot

"Tigilan niyo na yan, ha? May girlfriend ata yun"

"Sus. Pakakabog ba ang best friend?" binato ko tuloy siya ng tissue.

"Single pa din ako hanggang ngayon, noh? Consistent" ngumisi ako

"Eh? NBSB pa din?!" malakas niyang tanong

Pinandilatan ko tuloy siya ng mata kasi naglingonan ang mga customers sa amin

"Talaga?! Ang tanda tanda mo na ah?"

"Ay wow! Napakabata mo pa" sarkastiko kong sabi

Nag-uusap lang kami ni Selena nang biglang may hayop na humila ng buhok ko. Makikipag-away na sana ako kung hindi ko lang Nakita na si Keir iyon.

"Ay gaga ka!"

Umirap siya at naghila ng upuan

"Anong pinag-uusapan niyo? Ayos ah. di ako kasali" sinamaan niya kami ng tingin parehas. Tinawanan lang namin ang pagmamaktol niya.

"Wala, beh. Di ka belong, bawal may love life dito"

Inirapan niya lang kami

"How about, Sol? Kontakin niyo kaya" sabi ko kasi baka isipin non nileleft out siya ay kami lang naman talaga dapat ni Selena may date today at umentrada lang si Keir

Nivideo call tuloy namin siya. Turns out nasa Baguio siya ngayon, traveler kasi yang bruhang iyan. Nalaman ko lang din kay Keira, sila lang kasi dalawa ang nakakapag-usap, same kasi ng college na pinasukan kaya updated sa isa't isa. Ni-left out kami ni Selena eh.

"Mga punyeta kayo..." bungad niya

"Uy bawal yan" saway ni Keir na akala mo naman ay never siya nagmura

"Langya ka, bakit nagsosolo ka sa Baguio? Di man lang kami inaya eh. Ganyan attitude mo" pangguilty ko sa kaniya.

"Ay kamalayan ko ba! Kayo nga nagkita kita diyan di ako kasama"

Mga ilang oras din akong nakipag-away kay Sol, pagod na pagod tuloy ako pagkatapos. Basta talaga yun makausap nauubusan ako ng lakas

Abnormal kasi ka-talk

Well, in fairness di na dora ang hairstyle niya. Mahaba na din ang buhok ni aleng short hair tapos nagpakulay siya ng brown.

Nagplano na din kami ng gala. Bidang bida naman si Sol at madami nang napuntahan, niv-vlog niya kasi yung travel niya tapos meron din siyang app nong sa blog kasi mahilig siyang mag-inarte. Charr

"Maganda sa Siargo" aniya

Tumango ako. "Sabi nga"

Mahaba-haba din ang naging kuwentuhan namin bago tuluyang nagpaalam

And now, i'm here on my own cubicle, trying to finish out the left workloads

"What really... happened?" mukhang nag-aalinlangan pa si Aria magtanong sa akin

Memories' SilhouetteWhere stories live. Discover now