Tumakbo ako kay Ali at hindi nag dalwang isip na sumampa sa kama. I perform CPR. Rinig na rinig ko ang mga doctor at nurses sa pagpigil sa akin. ngunit may narinig akong pumasok sa silid at sinabi na hayaan ako alam kong si Kurt iyon. 


Hindi ako tumigil sa pag CPR kay Ali kahit mabingi na ako sa monitor nitong sumasigaw na wala na akong magagawa. Walang tigil sa pagtulo ng luha ko habang ginagawa ko ito. Umiling ako.


Ali I can't. I can't do anything, please stay with me. Please Ali. "Breath. Please Breath Ali. No please." Sobrang sakit na ng kamay ko ngunit hindi ako tumigil. Nakita ko si Asher na nasa tabi ko at nagtatangkang hilain ang kamay ko ngunit hindi ako nagpatinag at hindi tinigil ang ginagawa. "Stay Ali please." I begged to a dead child. 


"XIA!" narinig ko ang sigaw nina Zaniah, Rayden at Jack. 


Lumapit sa akin si Rayden at hinawakan ang kamay ko upang patigilin. Tinabig ko ang kamay niya at hindi parin tumigil sa ginagawa. Pilit kong dinidiin ang mga pagbaon ko sa dibdib ni Ali.


Sa pangalawag pagkakataon ay hinawakan muli ni Rayden ang kamay ko. Madiin ang pagkakahawak niya ngunit nanghina din ito ng sigawan ko siya.


"NO! PLEASE ALI, STAY WITH ME!" sigaw ko. 


Hinawakan ni Asher ang kamay ko at dahil sa diin ng pagkakahila niya ay nanghina ako at nagpatianod sa kaniya. Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Halos di na ako makahinga sa pagiyak ng magsalita si Kurt.


"Time of death; 11:11" pagkatapos niyang sabihin yun ay pumunta ang nurse malapit kay Ali at tinabunan ang buong katawan niya at lahat sila ay umalis na. Ang natira sa loob ay sina Zaniah, Rayden, Jack at kami ni Asher. 


Hindi ko parin lubos na maisip ang nangyari, kanina lang ay magkausap kami ni Ali habang suot ang kaniyang masayang nginiti. Kanina lang ay bumisita kami sa nursery. Kanina lang ay sinabi niyang wag ko siyang iiwan. But now she left me. She left without a proper goodbye. She left me like Xiana did. They left me without a proper goodbye. H-how can I stay here knowing that you left me already. You should warn me first. It's my fault. I didn't stay with you Ali.


Umalis ako sa pagkakayakap ni Asher at niyakap ang patay na katawan ni Ali. Inalis ko ang kumot na nakatabon sa kaniya. Nakita ko ng maayos ang mukha niyang putla. Hindi nila ako pinigilan at hinayaan lang sa balak na gawin. Umupo ako sa kama at hinawakan ang kamay ni Ali, nilagay ko iyon sa pisngi ako at pumikit. Ilang minuto narin ang nakalipas at malamig na ang kaniyang katawan. Hindi tumitigil sa pagdaloy ng aking mga luha. Parang hindi iyon maubos, narinig ko ding umiiyak na ang mga tao sa loob ng silid na iyon.


Dinilat ko ang mata ko at sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ang mukha ni Ali. 


"I'm sorry, I'm really sorry Ali. I shouldn't left you. I'm sorry Alleyah." niyakap ako ni Asher sa likuran.


Isang oras akong nakatitig kay Ali ng dumating na ang mga kukuha sa kaniya. Hindi parin tumitigil ang pag-iyak ko dahil sa nangyari. Pa ulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang lahat na alaalang pinagsaluhan naming dalawa. Hindi ko na napansin si Asher alam kong nasasaktan din siya sa nangyari ngunit hindi ko siya tinignan mata sa mata. 

Stay With MeWhere stories live. Discover now